VAN POV
Yakap yakap ngayon nila James, Taner, Michael at Kris si Calvin. Tuwang tuwa sila ng makita nila ito. Napatingin ako kay Alex. Nakatulala lang sya sa muka ng Javier. Napangiti ako dahil mukang masaya siya ngayon. Mukang nawala na yung lungkot sa mga mata niya. Nangingilid ang luha at alam kong dahil sa tuwa yon.
"PARENGGGGG CALVINNNN MISS NA MISS KA NA NAMINNNNN!! " si Kris.
Nakayakap sila kay Calvin. Nakakunot lang ang noo ni Pareng Calvin at para bang nagtataka. Hinahayaan niya lang namng yakapin siya nong apat. Bakas din sa muka niyang naguguluhan siya. Di naman nakapagtataka yon kasi nawala nga ang ala ala niya.
"HOYYYYY BITAW NAAAAA!! " sigaw ni James sa tatlong pumupulupot parin kay Calvin. Parang mga linta. Inunahan pa talaga nila si Alex. Tskkk.
Bumitaw naman yung tatlo at tudo ngiti kay Calvin.
"Juskø!! Pareng Calvin!! Sa wakas nakita ka na namin!! Alam mo bang nagpapaikutan ang pw3t namin kakahanap sayo. Ay naku santisimaaaa!! ALAM MO BANG HALOS MABALIW KAMI SA KUNG ANONG GAGAWIN NAMIN PARA HANAPIN KA!! Ayyytss." si Taner.
"Sino ba kayo? " nakakunutang tanong lang sa kanila ni Calvin. Nakikita kong wala paring imik si Alex at nakatingin lang siya kay Calvin.
"AKO TO SI TANERRRRRR!!! ANG LIGHTER KEEPER MOO!!! GANITO MO NGA AKO KUNG TAWAGIN OH!! 'TANERRRRRRRRRRRRRR!!!!!!!! LIGHTERRRRRRRRRRRRRRRR!!!' GANUNNNN!! "
Pinakita pa ni Taner yung lighter na tinatago niya pero parang wala parin maintindihan si Calvin.
"AKO PARENG CALVIN! NAAALALA MO AKO! AKO TO SI KRIS!! BHUDDY NGA TAYO EHH. SABI MO PA SAKIN NOON. 'PARE NABABAKLA NA ATA AKO' HAHAHAHAHA NAALALA MO YON?! ALALAHANIN MO YUN T4NGGA!! "
Umiling lang si Calvin kaya't napasimangot naman si Kris.
"EHHH AKO PARENG CALVIN! SI MICHAEL!! AKO AKO NAAALALA MO?! "
Halos ipagsiksikan ni Michael ang sarili niya kay Calvin.
"Naalala mo pa yung mata ko. Sabi ko sayo. Ibigay mo kay Mary. Kaya yung mata ko ngayon na kay Mary at ito hindi talaga to yung mata ko!! Naku paree! Inis pa nga ako sayo noong una eh. Maangas ka kasi pero sana matandaan mo. Ako to si Bøldstar. Gusto mo maggiling giling pa ako sa harap mo para maalala mo ako. Ano?! HAHAHAHAHAHAAHAHHAHAHA"
"Bo-bøldstar?"
Para namang kuminang ang mga mata ni Michael sa sinabi ni Calvin. At nag-aabang siya sa sasabihin nito.
"Hindi kita kilala"
Nanlumo nalang siya sa binanggit nito.
"Calvin. Ako naalala mo ko? Si James. Ako yung paulit ulit mong binabantaan ng sunog. Natandaan mo pa ba na binuhusan mo ng gasolina ang damit ko. Grabeeeeeeeeee takot na takot ako non. Naalala mo pa? "
"Ikaw yung humabol sa akin ah! "
"Oo ako nga yon. Tumakbo ka kasi eh!! Hahahahaha"
Napakamot pa si James sa batok niya. Pero parang gulong gulo parin si Calvin. Parang wala syang alam sa sinasabi nila. Wala syang natatandaan at blangko ang utak niya. Naghihintay lang sila James ng sasabihin nito. Napapasulyap ako kay Alex na parang natutuod sa kinalalagyan niya. Napansin kong tumingin si Calvin don sa babeng nangngangalang Jana. Nakatungo lang naman yung Jana.
"Van. Magpakilala ka din halii!! " si Taner.
Lumapit ako kay Calvin at hinila ko si Alex, kayat napasama sa akin to.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
General FictionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...