CHAPTER 31

69 4 0
                                    

CALVIN POV

"HOYYYYY JERICCC SAAN KA BA NAGPUNTA??!!! " si Jana.

"Ah nagc. r ako eh.  Medyo nahirapan akong hanapin hahaha.  Ano tayo na?"

"Ahh oo nauna na si itay sa loob.  Tara! "

Nabigla naman ako ng hawakan niya ang kamay ko. Pero napangiti nalang ako ng ngumiti siya sa akin. Sana lagi kang ok para kahit wala ako.  Alam kong nasa maayos kang kalagayan. Natatakot kasi ako minsan sa kalagayan niya. Kunting kilos niya hinihika siya. Kaya kahit anong mangyari. Nandito lang ako para sayo Jana. Handa akong alagaan ka. Gusto kong alagaan ka hangang sa huli.

Pumasok na kami sa pinakaloob at nakita kong may kausap na nurse si Tiyo Carlos.

"Ay naku poooo.  Si Dr.  Bartolome po ay umalis. But si Dr. Wesly po ang inihabilin niya para sa inyo. " sabi nong isang nurse na kausap ni Tiyo Carlos. 

"Ahh ok sige. Ayos na siguro iyon...  Oh Jana. Jeric.  Andyan narin kayo." napatingin pa siya sa amin. Ngumiti naman at kay Tiyo Carlos.

"Pasok po muna kayo dito. Maya maya ay darating na din po yon si Dr. Wesly.  May inaasikaso lang sa Ward! " iginaya naman kami nitong nurse papasok sa loob ng isang room. Opisina ata nitong doctor Wesly.  Malaki yung opisina at may mga kagamitan din dito na halatang ginagamit sa medical o gamit ng mga doctor.

Umupo kami don sa may mahabang sofa at naghintay. Napapatingin naman ako kay Jana na naglilibot din ng paninginnat parang gusto nang mangialam ng mga gamit hahahaha. Sa pagkakaalam ko kasi, pangarap niya talaga mahing doctor. Yun nga lang maysakit siya at isa na rin yun sa dahilan kung bakit yun ang nais niya. Mga ilang minuto lang din ay dumating na yung doctor Wesly. Pumasok na siya sa office nya at sinalubong niya kami ng ngiti.

"Good morning po doc! " bati ni Tiyo Carlos.

Napatayo kami ni Jana at bumati din sa kaniya.

"Good morning din.  Please sit down. Sit down! "

Umupo ulit kami at lumapit si tiyo doon sa harap ng table nong doctor.

"Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Ah doc. Ito pong aking anak. At itong binata na to.  May mga komplikasyon po kasi sila. Ito pong babae ko eh madalas po ang pagkahapo niya at ito namang isa ay ang pagkasakit ng ulo. May amnesia po kasi siya doc! " si tiyo Carlos.

"Ah ok po.  Sige po titingnan ko po muna yung anak niyong babae....Iha come here! "

Lumapit si Jana don sa doctor. Pinaupo siya sa harap nito at parang may kung anong machine at device na ginamit para suriin siya. Pina inhale at exhale niya din si Jana. Katulong nong Doctor Wesly itong isang nurse sa pag-aasikaso. May mga nililista din itong nurse sa dala niyang papel. Mga ilang oras din ang tinagal non. Bago ito natapos.

"Ano po ang findings niyo doc? " si Tiyo Carlos.

"May chance pa po bang maagapan ako? " si Jana.

Tiningnan pa nong doctor yung papel na sinusulatan kanina nong nurse bago siya nagsalita.

"Actually sobrang hina ng pagfunction ng baga mo. Kaya mabilis kang mapagod. And yung puso mo. Mahina magpump nito. Kaya anemic ka din.  Kinukulang ka sa dugo. Kaya tingnan mo putalin ka. Mahirap na din itong eregulate. Parang naglala ang komplikasyon mo iha. Dapat hindi ka naeexpose sa mga maduduming paligid. Hindi ka dapat nakakalanghap ng alikabok at pollution. Fresh lang dapat lagi. Wag magpapagod. Bawal ang matitinding emotion like yung sobrang tuwa, sobrang lungkot. I recommend to stay at home and wag munang magkikilos kilos at iwasan ang mga bagay na sinabi ko. Delikado ang sakit mo iha kaya dapat ingatan mo ang sarili mo at kalusugan mo. "

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon