Nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso. Para na namang may tinik sa dibdib ko at may bumara sa lalamunan ko. Nakita kong napatingala si Van na halatang pinipigilan ang pag-iyak.
Unti-unti kaming humakbang papasok sa loob ng ward ni Sir Sarmiento. Nakataklob na sa kanya ang puting tela. Binuksan yon ni Javier. Tumambad samin ang wala ng buhay nyang katawan at maputlang muka. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Kaya't naramdaman kong pinunasan yon ni Javier.
Masakit din ang pagkawala nya. Dahil una palang ay nandiyan sya para sa amin. Napupuyat sya noon sa pagbabantay sa mga estudyante ng Arsenal. Sa una, hindi namin yun nauunawaan kung bakit lagi syang tulog sa lecture nya.
'MENDEZ. KWAYET! NATUTULOG AKO! '
'Yes sir! '
Akala namin talagang mahilig lang syang matulog non. Hangang sa laban namin kay Gonzales andon parin sya. Kahit napahamak ang buhay nya. Kahit nawala ang pamilya nya. Hindi niya parin kami pinabayaan.
Nauna ng nawala si Sir Bargas at ngayon namahinga na rin si Sir Sarmiento. Naalala ko ang sinabi niya sa akin bago sya maisugod dito.
'Kayo na bahala sa Arshenal. Inaashahan ko kayo!!'
Kaya pala ipinaubaya mo na samin ang lahat. Kaya pala pinapunta mo kami dito. Hinintay mo lang ang pagpunta namin dito. Parehas kayo ni Sir Bargas. Parehas kayo ng sinabi bago kayo mawala samin.
'Delta company. I ordered all of you to protect the student of Arsenal Academy! '
Wala na si Sir Bargas at wala na din si Sir Sarmiento. Wala na ang mga batikang sundalo sa Arsenal. Paano na lamang kung magkaroon ulit ng kaguluhan? Kakayanin pa ba naming lagpasan ang lahat? Kakayanin ba namin na wala na kayo?
TANER POV
Nasa Training ground parin kami at nakapila na ang lahat ng mga estudyante dahil natapos na nila ang task nila.
"TANER! MICHAEL! JAMES!!!!" napatingin kami kay Kris na tumatakbo papunta sa amin.
"Bakit? " pagtatanong ko sa kanya. Halata sa muka nya ang pag-aalala.
"Wala na si Sir Sarmiento " nabigla ako sa sinabi niya. Halata ding nabigla sila Michael at James. Nagsimula na din ang bulong-bulungan sa mga estudyante.
"CADETS!!! YOU MAY DISMISS!!! " nagsaludo na sila at saka nagalisan na palayo.
"Anong nangyari?" si Michael.
"Hindi na daw kinaya ni Sir ang sakit niya. Alam naman nating naging malungkutin kasi si Sir kaya nilunod nya ang sarili nya sa alak. Kaya nagkasakit sya"
Napatahimik kaming lahat sa sinabi ni Kris. Pati ba naman si Sir Sarmiento, iniwan na kami. Parang hinintay nya lang kaming dumating dito sa academy. Pero hindi rin namin masisisi si Sir dahil sadyang masakit ang pinagdaanan niya. Siguro nga tapos na ang misyon nya. Tapos na ang duty nya, at kailangan nya ng mamahinga. Nakakalungkot tuloy.
Kinabukasan ay pumunta kami sa bahay nila Sir Sarmiento. Ngayon lang sya ulit nakauwi sa bahay nya. Ang pagkakaiba nga lang. Bangkay na sya. Dumating na din ang mga kapamilya ni Sir. Tuwing umaga ay nasa Arsenal kami at sa gabi ay pumupunta kami sa bahay ni Sir.
"Wala na si Sir. Sino na ang magiging head ng Arsenal? " si James.
"Ang balita ko. May itatalaga daw ang General na magiging Head ng Arsenal. Akala ko nga si Sir Tadeo o Alfaro. Hindi pala." si Kris.
Sino kaya ang papalit kay Sir? Sana naman ay katulad din sya ni sir Bargas at sir Sarmiento na may puso para sa lahat.
"Eh bakit hindi nalang si Javier. Total Major na sya? Bakit iba pa? Mapapagkatiwalaan naman kaya siya? " si Michael.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
General FictionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...