Napatili ako nang muli kong maalala 'yong nangyari yesterday. Nakita ko namang parang naasiwa si Naomi kahit sa screen ng phone ko lang siya nakikita. Kausap ko sila ngayon through video call, si Naomi and Elisse. Wala si Dahlia dahil ang sabi niya, may lakad siya with her boyfriend.
"Oh, problema mo, babe?" Tanong ni Elisse sa akin. Babe, endearment naming magkakaibigan sa isa't isa. Madalas.
Umiling ako at lumawak ang ngiti ko. At bago ko pa man ikwento ulit, sumingit si Naomi.
"Nako, naalala na naman 'yong si Damon. 'Yung moment nila kahapon na sinasabi niyang si Agatha, na ewan ko kung paniniwalaan ko." Sabi ni Naomi at napairap ako.
Akala ni Naomi, nagbibiro ako! Na hindi totoo 'yong kinuwento ko sa kanila kagabi pa tungkol sa moment namin ni Damon doon sa waiting shed kahapon! Na hindi raw totoo 'yong tinulungan niya akong pulutin ang books ko at nagkatitigan kami.
"Okay, hindi totoo 'yong pagkahulog ng books ko. Sadya iyon. Pero 'yong titigan naming dalawa, totoo! Totoo nga! Really! At! At nagkahawakan kaming dalawa!" Kinikilig ko pang kwento at narinig ko ang pagtawa ni Elisse.
Ilang seconds ba ang titigan na iyon? Hindi ko na matandaan! Basta ang alam ko lang, that happened. Really! Oo, hindi totoo 'yong pagkahulog ng books ko. Sadya iyon, dahil ang gusto ko lang naman ay mapansin niya ako. Pero mas malala pa ang nangyari. Nahawakan ko ang hand niya at nagkatitigan kami. At kung natatandaan ko, siya ang nakatagal ng titig sa akin 'coz I can't meet his gaze nang matagal! Hindi ko pala kaya. OMG.
"Kung hindi pa sana kayo naunang umuwi, baka nakita ninyo!" Sinabi ko pero binawi ko rin.
Pero kung sakaling kasama ko man sila, mukhang hindi iyon mangyayari. And timing din kaya na kaming dalawa lang ni Damon ang nasa shed! Like talagang planado ni God! Pero 'yong pagkahulog ng books ko para mapansin niya ako, plano ko na iyon. But still, it was the way para mangyari iyong mapansin niya talaga ako.
Today is Saturday, walang pasok. Nine o'clock na ng umaga pero nandito ako sa room ko at nakikipagtelebabad sa mga kabigan ko. Inistorbo ko silang dalawa umagang-umaga para muling ikwento sa kanila 'yong nangyari kahapon.
Iniisip ko, kung hindi pa siguro dumating si Kuya Sandro kahapon ay nakapag-start na 'ko ng conversation with Damon! Like "Hi. Damon, right?" Tapos sasagutin niya ako at tatanungin niya rin ang name ko! And that could've been a way for us para magkakilala na! 'Yung papansinin niya na talaga ako kapag nagkakasalubong kami or whatever. OMG, so sayang!
Argh! Ang wrong timing naman ni Kuya Sandro! Dapat ay matagal pa pala siyang dumating. O kaya naman 'yong driver na lang namin ang sumundo sa akin, edi nangyari sana iyon!
"Oh, ano naman ang sabi ni Kuya Sandro? Edi nakita niya kayo? Si Damon?" Tanong ni Elisse at natawa ako nang maalala ko.
"Sa kasamaang palad, hindi siya nag-isip ng kung ano-ano noong sinundo niya ako. Hindi siya nang-asar! Nanlibre pa nga ng frappe! So pareho kaming good mood kahapon." Sagot ko sa kanila at natawa silang dalawa.
Ilang saglit ay nagpaalam na muna kami sa isa't isa. Nang bitiwan ko ang iPad ko, napatingala ako sa ceiling. Nakahiga ako ngayon dito sa bed ko. Baliktad ang pwesto, nasa bandang gitna ng bed ang upper torso ko habang nakataas ang mga paa ko sa headboard. Bigla ko namang naisip na magdikit-dikit ng pictures ni Damon dito sa room ko, pero makikita naman nina Daddy. Kung sabihin ko kayang artista si Damon, maniniwala sila?
Hindi na nawala sa isip ko si Damon, naka-smile ako the whole time habang iniisip pa rin 'yong mukha niyang natingnan ko nang malapitan kahapon. He's gentleman pala talaga. I got the chance to prove that! I bit my lips nang mag-flash sa isip ko ang face niya, lalo na the way he smirked at me yesterday! Gosh, he's so gwapo!
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...