ALEX POV
"HI BABYGIRLLLLLLLL!!!! GISING NAAAA! HAHAHAHAHHAHAHA! "
Namulat ko ang mga mata ko sa ingay ng gagø na to. Tsk. Talagang ang kulit niya. Natutulog pa ako eh.
"BABYGIRLLLL!! GISING KA NAAA!!! HALIII! NANGHIHINTAY SAYO SI CALEX OHHHH!! ANG BABYBOY NATINNN!!!"
Napamulat ako sa sinabi niyang yon. Hinanap ko si Calex pero wala naman don. Maliwanag lang ang paligid. Parang ang ganda ng sikat ng araw. Nasa gitnakami ng oval ng Arsenal pero ang liwanag masyado. Bakit kami nasa oval? Dito ako natulog?
"Javier? Nasaan si Calex? "
Hindi niya ako sinagot pero ngumiti lang siya. Ngumiti lang siya sa akin. Wala syang sinasabi. Hindi ko alam pero tumulo ang luha ko. Kaya't pinunasan ko yon. Bakit parang nasasaktan ako. Pagpunas ko ay nawala na si Javier sa paningin ko. San siya nagpunta? Nananaginip ba ako?
..........."MAMAAAAA! WAKE UP NA PLEASEEE! MISS NA KITA!! "
Iminulat ko ang mata ko sa narinig kong boses. Tumambad sa akin ang puting kisame. Nasilaw pa ako sa liwanag ng ilaw. Nasa hospital ba ako?
"MIKAELAAAA! THANKS GOD! "
"Ku-kuya?"
Lumingon ako kung nasaan si Calex.
"Calex" hinawakan ko ang pisngi ni Calex. Ngumiti siya sa akin. Kaya't ngumiti din ako.
"Finally! Gising ka na mama! " bumangon ako at inalalayan naman ako ni kuya. Napahawak ako sa ulo ko. May benda pa pala to.
"Dahan-dahan lang Mikaela"
Nang makaupo ako ay sumenyas ako kay kuya na itabi sa akin si Calex. Napalinga ako sa paligid ko dahil parang may kulang.
"Kuya.. Si Javier? "
Tanong sa kanya na siya namang ikinatahimik ni kuya. Sa kinilos niya para na naman akong nakalunok ng tinik.
"Kuya? Asan si Javier? "
"Magpahinga ka muna Mikaela. Isang lingggo kang walang malay. Kailangan mo paring magpahinga. Wag ka munang mag---"
"kuya si javier? "
*Boogshh*
Napalingon ako sa pintuan at parang nagalak ang puso ko sa paglagabog non.
"ALEX! SA WAKAS! GISING KA NAAAA!! "
"Van"
Para naman akong nanghina dahil hindi ko pa nakikita si Javier. Asan si JAVIER?! Anong nangyari sa kanya. Bakit hindi siya nagpapakita sa akin? Nanggagagø na naman ba sya? P*ste talaga sya.
"How's your head? Masakit pa ba? " tanong sa akin ni Van saka siya nilapag yung dala niyang mga pagkain ata.
"A-ayos na. Hindi na masakit. "
Wala naman na akong maramdamang sakit in physical pero sa loob loob ko meron. Nasasaktan ako dahil hindi ko siya nakikita.
'JAVIEERRRRRRRRR!!! MAGPAKITAAAA KAAAA! PARANG AWA MO NAAAAAA!!! JAVIERRRRRR! ASANNNNN KAAAAA?!!!! '
Biglang nagsink in sa utak ko yung naganap nong gabing iyon. Si Javier! May nangyari ba sa kanya?
Napabalikwas ako sa kinauupuan ko at tinitigan ko si Van.
"VAN!! ASAN SI JAVIER?!!"
Nagkatinginan pa sila ni kuya. Peste ano bang mga tingin yan. Lalo lamang ako nasasaktan sa ginagawa nila eh.
BINABASA MO ANG
ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3
General FictionArsenal Military Academy is a school for only men's who trained hard. A school that full of dignity, principle, proffessionalism, disciplne and mission for all incoming soldiers of the nation. Despite of the strong and survival men's. The Academy fo...