Napatitig lang ako sa kutsilyo na alam kong pagmamay-ari ni Kris. Napakatalim nito. Bakal din ang hawakan na kulay silver at may gold lining. May dalawang whole din to na magkasunod sa bandang baba ng hawakan. Kukunin sana sa akin ni Javier ang kutsilyo pero iniwas ko yon.
"Akin na babygirl. Hahanapin ko kung sino may-ari nito! "
"Ako na maghahanap"
Saka ako lumakad at sumunod naman sya. Kapag ipinagkatiwala ko to kay Javier at nalaman nyang kay Kris to. Tiyak na magsasakalan silang dalawa. Magkakainitan at magbabangayan. Mas mabuting ako muna ang aalam kung sino ang gumawa non. Kung sino ang nais na patayin ako. Kung si Kris nga ba ang may kagagawan nito. Pero ayuko parin paniwalaan. Hindi yon magagawa sa akin ni Kris. Wala syang dahilan para patayin ako o saktan. Hindi ako naniniwala na sya ang may kagagawan non. Hindi rin ako naniniwala na sya ang may kagagawan don kay Gonzaga. Kaibigan ko si Kris. Marami na kaming laban na pinagdaanan. Nililigtas nya din ako. Kilala ko si Kris kaya't pinagkakatiwalaan ko sya.
"Babygirl ako nalang kasi. Papatayin ko talaga ang may gawa sayo non kanina. Sya ang tutuluyan ko. "
"tsk. Manahimik ka nga!"
"Ede aalamin ko nalang kung kanino yan. At tuturuan ko ng leksyon! "
Tsk. Kahit kailan talaga ang kulit niya. Ibinaliktad ko ang kutsilyo at isinuksok ko na yun sa bulsa ko. Baka kunin pa nitong isa..
Nakarating na kami sa dorm at nakita ko na din sa loob yung tray na inilagay siguro ni Taner. Naupo ako sa kama ko at itong isa ay wala paring tigil sa katatanong.
"Babygirl, ayos ka lang ba talaga? Tingin nga kung may sugat ka! " hinawakan niya ang balikat ko pero tinabig ko ang kamay niya. Kanina pa sya tanong ng tanong.
"Ayos lang sabi ako! Magluto ka na ngaaaaa!!" utos ko sa kanya. Sumimangot naman sya at sinunod din utos ko. Itinago ko na yung kutsilyo sa bag baka makuha nya pa.
"Anong gusto mong ulam babygirl? " napatingin naman ako sa kanya na tumataas taas pa ang kilay. Sus.
"Tss. Kung ano ang alam mong lutuin, yon na!" masyadong nagmamayabang eh iilan lang ang alam nyang lutuin. Kapag nagfried nga sya eh nasusunog pa.
"Just wait here babygirl. Sit back and relax. Just watch me !! Hahahahahhahah! " sabay hawi na naman nya ng buhok nya at humarap sa burner. Tssk. Kala mo magaling.
Nagulat naman ako ng hubarin niya ang tshirt niya. Humarap sya sa akin sabay kindat kaya't napababa ang tingin ko. P*ste talaga. Magluluto nalang maghuhubad pa. Kinuha niya din yung apron at sinuot nya yon. Tch. May nalalaman pang paapron apron ang gagø. tsk.
Dumekwatro naman ako at tiningnan ko lang ang likod nya. Ngayon ko lang napagmasdan ang katawan ng gagøng to. Maganda ang hubog ng katawan niya. Kaya't lumalaki ang ulo eh, dahil bukod sa gwapo sya, hot and sexy din ang katawan nya. Maputi sya, kahit na naiinitan sa trainings ay parang hindi sya nangingitim. Ibang klase din. Matangkad talaga tong gagø na to. Pero ang nakakaakit sa kanya, ay yung ngiti niya. Para sa akin kakaiba yung ngiti nya. Kapag ngumiti siya nakakahawa at makikita mo na masaya talaga sya. Minsan nanggigil ako sa ngiti nya kaso ayaw ko lang ipahalata dahil magpapalakpakan na naman ang mga balunbalunan nyan. Tss. Tapos yung pinagmamalaki niyang cute na abs.. talagang dumadagdag sa pagiging sexy niya.
Ehhhh.... Teka. Peste! Ano bang iniisip ko. Tskk.. Kung ano ano iniisip mo alex! Malisyoso ka na. Ibinaba ko na ang tingin ko sa kanya at humiga nalang ako. Hihintayin ko nalang na matapos sya.
"ARAYYYYYYYY!!" napatingin naman ako sa kanya na napalundag sa pagtilamsik ng mantika. Kinuha nya naman yung takip ng rice cooker at parang ginawa niya yung shield. Haha.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
Ficción GeneralArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...