CHAPTER 29

77 7 2
                                    

ALEX POV

Itinabi ko nalang ang phone ko. Sino ba yung tumawag na yon? Bakit hindi nagsalita? Tsk. Pumunta nalang ako sa tabi ni Calex na nanonood.

Nakikipaglaro si Calex sa akin ng biglang tinawag ako ni Manang.

"MA'AM NANDITO NA PO HINIHINTAY NIYO!!"

Napapunta ako sa labas at sinalubong ko si Aljhon, ang pamangkin ko. Anak na lalaki ni kuya. Kabababa nya lang sa kotse. Medyo nagulat ako dahil ang laki laki niya na ngang talaga. Parang kailan lang ah. Binatilyo na sya.

"Hi. Kumusta na?  Si Calex? "

"Nasa loob naglalaro. "

Pinapasok ko siya sa loob. Pinapunta kasi siya ni kuya dito para daw samahan ako, kasi nga nasa Arsenal sila Van nakatira at minsan naiiwan si Calex dito magisa. Buti nalang pumayag si ate Jeny na asawa ni kuya. May kasabay ng pumasok si Calex sa school.

Pinapasok ko na ang mga gamit niya at pumunta na kami sa loob.

"Ang laki mo na. Ilang taon ka na nga ulit Aljhon? "

"16 palang"

Sa totoo lang ayaw niyan akong tawaging tita dahil kung titingnan ay parang hindi daw nagkakalayo ang edad namin.

"KUYAAAA ALLJJHOOOONNNNNN!!! " salubong sa kaniya ni Calex. Nagpabuhat siya dito at mukang nabigatan pa si Aljhon sa kaniya.

"CALEXXXXX SUTIL KONG PINSANNN. ANG BIGAT MO NA AHHH HAHAHAHHAHAHA!! " salubong niya din kay Calex.  Close kasi sila, kaya ganyan. Magiging magulo ang bahay ngayon dahil may kalaro na si Calex. Kung nandito sana si Javier mas magulo silang tatlo.

"Aljhon baka nagugutom ka? "

"No. I miss this kid.  Maglalaro nalang kami hahahaha"

Napatango nalang ako sa kaniya. Pero nagpahanda pa rin ako ng pagkain kung sakaling magutom sila.

*KRINGGGG*KRINGGGGGG*

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na sinagot yon. Bakit ba ang daming tumatawag sa akin ngayon.

'Si Van'

"Hello Van"

"ALEXX! " napakunot naman ang noo ko ng napalakas ang boses niya. Parang excited siya sa sasabihin niya sa akin.

"Ano ba yon Van? "

"Si James. Nakita ni James si Calvin."

Natulala ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Calvin is alive Alex!"

Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at nagpaalam doon sa dalawang bata.  Sumakay na ako at pinaandar ko na ang kotse ko.  Pupunta ako ng Arsenal ngayon. Mukang babalik ulit ako sa loob ng Arsenal.

Sa totoo lang nabuhayan ako sa sinabi ni Van. Tama ako. Buhay pa siya. Hindi ako nagkamali.  Buhay pa si Javier. Buhay ang lalaking matagal kong hinihintay at hinahanap. Sinasabi ko na ngabang buhay pa sya. Tama ang kutob kong hindi p asya patay. Buhay pa ang taong mahal ko.

Hindi ko namalayang umiiyak pala ako habang nagdadrive.  Siguro dahil sa tuwa.  Dahil sa wakas alam kong buhay siya.  Alam kong nakaligtas siya.  Masayang masaya ako. Sobra.  Akala ko wala ka na Javier.  Pero patuloy akong umasang buhay ka. At sa pagkakataong to. Hindi ako nabigo. 

Pagkarating ko ng Arsenal ay sinalubong ako nong mga bantay sa gate.

"Good day ma'am! "

Tumango naman ako sa kanila.  Talagang hindi pa nila ako nakakalimutan. Nagtuloy tuloy ako sa parkeng lot at agad na pumunta sa CHARLIE BUILDING.  Napahinto ako ng mapag-isip isip kong nasa loob na nga pala ako. Parang nitong mga nakaraang buwan ayukong pumasok dito dahil marami lang akong maaalala sa lugar na ito. Napagawi ang tingin ko sa oval. Parang nakikita ko sya. Parang kailan lang pinarusahan sila ni Sir Bargas ni Van. Parang kailan lang nong hinalikan ko sya sa gitna nito. Parang kailan lang parehas kaming nakatingin sa langit.  Pinagmamasdan ang mga bituin.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon