CHAPTER 9

120 8 3
                                    

ALEX POV

Maggagabi na rin ng matapos kami ni Kris sa paexercise namin don sa mga estudyante. Bumalik na ako sa dorm ko at sumalampak dahil mukang napagod ako ngayong araw.

"Babygirl!!!! " andyan na naman sya. Kinuha ko ang unan ko at tinaklob ko sa muka ko dahil may mangungulit na naman sakin.

"Bakit ba ayaw niyo akong kausapin? Buong araw na walang kumausap sa akin ah! " naririnig kong pagdadrama nya. Ano ba kasing ginawa mo sa buhay mo ngayon? Tsk.

"Babygirl. Anong mas magandang brand? Samsung? Oppo? Vivo? O Iphone? " bakit ba ako ang tinatanong nya. May cellphone na sya bibili pa sy ang cellphone. Tekaaaa.... Baka may kaharutan na to sa phone!!!!

Naialis ko ang unan sa muka ko.

"Bakit ba? " inis kong tanong sa kanya.

"Bibili kasi ako ng tsinelas hehehe! " naibato ko nalang sa kanya yung unan ko saka ako bumangon. P*ste!

"BAKIT AYAW NIYO KASI AKONG KAUSAPINNNNNNN!!!! NALULUNGKOT NA AKO BABYGIRLLL!! " nagdadabog na naman sya.

"Manahimik ka nalang"

"AYAW KOOOOOO! "

"bahala ka"

"KAUSAPIN MO NA KASI AKOOOO!! "

"ok Let's Talk! "

"AHEHEHEHEHE PARANG GUSTO KO ANG PATUTUNGUHAN NG TALK NATIN BABYGIRL HAHAHAHA! " napasama naman ang tingin ko sa kanya. Kung ano ano na naman ang tumatakbo sa utak nito.

Umupo ako sa kama ko at umupo din sya sa kama nya. Nagtitigan lang kami. Iniintay ko syang magsalita pero nakangirit lang sya.

*toktoktok*

Si Michael.

"May kanin kayo? " tanong nya samin.

"wala! " sabay na sabi samin ni Javier.

"May bigas kayo? " si Taner

"wala! " sabay ulit namin.

"May ulam kayo? " si James

"Wala! " sabay ulit kami ni Javier at nakatitig parin sa isa't isa.

"OYYY PAJOIN AKO! TITIGAN CHALLENGE!! " si Kris

"LUMAYAS KAYO!! " sabay ulit kami.

Naramdaman ko ding umalis sila.

"Wala ba talagang ulam? " napatingin kami ni Javier kay James. Mukang nagutom sya.

"Sa kusina" sagot ko.

"initin mo nalang. Kahapon pa yan! " si Javier.

"Ayy naalala ko may ulam palang iniwan si Van! Sige! Salamat nalangggggg!!! " sabay alis ni James.

Mukang napagod din sya makipagusap sa utak ko kaya't natumba na sya sa kama nya. Kaya't nagluto na ako at kumain. Naligo na din sya at maya maya ay naligo na din ako.

Nakahiga na ako sa kama ko ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at ibangon.

"Halika babygirl may ipapakita ako sayo! " hinayaan ko nalang syang hilahin ako kung saan.

Dinala nya naman ako sa gitna ng oval. Gabing gabi na at tahimik na din ang mga building. Humiga sa don sa may damo at umupo lang ako.

Umusog naman sya sa akin at umulo sa laps ko. Kaya't pagtungo ko ay kitang kita ko ang muka nyang nakangiti.

"Tingnan mo yon babygirl oh! Ang Liwanang diba? " turo nya don sa isang stars. Yung Alpha stars na pinakamaliwanag na bituin sa Earth. Maraming stars ngayon dito sa Arsenal. Ang ganda nga.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon