CALVIN POV
Nagulat ako ng makita ko yung babae kanina sa Mcdo. Yung nanay nong bata. Humakbang ako papalapit sa kaniya. Nakakatuwa naman na nandito rin siya sa hospital. Baka nandito rin yung batang kasama niya. Gusto ko lang sana tanugin kong anong pangalan nong bata. Ewan. Tinutulak ako ng puso ko papalapit sa kaniya.
"Jeric. Uuwi na tayo!! Tara naaa!! "
Napalingon naman ako ng tawagin ako ni Jana. Kaya't tumalikod na ako at naglakad papunta sa kaniya. Nang maglakad na siya ay tumakbo na ako. Sayang naman. Dibale nalang. Sana magkita ulit kami at makausap ko sila.
Naglakad na kami palabas nong hospital. Naghihintay lang pala sa labas si Tiyo Carlos. Nagtuloy tuloy kami ng lakad papunta sa may labasan para pumara ng taxi na masasakyan.
Tumigil naman yung isang taxi sa harap namin at agad na sumakay si Tiyo Carlos at inalalayan ko papasok sa loob si Jana.
"JAVIERRRRRRRRR!! "
Napalingon pa ako sa nagsigaw non. Hinanap ko kung nasaan yung boses pero parang wala naman. Baka guni guni ko lang kaya't pumasok na ako sa loob.
"Tara na manong! " sabi ko don sa Taxi driver. Pinaandar niya na ang taxi at nagmaneho na palayo don sa hospital. Napatingin ako don sa salamin na nasa unahan nong taxi. Nakita ko don na may babaeng parang may tinatawag siya. Tekaaaa. Siya yung babae kanina ah. Sino ang tinatawag niya? Bakit dito siya nakaharap sa amin. Palayo na ng palayo itong taxi kaya hagang sa hindi ko an siya makita pa. Sino kaya ang tinatawag niya? Baka yung anak niya lang.
"Jeric may problema ba?"
Napatingin ako kay Jana. Nakakunot ang noo niya at para bang nagaalala sa akin.
"Ahmm wala. Ayos lang ako! "
Pero di ko mapigilang tingnan ang nasa hulihan namin. Parang sinasabi ng puso ko na bumalik ako. Ano ba kasing pakiramdam to bakit ganito. Tssk. Nakakainis naman.
"Kuya. Balik nga tayo! " sabi ko don sa taxi driver.
Hindi ko alam pero parang di ko matiis ang nararamdaman ko ngayon. Tsk.
"Sa hospital sir? " tanong nong driver.
"Opo"
Halata namang nagtaka si Jana at si Tiyo Carlos.
"Jeric baka gabihin tayo sa pag-uwi. Anong oras na oh. Kailangan bago lumubog ang araw nandon na tayo. Malalim ang dagat paggabi" si Tiyo Carlos.
Natahimik naman ako. Baka nga gabihin pa kami. Dibale na ngalang.
"Sige Manong. Wag na! "
Kaya't nagdire diretso na ulit ng patakbo si Manong. Nang makarating kami sa may punduhan o sa fish port ay sumakay na din kami sa bangka.
Sakto namang alas kwatro kaming nakauwi sa isla. Medyo malayo talaga ang bayan na yon sa islang to.
Pumasok na si Jana sa loob ng kwarto niya. Mukang didibdibin yung sinabi nong doctor sa kaniya.
"Jeric"
Napahinto naman ako ng tawagin ako ni Tiyo Carlos.
"Bakit po? " lumapit ako sa kaniya. Nagbuntong hininga pa ito saka siya nagsalita.
"Siguro nga may dahilan ang itaas kung bakit ka napadpad sa amin. "
Napaseryoso naman ang muka ko dahil parang seryoso din ang sasabihin ni tiyo Carlos.
"Jeric. Malala na ang kalagayan ni Jana. Yun ang sabi sa akin kanina ng doctor. Maaring kahot anong oras na atakihin siya ay bawiin na siya sa akin. Natatakot ako para sa kaniya. Natatakot ako na baka may mangyari sa kaniyang masama. Paano nalang kapag wala ako. Paano nalang kapag bumigay na ang katawan ko. At pumanaw na ako. Wala ng gagabay sa kaniya. Wala ng mag-aalaga sa kaniya."
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
General FictionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...