CHAPTER 3

167 15 1
                                    

JAMES POV

"Thank you po Lieutenant Mendez! " mukang nakahinga naman ng maluwag itong mga estudyante ni Calvin hahaha. Naginda inda pa sila ng katawan bago sila naglabasan. Ikaw ba namang magpush ups sa loob ng limang oras. Kasumpa sumpa talaga si Calvin hahaha.

" babygirl ang sakit na ng tenga ko. Tama naaa!! " kinakaladkad ngayon ni Alex si Calvin. Buti nga sayo haha.

Pumunta ako ng Training Area kasi ako mamaya ang magpapatrain sa Junior. Tiningnan ko kung maayos pa yung mga gamit don, kung safe pa ba o dupok na ang mga kahoy. Mukang ok pa naman silang lahat kaya't pabalik na ako sa dorm.

Napatigil ako ng makita ko si.. Lieutenant Bagsik?

Si lieutenant ba to? Inisip ko pa talaga ang itsura nya. Ahhh oo nga tama. Si lieutenant nga to. Hinabol ko pero nakita kong parang umiyak sya kasi nasinghot pa sya at nagpupunas ng luha. Anong nangyari? Nagkita kaya sila ni Van?

"Lieutenant!" napalingon sya sa akin at saka nagpunas pa sya ng luha.

"o-oy Sanchez, long time no see" ngumiti sya sa akin kaya nginitian ko din sya.

"napadpad ata kayo dito lieutenant? Nagkita ba kayo ni Van? " parang ayaw nyang umimik kaya't di ko nalang sya kinulit.

"palabas ka na ba lieutenant? Hatid na kita sa gate!" ngumiti ulit sya at nagsimula n akaming maglakad.

"wag mo na akong tawaging lieutenant. Wala na ako sa serbisyo." alam ko namang wala na siya sa serbisyo pero ewan mas cute parin kung lieutenant haha.

"nasanay ako lieutenant eh. Haha. Kumusta ka po pala? Matagal po kayong nawala. Kumusta po si Bush? Haha" napakamot pa ako sa ulo ko. Neheheye kese ako eh.

"ayos lang naman ako. Namalagi kasi ako sa Japan ng dalawang taon. Si Bush ok lang naman yung batang yon. Balita ko naman nagkikita kayo haha. Di na naninigarilyo ang kapatid ko dahil sayo ahhhhh hahaha" kinilig naman ako bigla don hehehehe. Nagkikita naman talaga kami ni Bush eh haha.

Nang malapit na kami sa gate ay nagpaalam na sya sa akin.

"Sige James. Aalis na ako. Ingat kayo dito at pakisabi kay Van"

Napatungo pa sya bago ulit sya magsalita.

"Sorry"

Napakurap lang ako sa sinabi ni lieutenant. Kumaway sya sakin kaya't kumaway din ako sa kanya. Hangang sa sumakay na sya sa kotse nya, binuksan din ng mga guard ang gate at umalis na. Bakit kaya sorry? Ano kayang nangyari? Ano kayang nangyari sa kanila ni Van?

Hindi ko na sya matanaw kaya pumunta na ako sa dorm namin ni Van. Wala sya don kaya. Nagluto nalang ako ng tanghalian.

*Kringggggg*

Nagulat pa ako ng tumunog ang phone ko. Agad akong napatakbo sa kama ko at kinuha yung phone ko don na nilapag ko kanina. Napalukso pa ako sa kama at nagpagulong gulong dahil si Bush ang tumawag hehehe. Kenekeleg ako eh. Bakit ba.

"HOYYYYY JAMES!!! BAKIT MOOOO NILARO ANG MOBILE LEGENDSSSS KOOO. MYTHIC NA AKO TAPOS NAGING ELITE NAAAAAAA!!!!!!!! "

Naitapon ko ang phone ko sa lakas ng sigaw nya. Sakit sa eardrums. Huhu. Nagagalit na naman.

"HOYYYY JAMESSSSS!! "

Kinuha ko ulit sa sahig yung phone ko saka ko sya sinagot. Ibang klase din boses nito eh.

" Bush naman. Wag ka ngang sumigaw. Sakit sa tenga eh! "

"eh bakit mo binagsak ang Rank ko. Alam mo bang sobrang hirap magpataas ng Rank! "

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon