VAN POV
"Alex. Andyan ka na naman sa labas. Pwede ka namang pumasok. "
Nakita ko na naman kasi siyang nakatayo sa may labas ng gate ng Arsenal. Hapon na. Nandito parin siya. Natapos na ang taon ng umalis na sila Calvin at Jana sa Arsenal. Hindi ko alam kung bakit tinanggap yon ni Alex. Ilang buwan narin siyang nagpapabalik balik sa Arsenal pero hindi siya pumapasok. Andon na naman yung pakiramdam ko na nasasaktan na naman siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Kailan ka ba sasaya Alex?
"Ayuko nang pumasok diyan. Ayuko munang pumasok diyan"
Nakita ko na naman na nagbabagsakan ang luha niya at tahimik na umiiyak. Mukang hindi niya na naman namamalayan yon.
"Gusto mo ba. Puntahan ko siya? "
"Wag na Van. Gusto ko kapag bumalik siya naalala niya na ang lahat. Gusto ko pag bumalik siya. Siya na yung Javier na nakilala ko. "
Pati ako napapakunot nalang ng noo sa sakit na nakikita ko sa kaniya. Kaya't lumapit ako sa kaniya at sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko at parehas lang kaming nakatitig sa loob ng Arsenal. Kahit bukas na bukas ang gate nito.
" Ayukong bumalik nga siya pero parang wala rin naman. Ayukong nandito siya pero wala naman yung tamis ng pagmamahal niya sa amin. Si Calex. Buti pa si Calex ang alam niya, nasa serbisyo lang siya. Sana nga ganun nalang din ang alam ko. Pero hindi. Alam kong masaya siya ngayon sa piling ng iba kaya't unti unti ko naring tinatanggap Van. Na saming dalawa, ay may ibang nakalaan."
Nababasa na ang balikat ko dahil sa kakaiyak niya.
"Paano niya nakalimutan ang lahat? Paanong sa isang iglap Van. Nagbago ang lahat. Nagbago siya at pakiramdam ko kinalimutan niya na din ako."
"Shhhh. Hindi ka niya kinalimutan Alex. Isip niya lang ang nakalimot pero ang puso niya. Nandon ka parin. Nandoon ka parin sa puso niya. Sinabi niya yon. Nalilito lang siya sa nararamdaman niya"
Nakita ko namang napangiti si Alex. Nakangiti siya kahit tuloy tuloy parin sa pagbagsak ang mga luha niya.
"Lagi siyang nasa panaginip ko Van. Sa panaginip na yon. Mahal niya ako. Mahal na mahal. Siya sa Javier sa panaginip ko Van. Siya yung makulit at nakakabw*sit na Javier na minahal ko. Minsan hinihiling ko na ayaw ko ng magising pa. "
Napalunok laway ako sa sinabi ni Alex. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya. Wala akong magawa kundi ang haplusin nalang ang likod niya.
"Van. Alex! " pagtawag sa amin ni Taner kasama ni si James.
Umayos ng tayo si Alex at nawala naman ang ngiti nong dalawa ng makita nilang umiiyak si Alex. Nakita kong nasapo pa ni Alex ang dibdib niya. Siguro sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.
Pero nagtaka na ako ng bigla siyang humawak sa tiyan niya at nanginhinig ang mga tuhod at kamay niya. Para din siyang nahihilo.
"Alex? May problema ba? " lalapit sana si James sa kaniya ng parang pinigilan niya ito. Nagkatinginan naman kami ni Taner at napakunot ang noo.
"A-ayos lang"
Binuksan ko na ang pinto ng kotse niya para sumakay na siya.
"ALEXXXXXXXX!! " sigaw nila Taner at James.
Agad akong kumilos para saluhin siya dahil bigla nalang siyang nawalan ng malay. Doon ko lang napansin na ang mga braso nya ay parang namamaga. Kinakabahan ako sa kaniya. Ano ba kasing nangyayari sayo Alex?
Agad kaming sumakay ng kotse at pumunta sa hospital. Pagkarating namin ng hospital ay agad din siyang pinasok sa emergency room.
"Babe. Bigla nalang kasi siyang nawalan ng malay! Please. Gamuti niyo sya ahh! " pakiusap ni Taner sa girlfriend niyang si Mich.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
General FictionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...