CHAPTER 13

102 7 0
                                    

Pinilit kong bumangon kahit kulang ako sa tulog. Magsisimba kasi kami ni Mary hehehe. Ayts. Sakit pa ng mata ko. Nyemas.

"Oyyyyy may magpapakabanal ngayon ayeeihhh!! " tinusok tusok pa ni Taner ang bewang ko kaya't napapaiktad ako. Hinampas ko naman sya ng tuwalya na pinupunas ko sa ulo ko.

"Palibhasa ikaw di ka na nakababawas ng kasalanan mo!! " sumimangot naman siya, hihilahin ko sana yung labi niya na nakanguso kaso inilayo niya agad. hahaha. Cute kasi ng labi ni Taner. Eh teka nga! Nu bayan!

Naghanap ako ng damit na masusuot at don ko lang narealize na wala pala akong masusuot dahil karamihan sa dala ko ay pangsundalo lang talaga.. Tsk. Putcha.

"Oh bakit sis? "

"Wala pala akong magandang maisusuot HAHAHAHAHAHA" napakamot nalang ako sa ulo ko

"GOOD MORNINGGGGGGG MGA PAREEEE!!!" napalingon kami sa pintuan. Si Kris.

"Oh bakit Kris? " si Taner.

"Hot water please!!!! " sabay abot nya nong baso nya.

Napatitig lang ako sa kanya. Ayuko syang pag-isipan ng masama. Mabuting tao si Kris. Kahit sa saglit na pagsasama namin ay kilala ko sya bilang isang mabuting tao at kaibigan. Ayuko muna mag-isip ng masama sa kanya. Gusto ko munang imbestigahan ang lahat. Pero... Di maalis sakin ang pagdududa sa kanya.

"Don ka kumuha sa c. r!!...eh.. Bakit sa despenser ni James at Van? " si Taner.

"Si James kasi! Di sinaksak yung despenser nila kaya di pa hot! Ako lang yung hot don eh"

" Ede higupin mo sarili mo! "

"Penge na kasi Taner! Magdadamot ka pa eh!"

Pumasok na si Kris at tumingin siya sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya saka sya kumuha ng tubig don.

"Mukang may pupuntahan ka ata Pareng Michael?" napatingin ako sa kanya ng tanungin niya ako.

"Ah. Oo eh! "

"Ay oo nga pala! Magsisimba kayo ni Mary HAHAHAHAHAHA. oh bakit nakatigil ka pa?"

Napuno na nya yung baso niya kaya't lumapit na sya sa amin.

"Wala kasing susuotin HAHAHAHA! " si Taner.

"May damit ako. Gusto mo? " sa totoo lang naiilang na akong kausap sya.

"Ah wag na. Ok na siguro yung damit ko dito" nagtango naman sya at mukang kinikilatis niya ako. Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo. Siguro napansin nya na naiilang ako sa kanya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at humarap nalang sa salamin.

"Oh sige! Salamat sa hot water ah! Taner! Michael! "

"Sige kris. Wala ng uulitin!! " si Taner.

Naramdaman ko namang umalis na sya.

"Michael. May problema ka ba kay Kris? " napatigil ako sa pagsusuklay ng tanungin yon ni Taner. Napansin niya pala.

"Wala naman Taner."

"Pansin ko kasi, parang naiilang kang kausapin siya. Parang nagdududa ka?Nag-away ba kayo? "

"Hindi. Napuyat lang talaga ako kagabi." pagsisinungaling ko nalang. Pero napuyat talaga ako non. Dumating na sya at lahat, di parin ako nakatulog. Nakwento ko di kay Taner ang nangyari pero di ko sinabing pinagdududahan ko si Kris. Tsk.

Nagbihis nalang ako nong yellow shirt ko and blackshort and white chunky rubber shoes. Ginulo ko nalang ulit ang buhok kaya naging husky to. Oh diba inutil. Sinuklay tapos ginulo. Haha.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon