MICHAEL POV
"GOOD MORNING LOVE. KITA TAYO BUKAS AH! . OH SIGE LOVE. KUMAIN KA NA BA LOVE?. HINDI PA EH. KAKAIN KA O KAKAININ KITA. AHAHAHAHA MANYAKIS TALAGA AMPØTA! HAHAHAHA. LOVE, MONGGO KA BA?.. SABI NAMAN NI MARY KRIS.....UTAK MO MONGGO MICHAEL. BAKIT BA? ... AHAHAHAHAHAHHA..BARADO SI KUPAL.. TAPOS SABI NI MICHAEL, EH KASI IKAW ANG CUPCAKE SA JELLY ACE KO. BWAHAHAHAHAHA INUTIL. CUPCAKE SA JELLY ACE DAW.. HAHAHA ICING SA JELLY ICE AY AHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"ANO SABI NI MARY? AHAHAHAHHA? "
"ASAN ANG MONGGO DON??? ... SABI NI MICHAEL. WAG MO NG HANAPIN YUN KINAIN KO NA KANINA PA, ULAM NAMIN YUN EH. BWAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHA"
Nagising nalang ako sa ingay ng mga bunganga nong dalawa. Ano ba yung binabasa nila? Kabwisitan nila. Natutulog pa ako eh. Kachat ko kasi si Mary kagabi eh hehehehe. Miss ko na tuloy sya kalate night talk. Ahehehehe. Pero peste ang ingay nong dalawa. Ano ba yon? Tiningnan ko kung ano yong pinagkakaguluhan nila.
"MGA WALANGHIYAAAAAAAA KAYOOOOOOO!!! " agad akong napasugod sa kanilang dalawa ng makita kong may binabasa sila sa phone ko. Agad kong hinaklit yun kay Taner. Anak namputcha.. Binabasa nila convo namin ni Mary. Aytssss. Mga chismosooooooooo..
"Ahahahaha ampangit mong magpick up line Michael HAHAHAHAHHAHA! " si Taner.
"MGA CHISMOSOOOOO KAYOOOOO!!! "
"AHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA!!" nakakainis sila. Pano kaya nila nalaman ang password ng phone ko?
"Naghahanap ako ng bøld sa phone mo! Pero yung kacornihan mo ang nakita ko hahahahahaha!! "
"bw*sit ka Taner!! ... Papalitan ko na talaga tong password ng phone ko. May malilikot kasi ang mga kamay dyan na nambabasa ng convo!! " parinig ko sa kanila habang pinapalitan ko na ang password ng phone ko. Tskkk. Mga pakialamero tong dalawa na to.
"Anong ipapassword mo? 1,1,1,1 naman hahahaha!! " si Kris.
"Paano niyo nalaman agad? " napakunot naman ang noo ko. Nahulaan nila eh. 1111 nga ang pinalit ko.
"HAHAHAHAHAHA kilala ka namin, ulyanin ka kaya nga 0000 ang password mo eh hahahhahahahaha" si kris.
Binato ko nalang sa kanila yung unan at tinago ko na phone ko. Bwisit.
"Niyayaya ka pala ni Mary. Nagtawag. Eh andyan lang nakalagay sa ulunan mo yang phone mo. Di mo sinasagot kaya kami na ang sumagot." si Taner. Nakatulugan ko na siguro ang phone ko.
"Ano sabi? "
"Bukas daw, magsisimba kayo" napatingin naman ako kay Taner. Simba talaga??
"Good luck Michael. Sana di ka masunog HAHAHHAHAHAHAHA!! Wag ka na magbobøld ah HAHAHHAHAHA" inismiran ko si Kris at nagbuklat na ako ng pagkain sa kusina. Buti naman nakaluto na sila.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa c. r para maligo. Tanghali na kaya't mukang walang katao tao sa c. r. Pipihitin ko na sana ang pinto ng may marinig akong umuungøl.
P*steng mga estudyante na to! Dito pa naisipan. Sinipa ko ang pinto ng tumambad sakin yung lalaking estudyanteng nakabitin ang leeg at nagkakawala sa pagkakasakal nong pinakastainless hose ng shower at nakapacking tape din ang bibig nya. Nataranta akong pumunta don at tulungan sya.
"WAG KANG GAGALAW!!!! " sigaw ko sa kanya. Namumula na ang mata nya at muka. Nahihirapan na syang huminga. Inalis ko muna ang packing tape sa bibig nya.
"HAAHHHHHH sir! ----tu-tu-long agghhhh"
Inalis ko ang pagkakapulupot nong hose sa leeg nya. At kinalag ko na din ang mga tali sa kamay at paa saka ko siya tinulungang tumayo. Nanghihina pa tong bata na to. Kaya't pinaupo ko muna sa may gilid.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
General FictionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...