CHAPTER 47

94 8 2
                                    

Walang tigil sa pagbuhos ang luha ko habang yakap yakap ang bangga na pinaglalagyan ng abo niya. Yakap yakap ko lang ito habang nakaupo ako sa harap ng oval at pinapanood ng karamihan.

Sobrang sakit. Sobrang sakit na wala ka na. Na iniwan mo na ako. Handa na akong yayain kang magpakasal babygirl. Handa na akong magpakasal sayo. Pero wala ka na. Bakit mo naman ako iniwan? Bakit ang bilis? . Bakit sa ganitong paraan tayo nagtapos?  Hindi man lang uli kita nayakap.  Hindi man lang kita naprotektahan. Hindi man lang kita naalagaan. Sa halip,  pinabayaan kita. Iniwan kita.  Mas pinili ko ang iba kesa sayo. ANG GAGØ KO!  ANG GAGØ GAGØ KOOOOOOOO!!

Gusto kong magwala sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"AHHHHHHHHHHHHHUHUHUHU!!  BABYGIRLLLLLL KOOOOOOOOO!!!! "

"Pareng Calvin. Tama na! "

Hindi ko pinakinggan si Kris. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hindi ko mapapatawad ang mga pinaggagawa ko sa kaniya. Kung wala ka na. Mas mabuti pang mawala na din ako.  Dahil ikamamatay ko din ang kalungkutang mararanasan ko. Hindi ko kayang mabuhay sa mundong to ng wala ka. Wala ang babygirl ko.

"Calvin. Tahan na! " si James.

"T4ngina pare!  Bakit kasi huli kana? " si Michael.

Rinig ko din ang pag-iyak ni Calex at ng iba pa. Rinig ko din ang dalamhati nila.

"Papaaa huhuhuhuhu. Wag ka na pong umiyak. Papaaaaa! " rinig kong iyak at pagsusumamo ni Calex.

Pasensya na babyboy pero mahina ang papa kapag wala ang mama. Mahina ako kapag wala siya. Siya lang ang nagpapalakas sa akin.  Siya ang kasangga ko sa lahat ng laban. Kapag nawala siya susunod na din ako.  Patawad.  Dahil hindi ko talaga to kakayanin.

Wala ng umiimik sa kanila at ayaw ko ng tumayo pa dahil nanghihina parin ako. Wala na akong lakas para tumayo pa. Sobrang hapdi na ng mata ko sa sobrang pagluha. Yun nalang ang aking nagagawa. Ang umiyak. T4ngina.

"PSSST!  GAGØ! "

Napalingon ako sa likod ko.  Kahit may luha ang mga mata ko.  Kitang kita ko ang ngisi niya. Kahit ang layo niya ay kita ko pa ang muka niya. Ang mukang yon. Ang mukang yon ang gustong gusto kong makita. Para akong nabuhay muli.  Para akong nabuhayan ng loob at nagkaroon ng lakas. T4nginaaaaaaaaaaa!!!

Agad kong hinagis ang bangga. At tumayo. P*STE! KANINONG T4NGA BA ANG MAY-ARI NG BANGGA NA YON?!

"ARAY KO!  NAKAGANTI AGAD!! " nakita ko pang nasapol ng bangga sa ulo si Taner. IN4NG NIYO!! MAMAYA KAYO SAKIN!!

Tumakbo ako papalapit sa kaniya. Nakikita ko pa ang unti unti niyang pagngiti. Kitang kita ng mga mata ko ang ngiti niya.  Kung nananaginip man ako. Ayaw ko ng gumising pa. Kung bangungot man to. Sige lang.  Bangungutin pa ako.  Ako na ata ang taong ayaw magising sa isang bangungot.

Tumakbo pa ako ng mabilis dahil nasa kabilang dulo siya ng oval.  Nang makarating ako sa kaniya ay agad ko siyang siniil ng halik.

Patuloy lang ang paggalaw ng labi ko sa labi niya. Habang yakap yakap ko siya. Naramdaman ko din ang pagyakap niya sa akin. Ayuko ng pakawalan pa ng labi ko ang labi niya.  Kahit nakapikit ako ay ramdam ko ang hininga niya.  Ramdam ko ang halik niya.

"WOOOOOOOOHHHHHHOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!! CALEX!  CALEX!  CALEX! CALEX!!  CALEXX!! GO MAJORRRRRRRRRRRRRR!! " rinig kong sigawan ng mga estudyante.

Naramdaman ko ang pagtapik niya sa braso ko kaya't napakalas ako sa kaniya. Hehehehe.  T4NGINA!! OO NGA PALA!  NAGKASAKIT SIYA. HEHEHEEHEHE. Akala ko kasi talagang wala na siya eh.

Tumingin ako sa mga mata niya habang yakap yakap ko parin siya.

"Akala ko wala ka na talaga.  Akala ko iniwan mo na talaga ako babygirl ko. Akala ko di na ulit kita mahahalikan. Sobra akong nasaktan don.  Sino bang hin4yup4k ang laman may pakana nito. Pero anak nampøtcha. Tinakot mo ko. Wasak na wasak ako kanina. Inisip ko ng magpakamatay babygirl alam mo ba yon.  Sobra akong nanghina at ayuko na ding mabu-----"

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon