Dalawang linggo pagkatapos ng malaman kong buntis ako, at hanggang ngayon, kaming tatlo ni Kuya Haze at Ate Gabriela ang nakakaalam tungkol sa pagbubuntis kong. Pati ang mga pamangkin ko ay wala pa ring kaalam-alam na may pinsan na sila sa akin. Mas lalo sina Daddy at Kuya na walang kamalay-malay, idagdag na rin sina Dahlia, Elisse at Naomi.
Alam ko naman na hindi ko ito maitatago sa kanila pero ang sinabi sa akin ni Ate Gabriela ay umpisahan ko sa sarili ko ang pagtanggap sa pagbubuntis kong ito. Madalas kasi akong makaramdam ng kaba at takot sa tuwing naiisip ko, at hindi maganda ito. Kaya nagdesisyon na ako ngayon na uuwi ako sa Pilipinas. Na uuwi na ako roon at.. doon na ulit titira..
Napangiti ako nang haplusin ko ang tiyan ko, hindi pa naman ito halata pero natutuwa ako ngayon.
"Ate Gabriela, naalala ko pala, bakit hindi mo pa ako tinatanong kung sino ang tatay ng dinadala ko?" Tanong ko kay Ate habang tinutupi niya ang mga damit ko sa maleta ko.
"Alam ko naman kung sino. Hindi ba't siya? Siya lang?"
Ngumuso ako. "Ganoon ba talaga ka-obvious na bibigay at bibigay pa rin ako sa kanya?"
Hindi na pala kailangan pang sambitin ang pangalan ni Damon dahil alam na namin pareho!
"Hmm, siguro. Pero ako naman ang magtatanong, naalala ko pala, sinabi niyang mahal ka niya noong bago ka bumalik dito, 'di ba? Ikaw, mahal mo ba siya, Agatha?" Napayuko ako at inabot ang unan ko para yakapin. "It's okay kung hindi mo sagutin. Ito na lang, balak mo bang sabihin sa kanya ang tungkol sa magiging baby ninyo?"
Hindi ko alam. Ayan ang sagot na naiisip ko ngayon. Itong pag-uwi ko ngayon ay walang nakakaalam bukod sa aming tatlo ni Kuya Haze kaya magiging sorpresa ito kina Daddy. At ang purpose kung bakit ay para sabihin sa kanila nang personal ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Gustuhin ko mang itago ito sa kanya pero parang mas sasaktan ko sila dahil doon. O pwede rin namang sa pamamagitan ng tawag ko na lang ipaalam pero hindi ko rin gusto. Dahil bukod sa kanila, binabalak ko ring ipaalam kay Damon ang tungkol dito. Pero nagdadalawang-isip pa ako, kaya hindi ko pa talaga alam sa ngayon.
"Sa tingin mo, Ate, kailangan ko bang ipaalam sa kanya?" Tanong ko pa kay Ate at tumango siya.
"You should dahil anak niya iyan at karapatan niyang malaman. Gustuhin man niya o hindi, ipaalam mo. At least, makakatulog ka nang mahimbing nang hindi ipinagkait sa baby mo ang karapatang iyon." Sagot niya sa akin at nginitihan ko siya.
Bukas na ang alis ko pabalik sa Pilipinas, gusto pa ni Ate Gabriela na samahan ako pauwi pero humindi ako at sinabing kaya ko namang asikasuhin ang sarili ko. Nakatulong naman ang vitamins na iniinom ko ngayon para makapag-adjust sa hormones ko ngayong buntis ako.
Last week after the day noong lumabas sa pregnancy test ang result, nagpunta kami ni Ate Gab sa hospital para magpa-check up. At buntis nga ako, seven weeks na.
"Gusto ko, ang baby ko ay girl." Random ko namang sabi at muling hinaplos ang tummy ko.
Natawa si Ate. "We'll pray for that, love."
"At kapag lumabas na siya sa akin, aalagaan ko siya at lulunurin ng love. Ibibigay ko sa kanya ang buong oras at pagmamahal ko, at lalaki siyang busog na busog sa pag-aalaga ko. And I'm so excited na i-dress up siya, 'yong para bang dapat ay matchy sa akin ang suot niya kapag lalabas kami! Like, we're gonna look like twins!" I gushed.
Ini-imagine ko pa lang ay tuwang-tuwa na ako, paano pa kaya kung kaharap ko na ang baby ko? Ngayon, alam ko na kung bakit ay happy stage din ang pagiging Mom, dahil masaya pala talagang maging Mommy. Hindi na sarili mo ang iisipin mo, kundi ang anak mo na.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...