CHAPTER 45

129 13 11
                                    

VAN POV

Ilang linggo na ang nakakaraan ng magresign ako sa serbisyo. Ilang linggo ko na ring binabantayan si Alex. Sa totoo lang, gusto ko siyang yayaing magpakasal kami. Pero hindi ko na itinuloy. Dahil inunahan niya na ako noon. 'Na wala akong mapapala sa kaniya'. Haha. Alam ko naman na wala talaga. Dahil si Pareng Calvin lang ang mahal niya. Pero hindi ako umalis sa tabi niya. Madalas akong magpunta sa kanila. Halos doon na nga ako tumira eh. Masaya naman ako sa ginagawa ko. Masaya akong naalagaan ko siya. Pero sa araw araw na pumupunta ako sa kaniya. Araw araw ko ding nakikita siyang umiiyak. Lumuluha ng tahimik. Nakatulala at nasasaktan. Tssk. Kailan ka ba babalik Calvin. Talaga bang iniwan mo na ng tuluyan ang pamilya mo? Kinalimutan mo na? Talaga bang ayaw mo na ang nakaraan mo?

"Sanchez! Congratulations ikaw na ang head ng Arsenal ngayon! " bati ni Sir Alfaro kay James.

"WAHHHHHHHHHH SISSSSS..ANG GALING GALING MO TALAGAAAA!! INGGIT ATHOOOO!! " si Taner na kanina pang nagiirit irit kay James.

Nasa Arsenal kami ngayon ni Alex. Dito sa dating dorm namin ni James. Pinilit ko lang din pumunta si Alex dahil nga magcecelebrate sa pagiging Head ni James. Masaya akong kay James napunta ang posisyon na yon. May potential siya at magaling siya.

"Wetweeeeewww.. Ganda ng insignas ohhh!! CAPITAN SANCHEZZZ." si Michael.

"Ang sarap mong sabunutan sis. HAHAHAHHAHAHA! " si Kris.

"HOYYYYY!! Pinaghirapan ko yan no! Hahahaha. Namaltos ang mga kamay ko dyan kakahawak ng mga malalaking lubid at manobela nong nasa barko ako no. Tapos ngayon, aba! Magiging Head na pala ako HAHAHAHAHA!! "

Pinadala kasi siya nong nakaraang linggo sa West Philippine Sea. Tapos kababalil nya lang kahapon. Kasabay non ay ibinalita ni Sir Alfaro na magiging Head siya. At agad naman naming ipinagtulakan siya na tanggapin niya na ang posisyong iyon.

"James. Congrats James! " nakangiting sabi sa kaniya ni Alex.

"CONGRATSSSSS TITO JAMESSSSS!! " sigaw ni Calex na karga ko habang may kinakain na naman. Hahaha. Ang takaw niya talaga.

"SALAMATTTTTTTT!! Oh Alex. Kumusta na ang pakiramdam mo? "

"A-ayos lang! " napatingin ako kay Alex. Halata namang hindi. Halatang nagsisinungaling siya. Kaya't ngumiti nalang si James sa kaniya.

"Basta magpagaling ka lang Alex para kay Calex! At Para makapagbonding ulit tayo. Hahahahaha! " si James.

Ngumiti naman sa kaniya si Alex. Namumutla na rin ang labi niya at ang lamlam ng mga mata.

"BASTAA ALEXXX!! MAGALING ANG BABE KO! TIYAK NA GAGALING KA DONNNNN!! " pagbibigay kumpiyansa ni Taner.

"Nga pala. May inilabas agad na kautusan para sa Arsenal."

"Ano yon James?" si Kris.

"Pagnakagraduate na ang mga estudyante. Sa susunod na taon. Ipinagbabawal na ulit ang babae sa Arsenal. Ibabalik ang dating norms ng Akademya. "

Napatahimik naman kami sa sinabi ni James. Tinapik pa ni sir Alfaro ang balikat niya saka ito tumungo at lumabas na.

"Mas mabuti yon James. Mas magiging tahimik ang Arsenal" si Alex.

Napatango nalang si James pero bakas sa muka niya ang lungkot.

"AHAHAHAHAHAHA BASTAAAA!! CONGRATULATIONS JAMESSSS!! SANA NAMAN MAY BAGO KA NG BRIEF NIYANNNNN HAAHAHAHAHA! PAKISS NGAA!! " pambabasag ng katahimikan ni Taner.

"Yuck Ewwwwww!! "

Natawa nalang kami sa pag-irap ni James.

Maggagabi na kaya't nagyaya na si Alex na umuwi. Parang nanghihina din siya at gusto ng mahiga.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon