21

110 2 0
                                    

Nagluluto ako ngayon. Seriously. Nagluluto ako ng kakainin ni Damon para makainom na siya ng gamot. 'Yung mga pinabili ko kay Kuya Janitor na kilala ni Damon ang hinahanda ko ngayon. Hindi naman ako nahihirapan, para sa akin na first timer.

Habang nagluluto ako, panay ang tingin ko sa phone dahil sinusunod ko ang bawat instruction. Sana naman ay maayos ang pagkakaluto ko kahit papaano. Dahil kung hindi, baka rito pa mas lalong sumama ang pakiramdam ni Damon.

Napatingin ako sa oras, 7:45 na rin ng gabi. Wala pa naman akong nare-receive na kahit isang message galing sa bahay. Sinamantala ko rin talaga ang celebration na nangyayari sa bahay para puntahan si Damon ngayon.

Kumirot na ang paa ko sa sandals na suot ko ngayon. Kahit mababa lang ito, masakit pa rin, kaya tinanggal ko muna at itinabi rito sa living room, para maging comfortable naman ako sa paggalaw.

Nang matapos na ang fifteen minutes na hinihintay ko, pinatay ko na ang stove. Sunod kong hinanda ay 'yong bowl na paglalagyanan ko ng chicken noodle soup na niluto ko para kay Damon. Ang sabi kasi ni Google, ito 'yong madalas na pinapakain kung may sakit ang tao. At oo nga naman, naalala ko noong bata ako, soup din ang pinapakain sa akin ni Daddy kung nagkakasakit ako.

Nilagay ko ito sa tray pagkatapos kong salinan ng soup ang bowl, nakatabi rin naman ang glass of water at ang medicine na iinumin ni Damon pagkatapos niyang kumain. Dinala ko ito at naglakad na pabalik sa room ni Damon.

Nadatnan ko siyang nakahiga pa rin, nakakumot habang nakapikit. Hindi siya tulog dahil sa pagmulat ng mga mata niya nang makaupo na ulit ako rito sa tabi niya. Ipinatong ko sa table na itinabi ko rito ang tray na dala ko, bago siya harapin.

"Kakain na." Malambing kong sabi sa kanya. "Para makainom ka na ng medicine mo, Damon."

Gumalaw-galaw siya, parang tamad na tamad bumangon. O hindi niya lang talaga kaya. Lumapit ako sa kanya para alalayan siyang umupo at sumandal sa headboard. Tuluyan nang bumukas ang mga mata niya at tiningnan ako.

"Kakain ka na.." Sabi ko ulit sa kanya at ngumiti. Hinaplos ko ang leeg niya, mainit pa rin siya. Later, dadampian ko siya ng towel from the cold water.

Nang makaupo na siya, ako na ang humawak ng bowl at ako na mismo ang magpapakain sa kanya. Ramdam kong nakatingin lang siya sa akin habang pinapanood itong paghipan na ginagawa ko sa isusubo ko sa kanya. At nang isubo ko sa kanya ang unang subo, napansin kong napatigil siya sa pagnguya nang malasahan niya siguro ang pinakain ko, kaya kinabahan ako.

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang lasa ng pinapakain ko! Ng niluto ko!

"Why, Damon?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ba masarap?"

Nagkibit-balikat siya. "Okay lang naman. Masarap."

"Really?" Halos lumawak na ang ngiti ko.

"Yeah. Saan mo binili?"

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Akala niya, binili ko ito? So masarap nga itong niluto ko? Well, thanks to Google!

"I made this. Ako ang nagluto." Proud kong sabi sa kanya at kumunot ang noo niya.

"Weh?"

Nang sabihin niya iyon ay seryoso ang mukha niya, parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Oo na, hindi ako marunong magluto, pero pwede naman akong matuto!

"Totoo nga! I made this chicken noodle soup, 'no! Itanong mo pa kay Kuya na janitor na pinakiusapan kong bumili ng ingredients nito! Hmp." Sabi ko pa sa kanya at muli siyang sinubuan.

Nakatitig lang siya sa akin habang kumakain, ang tamlay niya tumingin sa akin ngayon. Pero bakit ganoon pa rin? Kilig na kilig at ilang na ilang pa rin ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin?

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon