CHAPTER 41

201 18 16
                                    

ALEX POV

Itinutok ko ang baril kay Jana. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Habang si Van ay patawa tawa lang. Tss.

"Je-Jeric" bigla siyang dumikit kay Javier kaya niyakap siya nong isa. Tsss. Sweet ah. How nice. Tingnan nga natin kung matapang ka Jana. Ang tapang mong dumikit kay Javier. Tsss. Akin yan eh! Didikit dikit ka! Sa harapan ko pa! Sa harap pa ng anak namin.

"Je-Jeric.. Natatakot ako! "

"A-Alex. Ibaba mo ang Baril mo! " sigaw sa akin ni Javier na lalong nagpangisi sa akin. Hmm. Talagang sya na ang mahal mo ahh. Talagang kinalimutan mo na ako. Sarap mong balatan ng buhay Javier gamit nag nailcutter.

Unti unti kong kinalabit ang gatilyo. Nakita kong nasapo ni Jana ang dibdib niya.

*CLACKKKKKKK*

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAAHAHHAHAHAHAHAHHAHAH"

Hagalpakan ng tawanan nila Taner, Kris at Michael. Napatawa nalang din ako dahil tudo ang siksik ni Jana kay Javier at parang hinihika na to. Hmmm.

"Ahahaha walang bala!!! Lakas makaprank mareng Alex!! HAHAHAHA" si Michael.

Inilapag ko na yung baril at kinuha naman ulit yon ni Van. Tumayo na ako para kunin si Calex na panay na naman ang lamon. Tsk. Ang batang yon.

"JANA! JANAAAA!! " pero napatingin ako sa gawi nila Javier ng walang tigil sa taas baba ng dibdib ni Jana. Lumapit na din sila Taner papunta kila Javier. Anong nangyari don?

"PARENG CALVIN!! ANONG NANGYARI? HINIHIKA SIYAAA? !" pagtatanong ni Taner.

Napakunot naman ang noo ko. Binuhat naman na ni Van si Calex. Tinulungan ni James si Javier na iupo sa isang tabi si Jana. Kumuha na din sila ng pamaypay para kumalma ito. May dinukot si Javier sa bulsa niya. Inhaler. May sakit ba siya?

Nakatulala lang ako kay Jana na unti unti na din namang kumakalma. Pero nagulat ako ng higitin ni Javier ang kamay ko. Hinawakan niya to ng sobrang higpit. Tumingin pa siya kay Van na karga si Calex. Ibinigay naman ni Van si Calex kay Taner at tumakbo na si Taner palabas ng Sports Hall.

Tiningnan ako ng masama ni Javier. Nakakunot lang naman ang noo ko sa kaniya. Halatang halata sa muka niya na galit na galit sya.

"Bitawan mo ko"

"BAKIT MO GINAWA YON HAHHHHH!! " sigaw niya sa akin. Napatulala naman ako dahil ito ang kauna unahang pinagtanggol niya ang isang babae laban sa akin.

"Calvin. Kasalanan ko. It's just a Game! Wala naman talagang bala ang baril eh" si Van.

"GANIYAN BA TALAGA KAYO??!! HUH!! " galit na sigaw niya sa amin lahat.

"Bitawan mo sabi ako Javier! " hinaklit ko ang kamay kong hawak niya kaya't nabitawan ako nito.

Matalim niya akong tiningnan at tiningnan ko naman siya ng malamig.

"GANIYAN BA TALAGA KASAMA ANG MGA UGALI NIYO!! NAKAKATUWA BA YUNG PAGTRIPAN NIYO SIYA AT TUTUKAN NG BARIL!!! OO KAYO SANAY NA KAYO! PERO SI JANA HINDI!! MAY SAKIT SI JANA ALAM NIYO BA YON!!! "

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na may sakit ang babaeng yan. Kaya pala hinika nalang kanina. Tsk. Nakokonsensya ako.

"IKAW ALEX! KUNG MAY GALIT KA SA AKIN. SA AKIN NALANG! OO NASASAKTAN KITA PERO SANA NAMAN WAG NIYONG IDAMAY SI JANA!! WALA SIYANG KASALANAN! AT KUNG HINDI DAHIL SA KANIYA. WALANA DIN AKOOOOO!! P*STE KAYO! AT IKAW ALEX! LUMAYO KA NA SA AKIN! HINDI NA KITA KAILANGAN PA! KUNG ANO MAN ANG NAMAGITAN SA ATIN NOON. TAPOS NA YONNNN. WALA NA AKONG PAKIA----"

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon