CHAPTER 10

120 9 1
                                    

ALEX POV

Nabigla ako sa ginawa ni Javier kaya umalis ako sa gitna at hinayaan ko nalang na sya na ang magturo. P*ste. Kinindatan pa ako, bago ako naupo sa gilid. Tss.

Pagkatapos non ay sabay na din kaming bumalik ni Javier sa dorm. Pero napatigil kami ng makita kong parang sinisinghalan na naman ni Kris yung si Gonzaga.

"HOY! PARA SABIHIN KO SAYO! OFFICIAL MO AKO! MATUTO KANG GALANGIN AKO! KAHIT BILANG OPISYALES NALANG!! "

"Wala akong pakialam kung opisyal ka ng AFP. Tss! Kala mo kung sino? "

"TARANTADO KA TALAGAAA GONZAGA!!!! "

Mukang mainit ang dugo nya don sa Gonzaga ah. Kung magtinginan din sila ay parang nagkakainitan. Tsk. Tsk.

"HOYYY! ANONG GINAGAWA NIYO DYAN??!!!" napatingin ako don sa sinigawan ni Javier.

Napasilip ako sa likod ng CHARLIE building. May mga estudyante na nagtutumpukan. Pero bigla naman silang nagpulasan ng takbo ng mapansin ata ni Javier. Hahabulin pa nya sana ng nakalayo na agad tong mga to at nagsitakbuhan sa kanila kanilang building.

"Mga estudyante dito mahihilig magtumpukan at parang kung anong pinagpaparti-partihan." si Javier. Di ko nalang pinansin at lumakad nalang ulit ako pabalik sa dorm ko at naupo sa kama ko. Sabado na din bukas. Makakapagpahinga na.

"Babygirl.... Labas tayo bukas. Date tayo! "

"yuko"

"Bakitttt? "

"Tamad ako"

"Bakit tamad ka? "

"Manahimik ka nalang! "

"Ehhh bakit nga kasiiiii!! "

"Ayuko nga"

"eh bakit ayaw mo? "

"tamad nga ako Javier"

"Bakit ka tinatamad makipagdate sakin? "

"Tskk. Kulit mo! "

"Syempreeeeee! Ayaw mo kasi makipagdate sakin"

"Tinatamad nga"

"Sige na kasi babygirl~. Wala ka talagang kasweet sweet sa katawan. "

Humarap ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin. Ang kulit nya talaga. Tss.

"Sige. Lalabas na tayo" ngumiti naman sya ng tudo.

"TALAGA! WALA NG BAWIANNNN AHHH!! " sabi niya.

"Oo. Basta maglaba ka na ngayon din!" ang daming labahin may nalalaman pa syang labas labas.

Nakita ko naman ang itsura nya na parang nanlumo. Pero bigla ding umaliwalas muka nya.

"Asan mga labahin???!! " Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba talaga to? Tsk.

"Ayonnn!! " turo ko sa isang tray ng damit ko. At katabi ng tray ng damit niya. Napalunok laway naman sya dahil hindi talaga sya marunong maglaba.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon