CALVIN POV
Napalingon kami ni babygirl sa labas dahil putok iyon ng baril. Agad kaming lumabas at nagkakagulo na din ang iba. Linggo ngayon at walang pasok. Ipinagbabawal ang paggamit ng baril kapag walang pasok. Gagamitin lang yun kung may authorized namin. Makakarinig lang ng putok ng baril sa Arsenal during Firing Training. Sino ang siraulong nagpaputok na yon.
"Baril yon ah!! " si Taner.
"Sino nagpaputok? " si James.
"Parang sa labas galing!. Parang malapit sa gate." napatingin kami sa gate. Pero mukang hindi dahil kahit ang mga bantay ay naalarma din.
Bumaba kami para hanapin kung saan yung nagpaputok. Naglalabasan na rin ang mga estudyante at nakikiusyuso na.
"SINO ANG MAY TINATAGONG BARIL SA INYO? SINO ANG NAGPAPUTOK SA INYO? " sigaw ko sa mga nakadungaw na estudyante sa taas ng mga building.
"WALA MAJOR! MUKANG SA LABAS ATA GALING ANG PUTOK MAJOR!! " sigaw nong isang estudyante. Mukang wala nga silang alam.
Nakita kong lumakad si babygirl papunta sa gate. Kaya't sumunod ako sa kanya.
"MAGSIBALIK MUNA KAYO SA MGA DORM NIYO!!! AT WALANG LALABAS!! " si Taner.
"BALIK NA! BALIK! DELIKADO SA LABAS! MOVE!!!! " si James.
Kaya't nagsibalikan na ang mga estudyante sa mga dorm at building nila.
"babygirl. Delikado!! SANDALI!!" paghahabol ko sa kanya. Bakit ba kasi ang bilis niyang maglakad?
Tumakbo ako para abutan sya. Nasa oval na kami ng may estudyanteng babae na tumatakbo at nagsisigaw. Akala ko sya na yung nagpaputok eh.
"MAY PATAY!!!!!!!!!!! MAY PATAY DON! !! " nagkatinginan kami ni babygirl. Agad din kaming tumakbo para salubungin sya. Nang makalapit kami sa kanya ay pinigilan ni babygirl ang balikat niya. Bakas sa muka ng babaeng to ang takot. Para nga syang nakakita ng patay.
"Si-sir! Ma'am. May patay po don!"
Sinundan namin ang tinuturo ng daliri niya.
Sa Parking Area.
Agad akong tumakbo ng mabilis dahil ang sama ng pakiramdam ko. Tskk. F*ck.
Nang makarating ako don ay agad kung hinanap kung saan yung tinutukoy na patay.
Napapunta ako sa loob kung saan nakagarahe ang kotse namin don. Tumambad sakin ang isang bangkay ng lalaki. Nakamulat pa to, butas ang noo nya at nakahandusay nalang sya sa sahig. Kumakalat na din ang dugo niya sa semento. Nakaramdam naman ako ng pagkaawa sa kanya. Nanikip ang dibdib ko.
Lumapit ako sa batang ito. Itiniklop ko ang mga mata nya. Tangina. Bakit kasi nangulit pa ako. Gagø ka talaga Javier. Pesteee. Sino may gawa nito.
"Ferrer? "
Napaangat ang tingin ko kay babygirl. Halatang kahit sya ay nagulat.
"Ja-javier! " nagkatinginan lang kami at nabakas ko sa mata nya ang pagkaawa sa batang ito. Napatungo nalang ako dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyari. Bakit kasi hindi agad ako bumababa. Bwisit talag. Tanginaaaaa.
Naramdaman ko nalang ang kamay niya sa balikat ko.
" Anong nangyari? Sino nagpaputok---" napatingin kami ni babygirl sa kuya niya na kadadating lang. Kasama niya si Peter Bargas at Mendoza. Dumating na din sila Taner at James.
"Si Ferrer yan ahhhh!! " si James.
Napatahimik naman ang lahat at wala ng nagsalita.. Napansin kong wala si Kris dahil kailangan niya ng sabihin sa pamilya ng estudyante nya ang naganap dito.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
General FictionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...