CHAPTER 25

88 7 4
                                    

VAN POV

Nakita kong sumakay na si James sa motor ni Calvin na ginamit ni Alex para makarating dito. Alam ko kasing kung hindi sa Arsenal ay dito lang siya pupunta. Talagang umaasa parin siya na babalik si Calvin. Ayts. Kung may magagawa lamang sana ako para mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya.

Tiningnan ko pa si Alex na tulog na sa may backset. Saka ko pinaandar ang kotse ko. Nakasunod lang naman sa likuran ko si James. Tsk. Ano pa ba ang dapat kong gawin para makita si Calvin? Naghired narin ako ng investigator para hanapin at alamin ang pagkawala niya. Nagpatulong narin ako sa mga nakasama ko sa serbisyo noon at sa mga kakilala namin. Ayuko mang sabihin to pero kahit bangkay man lamang sana ni Calvin ay makita namin. Upang mabunutan narin ng tinik si Alex at makapagsimulang muli. Dalawang buwan ka ng nawawala pareng Calvin. Miss ka na namin. Lalong miss ka na ni Alex at ng anak mo.

Nakarating na kami dito sa bayan. Dito sa bahay dati nila Calvin. Mas pinili kasi ni Alex na dito nalang kasi mas malapit sa Arsenal at sinabi din ng tita ni Calvin na dito nalang sila manirahan upang mabantayan namin. Si Calex ay dito narin nag-aaral. Nag-aadjust pa si Calex pero tiyak na masasanay din siya. Naawa din ako sa bata dahil lagi siyang nagtatanong kung nasaan ang papa niya. Wala naman kaming maisagot kundi 'nasa serbisyo, uuwi din siya kapag ayos na ang lahat'.

Binuhat ko na ulit si Alex at sumunod sa akin si James. Sinalubong din kami nong Yaya ni Calex. Alam kong tulog na si Calex dahil nanggaling na ako dito kanina.

"Sir nagising po kanina si Calex hinahanap ang mama niya. Gusto niya pong paggising daw niya ay katabi niya ito. "

"Sige yaya! "

Binuksan naman niya yung pinto ng makarating kami sa kwarto ni Alex. Gusto talaga ng batang yon nakatabi si Alex. Ayaw nitong maiwan sa kwarto niya.

Sumunod sa amin si James at iniayos niya ng pagkakahiga si Calex. Nang maayos na ay saka ko itinabi sa kanya si Alex. Ayts. Lalo siyang gumaan. Paano naman kasi kung gusto niya lang kumain. Madalas wala syang gana.

"Van. Naawa na ako sa kanilang dalawa. Lalo na kay Alex, ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya. Itong si Calex naman lagi lang nagtatanong buti nalang matapang siyang bata at hindi siya natrauma sa mga nangyari noon. "

" Kahit ako James. Nahihirapang makitang nagkakaganyan si Alex. Ang sakit sa mata na nakikitang para bang pinapatay niya ang sarili niya sa kalungkutan. "

"Parang lalo syang naging seryoso sa buhay.. Kung noon si Alex ay nakukuha pang magbiro at makipagsigawan. Ngayon parang gusto niya nalang laging mapag-isa. Ang hirap niyang kausapin. Buti nalang andyan ka Van para damayan siya lagi. Kasi kami minsan wala na ding oras para madamayan siya. "

"Hangga't nandito ako. Hindi ko sila pababayaan. Nagtitiwala sa akin si Pareng Calvin na aalagaan ko ang pamilya niya"

Napatingin nalang kami ni James sa mag-ina na mahimbing na natutulog.

"Bukas Van. Sabado naman bukas. Isama natin silang gumala para malibang. Para kahit papaano makalimutan niya yung sakit. Namimiss ko na ding kasama si Alex eh. Tapos si Calvin. Namiss ko ng magbonding kasama sila hehe"

Napaisip naman ako sa sinabi ni James.

"Sige! Were going to hang out with them" sabay tingin ko kila Alex.

Maya maya pa ay nagpaalam na si James at umalis na din siya pabalik ng Arsenal. Nagpaiwan nalang ako para bantayan sila Alex. Nagbilin nalang ako kay James na kuhaan ako ng damit pagpunta nila dito bukas.

Hinaplos ko ang buhok ni Calex saka ako napatingin kay Alex. Sana naman bukas, makita ko ulit ang ngiti mo.

ALEX POV

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon