CHAPTER 37

139 11 8
                                    

Pagkagising ko ay tulog pa si Jana. Kaya't nagluto na ako. Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko na yung tuwalya ko para maligo. Madilim pa sa labas.  Mga 4 o'clock palang ata. Pero marami ng mga estudyante ang naglalabasan. May nagjojogging at may nageexercise. Nagtungo na ako sa c. r.

"Goodmorning Major! " batinsakin nong isang estudyante.

" Goodmorning " napapangiti nalang ako sa kanila at napapatungo kapag may babati sa akin.

"Ang laki ng pinagbago ni Javier. Yung ugali niya. Hindi naman siya ngumingiti noon. Nagyayabang pa"

"Oo nga eh. Parang ambait bait ngayon ni Major hahaha"

Rinig kong bulong bulungan nong mga estudyante. Ganun ba ako kasama noon? Pangit ang ugali ko?  Kung ganun pala ako, ayuko ng bumalik sa ganun. Parang ansama sama ng ugali ko. Sa tuwing dinedescribe nila ako parang ang yabang yabang ko noon. Maangas, mahilig sa away at nanakit. Ang pangit pala ng ugali ko noon. Kaya mas ok na ako kung sino ako ngayon.

Nang matapos na ako maligo ay bumalik na ako sa dorm. Tulog pa rin si Jana. Baka napagod siya.

Lumabas na muna ako at tiningnan ang kabuuan ang school. Ang lawak nito. Ang tataas ng mga pader at nong gate.  Kahit yung mga building. Ang daming mga estudyante na nagtatakbuhan.

"VANNNNN ANO NGA ULIT ANG TAWAG DON SA BUTTON NG M14 AT M16. YUNG MAY AUTOMATIC,  ON AND OFF!! " rinig kong sigaw nong James.

Napatingin ako sa dorm nila.  Nakatayo sya don sa may pinto at nakauniporme na sila. May binabasa din siyang aklat.

"Selector Level"

Napatingin sakin yung James. Hindi ko din alam kung bakit ko nasabi ko.  Basta pumasok lang sa utak ko na selector level ang tawag don sa binabanggit niya.

"YON NGAAA!!  TAMA KA PARENG CALVIN!! ALAM MO PA AH! SALAMAT"

Ngumiti nalang ako sa kaniya at nagpatuloy na sya don sa binabasa niya.

Nang sumikat na ang araw ay nagpaalam na sila sa akin.

"Sige Pareng Calvin.  May lecture pa ako eh.  Mamayang hapon ililibot ka namin dito sa Arsenal at marami kaming ikukwento sayo! " yung Taner.

"Ah sige"

Yun nalang ang nasabi ko at nagsibabaan na sila papunta sa lecture hall. Pumasok na ako sa loob ng dorm at nakita kong gising na si Jana at nagaayos na ng higaan niya. Tinulungan ko naman siya don at pinaghayin ko na din siya ng pagkain.

"Jeric. Ganito pala sa military no. Ang aga nilang gumising. Kanina sa c. r ang bibilis nilang maligo grabe. Parang hinahabol nila ang oras eh. "

"Ganun talaga dito Jana. Kailangan mabilis ang kilos. Ang oras ay mahalaga, sinasanay dito ang pagiging maliksi dahil ang bawat kilos dito ay may oras. De numero ang bawat kilos.  May oras ng pagtulog at paggising.  May oras ng pahinga at pagkain. Hindi ka pwedeng mahuli sa mga oras na yon kung ayaw mong tumakbo sa napakalaking oval na yon sa labas hahahaha"

"Naku Jeric. Alam na alam mo pa talaga ang mga bagay na yun ah.  Hindi mo pa nakakalimutan."

"Hindi ko din alam. Basta yun ang punapasok sa utak ko eh.  Parang alam ko na yon. Siguro nga ay sundalo nga ako at nandito ako dati sa paaralang ito."

Napatango nalang si Jana at inubos na ang pagkain niya. 

"Jana gusto mo bang maglibot libot? " yaya ko sa kaniya ng matapos siya ng pagkain.

"Hmmm. Mamaya nalang siguro akong Hapon. " ngumiti siya sa akin.

"Oh sige.  Bababa muna ako ah! "

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon