Kabado ako. Hindi ko matanggal ang kabang nararamdam ko ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba first time ko ito o dahil sa pagbabalik ko rito sa Pilipinas?
"Ano po ang floor ninyo, Ma'am?"
Napatingin ako sa babaeng nariritong kasama ko sa elevator, at oo nga pala, saang floor ba ako pupunta? Tatawagan ko sana si Kuya nang maisip kong kailangan pa ba? Nandito na ako, and I'll be the one to figure that out.
"Ahm, sa floor kung saan ang office ni Mr..." Napatigil ako nang ma-stuck ang utak ko, oo nga pala?
What is his name again?
Walang sinabi si Kuya sa akin! Or mayroon pero nakalimutan ko? Oh, God, this is an epic first day of being an intern. Really, Agatha? Are you just nervous or what?
"Mr. CEO. Yeah, office ni Mr. CEO." Sabi ko na lamang at agad siyang tumango.
Mabuti naman at mukhang kilala niya ang tinutukoy ko. Malamang, CEO ng kumpanyang kinatatayuan ko, may-ari ng building na ito. At mukhang ang babaeng ito ay employee rito. Nang makarating ako sa floor at nagpasalamat ako kanya at pagkapasok ko, bigla na naman akong kinabahan.
Relax, Agatha, everything will be fine. At isa pa, nakausap na ni Kuya Gavin ang CEO ng kumpanyang ito. You have the advantage, see? Pero naiinis pa rin ako, bakit kasi ayaw ni Kuya Gavin na roon ako sa company namin maging intern? Bakit dito pa? I mean, yeah, ang reason niya ay para talagang matuto ako dahil hindi ko kilala ang mga makakasama ko. Kapag daw kasi roon sa company namin, baka wala akong gawin.
Palinga-linga ako habang naglalakad dahil ramdam ko ang tingin sa akin ng ilang employees na naririto sa kani-kanilang cubicles. Nang makalapit ako sa isang babae na sa tingin ko ay secretary dahil nahiwalay ang table niya, nagtanong ako.
"Hi, Ma'am. Good day. I'm Agatha Gabrielle Delos Santos. I am the one who was referred by Mr. Gavin Delos Santos to work here as an intern, Ma'am.. Mr. Gavin Delos Santos of East Horizon."
Nakuha niya agad iyon at napatayo. "Ikaw 'yong intern, yes, nasabi nga ni Mr. Delos Santos one time, at nakausap niya na si Mr. CEO."
Inabot ko sa kanya ang dala kong folder na nilalaman ng documents ko at sinabing umupo muna ako at maghintay dahil nasa meeting pa si Mr. CEO. Sumunod naman ako, umupo ako sa gilid and patiently waiting here. Hindi ko naman maiwasan ang tingnan ang paligid, lalo na ang mga empleyadong naririto sa bawat cubicles.
Kahit papaano ay nawala na ang kaba ko, I am now excited to work here as an intern. Napaisip ako, magkakaroon din ba ako ng sarili kong cubicle? 'Yung pwede kong sabitan ng pictures ang corners at mag-display ng kung ano-ano. Na lagi kong iniisip noon pa man noong nag-aaral pa ako, natawa ako sa naisip ko.
Naisip ko, ang tagal ko palang nag-aral. I just can't believe that I graduated twice! I graduated with two degrees!
Ten minutes, napansin ko ang isang lalaking lumabas mula sa isang room, at sa pagkakabasa ko, conference room ito. Tinawag ang babaeng nakausap ko at mukhang tapos na ang meeting ng kung sino mang naroroon, pero alam kong isa roon ay ang CEO. Naiwan ako rito, hanggang sa bumalik ang babae at sinabing pumasok ako sa loob dahil kakausapin ako, nagsimulang ulit akong kabahan.
Sa paglalakad ko, ginawa kong mabagal dahil sa pag-aayos ko sa sarili ko. Mula sa buhok ko kahit malabo namang magulo dahil sa ikli nito na hanggang leeg ko lang, at sa dress na suot ko na kung naaalala ko at pinagsabihan pa ako ni Kuya Sandro dahil bakit daw mababa ang neckline?
I am now wearing a black bodycon dress, long sleeve siya, pero medyo mababa nga ang neckline kaya pansin ang boobs ko. But I don't mind, I like this fit!
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...