34

146 3 0
                                    

"Agatha, kanina ko pa napapansin 'yang paghahawak mo sa labi mo. Ano'ng nangyari? Namumula na sa pagpipisil mo."

Napatigil ako nang sabihin iyon ni Kuya Sandro, halos kabahan ako dahil halata pala itong ginagawa ko. Malamang ay kanina niya pa napapansin.. Oh, gosh.

"Ahm, wala, Kuya. Medyo namamalat lang." Pagrason ko at nagpatuloy na pagkain. "Hmm, ang sarap nitong beef caldereta! Who cooked this?"

"Si Ate Seline mo." Sagot ni Kuya Sandro kaya napatingin ako sa in-law ko na nasa tabi niya rito sa mesang kinaroroonan namin.

"Wow, Ate! Ang galing mo palang magluto, ha!" Puri ko rito at ngumiti ito sa akin.

"Nako, Agatha. Sakto lang."

Seven in the evening, we are now having our dinner. Kaming apat ni Daddy, Kuya Sandro at Ate Seline na siyang nakatira rito sa bahay.

"Kumusta pala 'yong internship mo sa supot na CEO?" Pagtanong naman ni Kuya tungkol doon at halos maduwal ako sa term na ginamit niya. He's now talking about Damon.

"Alessandro." Saway ng asawa niya pero hindi siya nagpatinag.

"Bakit? Supot naman talaga iyon."

Imbes na mahiya ako ay tumawa ako, at mas inaasar si Kuya Sandro. "Paano mo nasabing supot, Kuya? Sigurado ka? Nakita mo na ba?" Pang-aasar ko sa kanya at hindi na maipinta ang mukha niya.

Nang tingnan ko naman si Daddy at patawa-tawa lang siya. Kahit papaano, hindi na ako naiilang kung nasasama sa usapan namin si Damon. Nasanay na rin dahil hindi talaga maiiwasang hindi mabanggit ang pangalan niya rito ngayong doon ako sa kumpanya niya intern!

At ang isa pa, parang na-overcome ko na rin 'yong para bang "big deal" kung siya ang pinag-uusapan. Katulad ngayon, si Kuya Sandro ang nag-umpisa at tinapos ko sa pang-aasar sa kanya.

Bigla ko namang naalala 'yong nangyari kanina, ayung paghalik niya sa akin. I was shocked, just a little bit. Nabigla ako sa paghalik niya sa akin sa aking mga labi. Just one swift kiss from him bago ako tuluyang umalis. Okay, hindi naman siya ganoong ka-big deal sa akin dahil hindi naman iyon ang first time na mahalikan.. niya ako.

Okay, I considered that as his way of flirting. Nilandi niya ako kanina! He's really malandi kapag sick, ano? Ipagdasal lang niyang hindi niya ako nahawa sa halik niyang iyon!

"Pero kumusta nga?" Tanong pa ni Kuya Sandro at mukha siyang ata na magbalita ako tungkol kay Damon.

"Kuya, you're so matanong about him, huh? Bakit kasi ayaw mong makipag-friends sa kanya like Kuya Gavin?" Pagbalik ko ng tanong sa kanya at natawa siya ng tawang nanlalait.

"Kaibigan ba talaga iyon ni Kuya Gavs, Daddy?" Tanong ni Kuya kay Daddy at nagkibit-balikat lang si Daddy.

"Naka-leave siya kanina kaya wala akong balita about him, Kuya. Pero isa lang, sick leave siya dahil sa sobrang dami ng ginagawa at sumabay na rin ang panahon." Pagkwento ko at tuwang-tuwa si Kuya Sandro roon, kaagad naman siyang sinaway ulit ni Ate Seline.

Actually, gusto ko rin sanang matuwa roon, kaso hindi ko na maramdaman. Hindi magandang nakikita siyang nandoon sa bahay niya, hindi pumasok para magpahinga dahil masama ang pakiramdam. Lalo na't nakita ko ang hitsura niya kanina, naghalong pagod at hindi okay ang pakiramdam. Tapos nandoon pa ako para istorbuhin siya. Sana naman ay okay na siya ngayon.

Pero nakakainis, mukhang okay naman talaga siya dahil sa paghalik niya sa akin na kanina ko pa iniisip!

Wala na akong balak ikwento sa pamilya ko ang tungkol sa pagpunta ko roon sa bahay ni Damon, hindi naman siya ganoon ka-big deal para ikwento pa. Lalo na't sigurado akong may ibang iisipin si Kuya Sandro, at baka daan pa iyon ng misunderstanding nila ni Kuya Gavin kung malaman ni Kuya Sandro. At kung malaman din ni Kuya Augustus na si Kuya Gavin mismo ang naghatid sa akin doon, kahit ginusto kong ako mismo ang magpunta roon kay Damon.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon