30

132 4 0
                                    

It's already past 10 in the evening but I'm still awake. Hindi na natanggal sa isipan ko 'yong mga narinig ko mula sa mga Kuya ko, lalo na 'yong sinabi ni Kuya Gavin. 'Yung rason kung bakit niya hinayaang magkita kami ni Damon at magkasama ulit, ay para gawin akong matapang.

Is he thinking that I am weak? Iniisip niya ba na duwag ako? Hindi naman ako makatanggi roon, dahil.. dahil totoo naman.

Bumangon ako hanggang sa maisipan kong bumaba dahil sa kagustuhan ko. Nang makababa ako, napatigil ako, napatulala. Hanggang sa dumako ang tingin ko kung nasaan ang piano na nakatabi rito sa gawing sala, kaya ito ang nilapitan ko. Umupo ako sa upuan, binuksan ito para magsimulang tumugtog.

Ngayon ko na lang pala ulit nahawakan ito at nagawang tumugtog, ever since nang mawala ako rito. But I wonder kung nananaginip ba ulit ako ngayon, dahil alam ko na ang susunod na mangyayari, magpapakita sa akin si Mommy pagkatapos kong tumugtog. At nang matapos ako sa pagtugtog, lumingon ako sa gawi kung nasaan si Mommy sa panaginip ko noong isang gabi. Halos mabigla naman ako dahil hindi si Mommy ang nakikita ko ngayon, kundi si Daddy.

Hindi pala talaga ako nananaginip.

"Anak, gising ka pa." Sabi niya sa akin at ngumiti ako nang tipid.

"Opo, I can't sleep po, Daddy.. Nagising po ba kita sa pag-play ko ng piano?"

Umiling siya. "Me, either, hindi rin makatulog."

Lumapit siya sa akin hanggang sa magpunta siya rito sa bandang likuran ko. Hinawakan niya ang mga balikat ko, at nang maisip ko na baka mangalay siya sa katatayo, tumabi ako para bigyan siya ng space dito sa kinauupuan kong chair na kasya naman ang dalawang tao.

"About sa internship mo, anak, nagkausap kami ng mga kapatid mo." Wika niya pagkaupo niya rito sa tabi ko. "Ipinaliwanag ni Kuya Gavin mo kung bakit niya naisipang gawin ito.. At hindi pabor ang Kuya Sandro at Kuya Gus mo sa ginawa niya, kahit ako.."

Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Daddy habang pareho kaming nakatingin sa piano.

"But your Kuya Gavin said that it's just for professionalism and good training for you kaya ka roon ni-refer. But little did he know that your Kuya Gus, wala pang tanong ay may sagot na siya sa Kuya Gavin mo." Daddy chuckled. "At kahit si Kuya Sandro mo, at nagkasagutan pa nga sila eh.."

Yes, Daddy, narinig ko. At nakita ko nga, at ewan ko ba kung magi-guilty ako ngayon dahil parang kasalanan ko. Kasalanan ko naman talaga, e.

"But something caught my attention, at ayun ay 'yong sinabi ni Kuya Gavin mo sa amin na kaya niya ginawa iyon ay para maging matapang ka."

Napayuko na ako sa sinabi ni Daddy, hanggang sa lingunin ko na siya at ako ang magtanong sa kanya.

"Am I weak, Daddy?" Tuluyan ko nang tinanong sa kanya iyan. "But yes naman, I am weak. I admit it, kaya nga po ako lumayo rito, 'di ba?"

Mahina ako, alam ko. Kung ayun nga na nakikita ko sa sarili ko, what more pa kaya sa mga mata ng iba? At kay Kuya Gavin na mismo galing na kaya niya ginagawa ito ay dahil sa tingin niya ay mahina ako. Gusto niya akong maging matapang dahil duwag ako.

Umiling siya. "You're not weak, anak. Nasaktan ka lang, pero hindi ka mahina." Sambit niya at nararamdaman ko na namang unti-unting bumubuo ang mga luha sa aking mga mata. "At gusto lang ng Kuya Gavin mo na ma-overcome mo ang sakit na ito dahil nararamdaman niyang mayroon pa rin. Sinabi niya mismo iyan sa akin, anak."

"Ano ang gusto niyang gawin ko, Daddy? Magkaayos kami ni Damon? Patawarin ko siya? Humingi na ako ng tawad sa kanya, pero hindi niya ako pinakinggan. And I already forgave that jerk, even though sinaktan din niya ako!"

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon