ALEX POV
"JAVIER! TRAP YON NI BAUTISTA! PINATAY MO ANG AMA NIYA KAYA TIYAK NA TRAP YON PARA PATAYIN KA!!!! "
"HINDI PORKET ANAK KA NI SIR BARGAS AY SUSUNDIN NA KITA! NANGANGANIB ANG BUHAY NG ANAK KO!! KAILANGAN NIYA AKO!! KAILANGAN AKO NG PAMILYA KO!! "
Kanina pa nagtatalo si Javier at Si Sir Peter matapos tumawag si Bautista. Hawak niya ang pamilya ko. Si mama, papa, lola at si Calex. Sinabi niyang pumunta si Javier sa isang abandonadong factory malapit sa may dagat. Natatakot ako para sa anak ko. Baka kung ano ang gawin ng Bautista na yon sa pamilya ko. HAYOP TALAGA SYA! KAHIT BABAE SYA MAPAPATAY KO SYA KAPAG MAY NANGYARI SA ANAK KO!
"SANA NAMAN MAUNAWAAN NIYO NA KAILANGAN DIN KAMI NG ANAK NAMIN!!! MAY PAMILYA DIN KAYO KOMANDER BARGAS! ALAM NIYO NAMAN SIGURO ANG PAKIRAMDAM KAPAG NANGANGANIB ANG BUHAY NG PAMILYA MO!! "
"MENDEZ!!! ALAM MO DIN ANG TUNGKULIN MO! HINDI BA'T INKWAN MO ANG PAMILYA MO PARA SA SERBISYO!! "
Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi na yon ni Peter Bargas. Peste. Anong gusto niyang gawin namin. Hinatayin na mamatay ang anak namin. Ang pamilya ko!! Peste.
"HOYYYYYY PETER BARGAS!!!! ALAM NAMIN ANG TRABAHO NAMIN PERO MAY ANAK KA DIN! ISA KA DIN AMA! HINDI MO BA KAMI NAIINTINDIHAN?!!!! TANGINAAAA. IKAW ANG SUSUNUGIN KO KAPAG MAY NANGYARI SA ANAK KOOOOO!! "
"JAVIERRR!!!!!!!!! MAJOR KA LANG! KUMANDER AKO NG PHILIPPINE NAVY!!! MATUTO KANG SUMUNOD AT GUMALANG!!!! ALAM NIYO NA NAMATAY ANG AMA KO PARA SA ARSENAL! PARA SA INYO! NAMATAY SYA SA SERBISYO!!! SERBISYO MUNA BAGO ANG PAMILYA!!! ARSENAL MUNA BAGO ANG IBA!!!! "
"GANUN BA BARGAS?!! "
Nabigla kami ng hubarin ni Javier ang uniporme niya. hinampas niya yun sa lamesa sa harapan ni Sir Peter.
"AYAN ANG UNIPORME KO! ANDYAN DIN ANG INSIGNAS KO!!!"
Kinuha niya din ang wallet niya at pinakita niya ang lisensya nya kay Sir Peter. Saka tinapon niya din yon sa harapan nito.
"AYAN ANG LISENSYA KO!!!! ISAKSAK MO SA BAGA MO!! NAGRERETIRO NA AKO!!!!!!!!"
Sabay talikod niya sa amin.
"SANDALI! MAY PERA PA PALA AKO DYAN!!"
Bumalik siya at kinuha niya yung pera nya sa wallet. Pinakita niya pa talaga yun kay Sir Peter. Tsk.
Nagkatinginan naman kami ni Sir Alfaro.
"Hindi lamang sa serbisyo nakalaan ang mga sundalo Peter! May pamilya din sila. Sana maunawaan mo! " tinapik ni Sir Alfaro ang balikat ni Sir Peter. Kaya't napatungo nalang ito.
"Gusto ko lang naman pangalagaan at protektahan ang Arsenal tulad ng ginawa ng akin Ama" naiintindihan ko si Sir Peter pero kapag pamilya na ang usapan. Hindi niya kami pwedeng pigilan. Tawagin niya na kaming makasarili ngunit hindi lang kami sundalo, isa din kaming magulang. Kung andito lang sila Sir Bargas at Sir Sarmiento tiyak n amauunawaan nila kami. Tiyak ding makakagawa sila ng paraan. Sana kayanin namin ito. Sana kayanin ulit namin.
Sumunod nalang ako kay Javier na pumunta sa labas. Naabutan ko syang nag-aayos ng baril.
"Pasensya kana babygirl. Kung hindi ko sana nilagay sa mga kamay ko ang batas noon. Kung hindi ko sana tinuluyan si Gonzales baka hindi madadamay ang pamilya mo. Hindi madadamay ang anak natin. "
Dinampot ko yung isang baril. Kinabit ko ang magazine non namay lamang mga bala.
"Ililigtas natin sila! Ililigtas natin si Calex! "
"pero babygirl! Baka mapahamak ka! Ako lang ang kailangan ni Bautista!"
"Sundalo din ako Javier. Ina din ako ni Calex! Mas dobleng sakit at kaba ang nararamadaman ko ngayon para sa anak natin!! Hindi ako magpapaiwan dito! "
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
Ficción GeneralArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...