CHAPTER 42

118 11 4
                                    

CALVIN POV

Umalis na sila James at Michael. Patakbo silang sumunod kay Van na buhat buhat si Alex.

"Wag na wag ka ng lalapit kay Alex pareng Calvin. Kung ayaw mong kalabanin kita. "  ayos na sana kami ni Kris kanina pero mukang galit na naman siya.

Tumingin pa siya ng masama kay Jana saka ito umalis. Napahilamos nalang ako sa muka ko saka ko tiningnan si Jana. Basang basa siya ngayon. Tskk. 

"Bakit mo ba ginawa yon?  Bakit mo ba siya tinulak? "

"Hindi ko naman sinasadya Jeric eh.  Akala ko matutumba lang sya pero nalaglag na siya sa pool. " napakunot naman ang noo ko sa kaniya. Tssk.  Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng matinding galit.  Galit kay Jana at galit sa sarili ko. Kaya't kinokontrol ko nalang to. 

"Je-jeric.  Ga-galit Ka ba sakin? " hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na ako pababa. Bahala siya kung susunod siya.

"Jeric Wait!! "

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang ako ng lakad papunta sa dorm. Basang basa na din ako.  Pero hindi ko mapigilang hindi isipin ang sinabi niya kanina.

'Siguro nga kinalimutan mo na ang lahat. Siguro nga sa pagkawala ng ala ala mo. Nawala na din ako sa puso mo. Lagi nalang ako umaasa Javier.  Siguro nga nagkulang ako noon sayo. Pero  hindi tama na saktan mo ako ng ganito. Na sabihin mo sa akin na si Jana na ang mahal mo at sinusuka mo ang nakaraan mo. Ang sakit Javier. Ang sakit sakit naaaaa. Nabuhay ka nga pero parang ako naman ang pinapatay mo!'

Di ko alam pero nagbabagsakan narin ang mga luha ko habang naglalakad. Ang sakit kasi sa pakiramdam. Ang sakit sakit sa dibdib. Pero yung utak ko walang laman. Basta nasasaktan lang ako. Nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan.

Dumiretso ako sa dorm at sinarado ako pinto. Napapakunot lang ang noo ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.  Parang hindi ko kaya. Hindi ko kaya yung sakit.

'Sabi mo hindi ka mawawala sa akin. At ako lang ang babaeng mamahalin mo.  Ako lang ang b--babygirl mo. Sobra akong nanabik sayo.  Gusto ko sa pagdilat ko nasa tabi na kita.  Gusto ko gigisingin mo ako at kukulitin. Gusto kong marinig ulit ang tawagin mo akong babygirl!  Gusto kong hawakan mo ulit ang mgakamay ko at yakapin mo ako na para bang wala ng bukas. Pero t4ngina!  Ang sakit na Javier. Ang sakit na nakikita kong sa iba mo na yon ginagawa. Dapat ako yon eh!  Dapat ako yong yakap mo!  Dapat ako aking kamay yon!  Peroooo hindi.. Pinagsampalan mo sakin na mahal mo si Jana at hindi na ako.'

Naikuyom ko ang kamao ko.  Nalilito na ako sa  nararamdaman ko. 

"ARRRRRRRRGGGHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!"

Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay naitaob ko ang higaan ko. 

*BOOOGSHHH*

Nasapok ko din ang pader sa sobrang gigil. Galit,  inis,  sakit yon lang ang nararamdaman ko pero hindi ko malaman kung bakit.  Siguro dahil nasaktan ko siya. Nasaktan ko si Alex. Napaupo nalang ako sa sahig at inuuntog untog ko ulo ko.  Bakit kasi wala akong maalala? Bakit kasi nasabi ko ang mga bagay na yon?  T4nginaaaaaa!! 

'Sinaktan mo siya Calvin... Kaya sana mahal kaparin niya  Kapag bumalik ang ala ala mo... Dahil kung hindi na. Kahit bumalik ka pa. Sisiguraduhin kong wala ka ng babalikan..'

Van. Nasaktan ako sa sinabi niya... Ang sakit sa pakiramdaman ng mga sinabi niya. Parang sinasabi niyang sa kaniya na si Alex at nakaramdam ako ng pagtutol.

"ARRGGHHHH!! "

Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla nalang sumakit ito. Parang doble na ang nararamdaman kong sakit. Ang sakit ng ulo ko at ang sakit ng nararamdaman ko. Sa sobrang sakit ay napaupo nalang ako.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon