JANA POV
Napauwi kami sa Cebu dahil nanghina na si itay. Nandito ang mga kamag-anakan namin kaya't dito kami nanirahan sa loob ng ilang buwan. Napakaswerte ko dahil nalagpasan ko ang isang taon dahil andiyan si Jeric. Panibagong taon na naman para sa akin. Ipinagpapasalamat ko yon. Pero alam kong nanghihina na din ako. Mahina na ako. At pakiramdam ko, malapit na ang katapusan ko.
"Jeric. Nakatulala ka na naman? "
Nakikita ko siya laging nakatulala. Ang lungkot lungkot niya simula nong nandito kami. Sinabi niya noon sakin. Naiwan daw ang puso niya sa Arsenal. Kahit pabiro yun alam kong totoo yon. Wala din kaming naging ugnauan ni Jeric. Para lang kaming magkaibigan na nagsasama sa iisang bahay. Tulad ng ipinangako ko kay Alex.
"Kumusta na kaya sila Taner? Galit pa kaya sa akin si Kris? Sila James at Michael kaya? Ano kaya ginagawa nila ngayon. Si Calex. Haha. Miss ko na si Calex. Miss ko na anak ko Jana."
Napaupo nalang ako sa tabi niya. Lagi nyang tinatanong yan. Lagi niyang tinanong sakin ang mga taong iniwan niya sa Arsenal.
"Kumusta na kaya si Alex? Ano kayang lagay niya ngayon? Ligtas kaya siya? Ayos lang kaya siya? Si Van. Baka sila na ni Alex no? Baka may r-relasyon na sila."
Nakita kong bumagsak na naman ang mga luha niya. Akala ko magiging masaya ako kapag kasama siya pero hindi pala. Umasa din ako na tuluyan niya ng makakalimutan ang nakaraan niya pero hindi din. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang ganyan. Nasasaktan ako kapag nagkakaganyan siya halos araw araw. Pero pinili niya paring sumama sa akin. O napilitan lang talaga siyang sumama sa akin?
"Jeric tiyak akong ayos lang sila. Kaya wag mo na silang isipin pa. Maayos sila don"
Pero parang balewala ang mga sinabi ko sa kaniya dahil walang pagbabago sa reaksiyon niya at hindi siya mapakali. Talagang mahal mo nga siya. Kahit nakalimutan ng utak mo ang nakaraan sa inyo pero ang puso mo konektado parin sa kaniya. Lagi niyang bukang bibig si Alex at Calex. Yung mga nakikita niyang imahe ikinukwento na siya akin at tuwang tuwa siya. Minsan nagigising siya na isinisigaw ang pangalan ni Alex. Minsan binabangungot siya habang binabanggit si Alex. Kaya pakiramdam ko. Hindi niya talaga ako minahal. Kung minahal man niya ako ay dahil nga lang sa awa. Nakakainis lang dahil mukang hindi niya talaga ako minahal.
"Gusto ko ng umuwi Jana. Gusto ko silang makita. "
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Pe-pero"
"Gustong gusto ko silang makita Jana. Parang hindi ko na kakayanin na hindi sila makita. Literal na mababaliw na ako Jana. "
"Pero Jeric. Gusto din ki-"
"Babalik na ako. Wala akong paki kung wala akong maalala. Uuwi na ako kay Alex"
Nakita ko siyang tumayo at paakyat sa itaas. Kaya't sinundan ko siya.
"Jeric! Hindi ka aalis!! Baka galit pa sila sa iyo. Gusto kitang makasama Jeric!"
" BAKIT BA ANG DAMOT DAMOT MO JANA!! SA KADAMUTAN MO! HINDI MO NA NAMAMALAYANG NAGIGING HALIMAW KA NAAA!! "
Nabigla ako ng sigawan niya ako. Kaya't napatulala akong nagbagsakanang mgaluha ko. Gustoko lang naman makasama ka hangang sa mawala ako sa mundong ito Jeric.
"PERO NANGAKO KANG HINDI MO KO IIWAN!! "
Nakita kong napakunot ang noo niya at naguguluhan na naman siya.
"Aalis.na.ko."
Aakyat na ulit sana siya sa itaas ng hawakan ko ang braso niya.
"Jeric! "
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
General FictionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...