CHAPTER 40

121 11 13
                                    

ALEX POV

"MAMAAAAA BILISAN MOOOOO!!  GUSTO NA ULIT MAKITA SI PAPAAAA!! " sigaw ni Calex at hinihila na naman ako. 

"Wait lang Calex si Kuya Aljhon mo!! "  di pa ko pa kasi nakikitang lumalabas si Aljhon sa room niya kanina. Magkasama na kasi ang Elemnetary at Highschool dito. Kaya masyadong malaki yung campus. Mahirap maghanap. Tsk. Kung saan na naman ata nagsusuot yung Aljhon na yon.

"MAMAAA. SABI NIYA SA AKIN!  MAUNA NA DAW TAYONG UMUWI KASI MAY PROJECT PA DAW SILANG GAGAWIN!! "

"Talaga? "

"Opo. Tara na kasi. Ambagal mo maglakad ehh!! "

Aba't. Tsk. Excited na excited kang bata ka. Kung di lang dahil sayo di na ako pupunta don eh.  Nasasaktan lang kasi ako pag nasa Arsenal ako. Tsk. Samantalang dati pakiramdam ko ang Arsenal ang tahanan ko. Pero ngayon sa gate palang nakakatamad ng pumasok.

Sumakay na ako sa kotse dahil nauna na si Calex doon na hindi na makapaghintay. Tsk.  Dapat nga si Javier ang dumadalaw sa anak niya.  Yung anak niya pa ang dadalaw talaga sa kaniya. P*ste.

Pagkarating namin sa Arsenal ay agad na bumaba si Calex sa kotse.

"HELLOOOO CALEXXXX!  NANDITO KA NA NAMANNNN!! " bati sa kankya nong mga estudyanteng lalaki.

"Of course. Ako pa ba? " sabay hawi na naman ni Calex sa buhok niya.

"Gandang Araw Lieutenant! " bati din nila sa akin. Tumango nalang ako sa kanila saka sila nagpatuloy sa paglalakad. Tumakbo na naman si Calex papunta sa Charlie Building.

"Oh Mendez?! Andito pala kayo ulit.  Talagang namiss ni Calex si Javier Ano?  Hahaha" si Sir Alfaro.  Napatigil naman ako at sinulyapan ko pa si Calex na tumatakbo.  Buti nalang ay sinalubong siya ni Kris na mukang kalalabas lang galing lecture hall.

"Makulit sir kaya pagbigyan" sabi ko nalang kay sir Alfaro.

"Ay naku Mendez.. Pero nanghihinayang ako sayo.. Sana ay bumalik ka na ulit sa Arsenal. Si Lim kasi ayaw niya parin tanggapin ang maging Head ng Arsenal. Nakikitaan ko naman ng potential si Sanchez pero na kay Lim parin ang desisyon. Nakabalik na si Javier kaso wala namang maalala. Kung hindi sana siya nagkaganyan ay baka siya na ang Head ng Arsenal. At kung di ka umalis. Maaring ikaw...inaasahan kong bumalik ka na din Mendez. "

Napaisip naman ako sa sinabi ni Sir Alfaro. Iba na ang dating sa akin ng Arsenal ngayon at isa pa. Baka hindi ko kayanin. Kaya't ayuko. Mas gugustuhin ko nalang tumitig sa mga pader nito kesa bumalik.

"At isa pang Balita ko Mendez. Ang General. Nais daw ulit ibalik ng General na ang batas na BAWAL NA ULIT ANG MGA BABAE SA ARSENAL!!"

Nagulat naman ako sa sinabi ni sir Alfaro.

"Sa anong dahilan? "

"Dahil daw sa nangyari nong nakaraan. Kay Bautista. Pero kung nanadito ka Mendez. Tiyak na hindi itutuloy yun ni General. " tssk. Wala na akong balak bumalik pa. Nagresign na nga ako sa serbisyo. Tapos na ang misyon ko dito.  Kung ibalik man ng General yon. Arsenal na ang bahala don.
Tinapik nalang ni Sir Alfaro ang balikat ko saka siya nagpatuloy sa paglalakad. Kaya pumunta na ako kay Calex.

Pagkarating ko sa taas ng mga dorm ay nakikipagkulitan na naman si Calex kay Javier. Kasama niya si Kris.

"Papa si Tito Kris naging Monkey sa Zoo. Hahaha tapos sinabunutan siya nong monkey kasi naman nakikipag-agawan siya don. Siraulø eh! "  napailing nalang ako dahil ang hilig din magmura ni Calex. Tsk. tsk. Kung ano talaga ang naririnig ng bata.  Yon ang gagayahin.

"AHAHAHHAHA TALAGA?  TINGNAN MO NAMAN KASI SI TITO KRIS MO!  MUKANG UNGGOY! " turo pa ni Javier kay Kris.

"HOYYYY PARENG CALVIN! ANG GWAPO KO NAMAN ATANG UNGGOY!! " pagyayabang din ni Kris.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon