28

116 4 1
                                    

"Ang dami ko palang mga gamit!" Bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang mga na-declutter ko nang maisipang gawin ito after maglinis.

I wiped my nose using the sleeve of my shirt bago isa-isang nilagay ang mga kalat ko sa trash bag. Natuwa naman ako nang makita ko pang naitago ko pa pala ang music box na regalo sa akin ni Kuya Gavin noong 7 years old ako, naalala ko pa. Kinuha ko ito para tingnan kung gumagana pa at oo, gumagana pa siya kaya naisipan kong ilabas para i-display dito sa kwarto ko.

Araw ng Sabado at heto ako ngayon, busy sa paglilinis at pagde-declutter ng mga gamit kong nandito sa room ko. Kailan ba 'yong huling nagawa kong mag-declutter? Hindi ko na matandaan, at nang umalis ako rito ay alam kong walang tinanggal si Daddy na gamit ko rito. Halata dahil pati 'yong books ko noong nag-aaral pa ako rito noong college ay nandito pa ring nakatabi.

Natatawa na lang ako na sa tuwing may nadadampot akong gamit ay kanya-kanyang memory ang mga naaalala ko rito. Pero nagbabawas na ako at kaunti na lang ang iiwan dito sa room ko. Kasi para saan pa't nandito pa ang mga ito kung hindi ko naman na nagagamit. Hindi ko naman itatapon ang mga ito, because I am planning to donate these things to an orphanage. 'Yung mga gamit na magagamit pa, katulad ng books at maayos pang clothes to wear.

Napatingin ako nang makita kong nandito na rin si Cleo sa tabi ko, na para bang tinitingnan ang mga inaayos ko. She even sit on the book that I am about to pick, natawa na lang ako.

"Hi, Cleo.." I started to pet her bago siya buhatin para itabi at nang matapos na ako rito sa pagde-declutter.

At nang matapos na ako, tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sahig. Gosh, dalawang bags ang nagamit ko. 'Yung isa, laman ay mga damit na pwede pang isuot. At 'yong isa ay mga sari-saring gamit. Bitbit ang mga ito ay lumabas ako sa room ko, susubukan ko sanang pagsabayin na ibaba ang dalawang bags nang saktong nandito ang isa naming kasambahay. Kaya tinulungan niya akong ibaba ang mga ito.

"Sa baba na lang po, Ate. Pakitabi na lang po siguro roon sa sala." Sabi ko at nagpasalamat.

Nang makababa ako, saktong nadatnan ko si Kuya Sandro na mukhang galing sa kusina. Lumapit siya sa akin para siya na ang bumuhat ng dala ko at sinundan ang kasambahay namin para ilapag ito kung saan.

"Ano 'yon, Agatha?" Tanong ni Kuya sa akin.

"Some things na na-declutter ko, Kuya. I am planning to give those to an orphanage. Sayang, kaysa naman itapon. Eh, magagamit pa." Sagot ko sa kanya.

"Wala naman akong appointment ngayong araw, kailan mo ba balak ibigay?"

"Ngayon, sana Kuya."

"Ako na ang magda-drive sa'yo papunta roon."

"Really? Okay, Kuya!"

"Oo. Balak ko rin kasing ipasyal ang Ate Seline mo, kasama si Addison. At balak ko rin na isama ka, kaya isabay na natin iyan." Nakangiting sagot ni Kuya Sandro sa akin at nginitihan ko lang din siya, hanggang sa tanungin ko si Daddy.

"Where's Daddy?"

"Nasa garden, kausap si Tito Raul over the phone. Kanina pa nga sila nagkakatuwaan habang nag-uusap." Kuya Sandro answered.

Tito Raul, kilala ko siya. Tito Raul is Raven's dad. At kung sino si Raven, siya 'yong naging eye donor ni Mommy dati noong nabulag ito. And that time, wala pa ako roon, hindi pa ako buhay. Pero alam ko ang kwento dahil si Daddy mismo ang nagkwento sa akin kung sino si Raven at kung ano ang parte niya sa pagkakaroon muli ng paningin ni Mommy.

Babalik na sana ako sa room ko nang saktong kakapasok na ni Daddy dito sa loob ng bahay. Napansin niya rin 'yong dalawang bag na nakatabi rito sa sala at sinagot ko siya ng kaparehong sagot ko kay Kuya Sandro.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon