CHAPTER 2

180 13 0
                                    

Pagkagising ko ay humahagok pa yung anim sa baba ng kama ko. Napatingin ako sa relo ko. Alas singko na pala ng umaga. 

Bumaba ako sa kama ko at pinaglalakdangan sila. Magkayakap pa si Taner at Kris. Si Javier ay nakaulo sa tiyan ni Michael at si Van ay nakasalampak ang paa sa muka ni James. Tss.

Naghilamos muna ako at saka nagluto para pagkagising ng mga ugøk ay lalamon nalang sila. Sumilip ako sa labas. Mukang gising na rin ang ibang estudyante at may mga naliligo na. Sakto namang pagkaluto ng pagkain ay nagising na din si Javier.

"Good morning babygirl" bati nya sakin habang nagkukusot pa sya ng mata. Natisod pa sya kay Michael na humahagok pa. Umupo nalang ako sa bangko sa harap ng lamesa at dumekwatro.

"GISINGGGGGGGGG!!!!!  MAY SUNOGGGGGGGG!!!!! "

"ASAN!  ASAN! OH LIGHTER!! LIGHTER !!OHHH!! " nataranta si Taner ni ibinigay kay Javier ang lighter. Tsk. Naalimpungatan yata ang mukang lighter. Sinampingol naman sya ni Javier para matauhan. Tsk.

Biglang bumangon si Van pero nakapikit pa sya. Bigla syang pumunta dito sa kusina at kinakapa kapa ang baso. Hindi nya to makuha kaya't binigay ko sa kanya yung baso na nasa lamesa. Saka nagsalin sya ng tubig don. Nakapikit pa sya non. Tsk. Ibang klase din to. 

"OYOOYYY WAG KA DYANG UMIHI!!  ASA LABAS ANG C. R!! " tinulak ni Javier si Michael dahil balak pa ata nitong ihian ang kama ko. Tskk.  Nakapikit parin to. Mukang inaantok pa. Pero lumabas din to at napihit nya pa talaga ang pinto. Parehas sila ni Van ah. Buti hindi kayo pumaplakda. Tss.

Agad namang sumugod si Kris sakin ng magising sya at naghahanap ng lamunin. Umupo talaga sya agad sa lamesa. Tsk. Sumunod nadin si James na nag-uunat unat pa. Walang mauupuan yung iba kaya't umupo nalang sila sa kama namin ni Javier. Dalawa lang kasi talaga ang upuan dito.

"Alexxxx gutomm na koooo!! " si Kris.

"Ako din babygirl! " nakasimangot pa talaga sya.

"Mee too!! " nagtaas pa ng kamay si Van habang nakapikit.  Kaya't nagtaas din ng kamay si Taner at James.

Kaya't wala na akong nagawa kundi tumayo at ipaghayin ang mga hinayup4k. Maya maya ay nakabalik na din si Michael at bigla ata nagising ng makakita ng pagkain.

Kanya kanyang kuha na sila don sa mga plato na pinaglalagyan ko ng pagkain. P*ste.. Buti pa si Calex mas maayos pagsilbihan.  Eh itong mga galunggøng nakakayamot ang mga pagmumuka. Naghihintay lang ng hayin eh katanda tanda na.

"Oyyy pray muna tayo! " pagpipigil ni James ng susubo na sana si Javier.

"Oo nga!  Oo nga! " si Taner.

"Ikaw na Calvin magpray. Halii!!" ngiting ngiti na naman si James kay Calvin nong pumayag ito.

"Sa ngalan ng Am4,  4nak,  3spiritu, S4ntø!"

Nagtunguhan naman kaming lahat.

"THANK YOU LØRD!!!!  KAINANNN NAAA!! "

Akala ko naman uungkatin nya pa ang mga kasalanan nya bago kami makakain. Nagpaspasan narin sila ng kain. Mabulunan sana ang isa sa kanila. Tsk. 

Pagkatapos naming kumain ay nagsibalikan na din sila sa mga dorm nila. Kaya't nakapagligo na din ako at nakabihis. Junior instructor ako. Si Javier at Van lang ang Senior instructor.

"Babygirl samahan moko sa lecture hall ng Señiorsss!! "

"P*ste ka!  Nu ka batang sasamahan pa!! "

"nahiya pa ako sa mga estudyante ko eh hehe! " tss. Lokohin mo na lahat wag lang ako. Walanghiya ka. Wala sa bokabularyo mo ang mahiya. Gagø.

Nangungulit pa sya. P*stee.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon