CHAPTER 22

96 5 0
                                    

ALEX POV

Nauntog pa ako at nawalan ako ng malay sa pagkabunggo ng kotse ni Bautista sa may malaking bato. Naalog ata ang utak ko sa pagkakabunggo ko sa may harapan ng kotse niya. Pero nagising din ako sa amoy ng tumagas na gasolina. Nangangamoy gasolina na ang paligid. Bumaba ako sa kotse. Napakapit ako sa noo ko ng maramdaman kong nagdurugo ito. Parang may biyak ang noo ko.  Sobrang sakit non. Nakita kong wala ng buhay si Bautista. Nakatungo sya sa manobela. Nakamulat pa ang mata nya habang umaagos ang dugo mula sa ulo papunta sa muka niya. Nabigla ako ng may dumidiklap din sa kotse. Sa pagdiklap non ay kumalat ang apoy. Sasabog ito. 

Agad akong naglakad ng paika ika upang lumayo don. Hinawakan ko ang ulo ko at napapakapit din ako sa binti ko.  Nanghihina na din ang katawan ko. Napapagod na ang puso ko sa mga nangyayaring ito. Pero nagtataka ako. Nasaan si Javier? Nasaan ang sasakyan niya? Bakit wala siya?

*BOOOOOOOOOOMMMMMMMMM*

Hindi ko namalayan ang pagsabog na iyon. Tumalsik pa ako ng sumabog ang kotse ni Bautista. Kaya't napadapa ako. Pinilit ko ulit tumayo para hanapin si Javier. Bakit bigla syang nawala dito?  Andito lang siya kanina. Asan sya?

"JAVIERRRRRRRRR!!!  CALVINNNNNNNN!!!  ASAN KAAAAAA?!!! JAVIERRRRRR"

Buong lakas kong sinisigaw ang pangalan niya.  Buong lakas kong tinatawag siya ngunit walang Javier na nagpapakita sa akin. Walang Javier na sumasagot.

"JAVIERRRRRRRRRRR!!!!  CALVIN!!!  Asan ka?!!"

Nanghihina na ako.  Naglakad lakad ako para hanapin siya.  Madilim na ang paligid. Wala na akong makita sa ibang parte ng lugar. Tanging ang maliwanag lang ay ang sumabog na kotse ni Bautista. Muntikan pa akong mapadaosdos sa bangin sa kakalakad ko.

"JAVIERRRRRR!!!!  ASAN KA NA BAAAAA?!! "

Boses ko lang ang naririnig ko at ang paghampas ng alon sa baba ng bangin. Sumasakit na naman ang aking dibdib.  Patuloy pa din na dumurugo ang ulo ko.  Sobrang sakit.  Sobrang sakit ng ulo ko.  Nanghihina na ako. Nanghihina ako lalo dahil hindi ko siya makita.  Anong nangyari na sa kanya?  Kinakabahan na ako. Asan ka na ba?  Magpakita ka na. Parang awa mo naaaaa.

"JAVIEERRRRRRRRR!!!  MAGPAKITAAAA KAAAA!  PARANG AWA MO NAAAAAA!!!  JAVIERRRRRR!  ASANNNNN KAAAAA?!!!! LIGTAS NA AKOOOO.  ASANN KA NAAAAA!!  JAVIERRRRRR!!!  HUHUHUHU. *HIK* JAVIERRRR!!!!! -----WAG KA NAMANG GANYAN OHHHHH!!!  MAGPAKITA KA NAAAAA!!  CALVINNNNNNNN!!!!  T4NGINAAAA ANG SAKIT SAKIT NAAAAA.  MAGPAKITA KA NAAAAA!!!!  CALVINNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNN!!!!!!! "

*SNIFF*SNIFFFF*

Hindi ko na mapigilang umiyak. Nasapo ko ang dibdib ko sa sobrang sakit.  Sobrang sakit ng nararamadaman ko ngayon.  Para akong mawawala sa sarili sa sobrang sakit.  Gusto ko lang tawagin ang pangalan niya hangang sa mapaos ako.  Gusto kong tawagin ang pangalan niya hangang sa magpakita na sya.  Sobrang sakit naaaaa.  Nanghihina na akoo.  Nauubusan na ako ng lakas. Nangangatal na ang buong katawan ko. Hindi ko alam ang gagwin ko pero isa lang ang gusto ko. Ang makita siyaaa. Asan ka na ba??

*BOOOGSSHHHHHH*

Natumba na din ako dahil hindi ko na talaga kaya. Natumba na ako dahil sa sobrang panghihina. Wala na akong lakas. Wala na akong maibubuga pa.  Pero gusto ko pang bumangon.

"JAVIERRRRRR! CALVIN!  Asan ka---na? "

Babangon pa ako.  Kailangan ko siyang hanapin.  Kailangan ko syang makita.  Ayukong umalis ng wala sya.  Ayukong umalis sa lugar na ito ng di siya kasama.

"Ja-Javier! "

Ngunit ng tumayo ako at bigla din akong bumagsak sa lupa. Tuluyan ng nandilim ang paningin ko.  Nanikip ang dibdib ko. Tuluyan na akong nawalan ng lakas.  Wala na akong makita pa. Umugong nalang ang paligid ko. Tuluyan ng dumilim ang paligid.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon