06

113 3 0
                                    

Nakangiti ako habang tumutugtog ng piano, pero mas napangiti ako nang palakpakan ako ni Daddy after my last note. Nilingon ko siya na nakaupo rito sa couch, hanggang sa lapitan ko siya't tabihan. Inakbayan niya ako, niyakap ko naman siya pabalik.

"You played so well, anak." Sabi niya sa akin at tumingala ako para tingnan siya.

"Bolero si Daddy!" Natatawang sabi ko at inabot ko ang juice na nandito sa table, juice at cookies na hinandang meryenda ni Manang para sa aming dalawa.

"Bolero? Totoo naman ah." Sabi pa niya sa akin.

"Mana lang kay Mommy. Pero siya 'yong mas magaling. Dahil kung hindi, mumultuhin ka niya, Daddy." Sagot ko naman at pareho kaming natawa pagkatapos.

Friday, 4 PM. At isa lang ang nasa isip ko, bukas na ang party ni Kaela pero hindi pa rin ako nakakapagpaalam kay Daddy!

Maaga ako ngayon from school, at dahil wala naman na 'kong gagawin ay umuwi na ako kaagad. 'Yung personal driver namin ang sumundo sa akin, not Kuya Sandro dahil super busy niya today. Pero rito siya uuwi, later ay nandito na rin siya. At mas kinakabahan akong nandito siya kung sakaling magpaalam na ako kay Daddy.

This is my last day na makapagpaalam kay Daddy! Dapat ay ngayon na, kumbaga ngayon na ang deadline ko, hindi na pwedeng ipagpabukas pa! Dahil kung bukas pa, baka malabo nang payagan ako dahil sa biglaan kong sinabi. Kaya sasabihin ko na ngayon, magpapaalam na ako kay Daddy. Ngayon din.

Pagkatapos kong nguyain ang cookie na kinakain ko, nilingon ko si Daddy. Nakuha ko agad ang attention niya at nakuha niyang may sasabihin ako kaya umayos siya ng upo.

"Daddy, may ipapaalam po pala ako sa'yo." Sabi ko sa kanya at hinihintay niya na lang akong ituloy ito. "Birthday ng isang friend ko bukas. Her name is Kaela, from the other block but we're still friends." I bluffed. "In-invite niya 'ko to come, bukas na po iyon. Sa isang hotel.."

Tiningnan ko ang reaction ni Daddy, para siyang nag-iisip habang nakatingin sa akin. Hanggang sa magtanong na rin siya.

"Bukas? What time?"

"Ang sabi sa details na sinend niya, 7 PM ang start ng party, Daddy." Sagot ko at sinabi ko na rin kung saang hotel ito gaganapin at napatango-tango siya.

Inakala ni Daddy na formal event ang celebration pero sinabi kong pool party ito kaya mas napaisip siya. Pero inunahan ko siya, sinabi kong kami-kami lang naman ang in-invite ni Kaela at kasama ko sina Dahlia. Close friends lang at bilang lang ang boys.

Kahit hindi naman ako sigurado roon..

"Gabi pala at pool party pa."

Kinakabahan ako, dahil oo, gabi nga at pool party nga. Gosh, papayagan ba ako ni Daddy? Dahil kung hindi, hindi ko na alam! Paano ko mapipigilan si Kaela sa binabalak niya kay Damon?!

"Yes, Daddy. Can I come?" Sinimulan ko na siyang kulitin. "Please? Please? Please?"

"Nag-iisip pa 'ko. Mga hanggang anong oras ka roon?"

"Ahm, siguro po, mga 11 PM po, Daddy?" Hindi rin ako sigurado! "Ah, Daddy! Aside from that, may ipapaalam pa 'ko sa'yo. Kasi plano ko rin po na tomorrow night after the party, sa condo na ni Naomi ako matutulog. Para hindi na po hassle 'yong susunduin pa po ako."

Kilala naman niya si Naomi, at hindi na bago na makikitulog ako kay Naomi. Nangyari na siya one time, noong nag-group study kaming apat ni Elisse at Dahlia. At wala namang sinabing iba si Daddy tungkol doon, okay lang sa kanya.

"Pupunta rin si Naomi sa party?" Tanong niya at napalunok ako.

"Yes." Sagot ko, pero ang totoo ay hindi!

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon