"Hindi ka pa rin talaga naka-move on diyan sa Damon na 'yan? Sabing one night stand lang iyon, hindi ka na talaga papansinin nun, Agatha!" Muling sabi sa akin ni Naomi ngayong kausap ko siya sa phone.
Nakanguso lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni Naomi sa akin ngayon. At para akong batang may tantrums sa paulit-ulit na sinasabi ni Naomi sa akin na hindi na ako papansinin ni Damon dahil nakuha niya na ako.
Ganoon ba talaga 'yon? Ayun ba talaga ang rason kung bakit lumalayo na sa akin si Damon? Dahil nakuha niya na ako? So ibig sabihin ba, 'yong mga babaeng nakikita ko sa post niya na madalas niyang kasama, hindi niya pa nakukuha? Kasi bakit ay kasa-kasama pa rin niya?
O baka may nagawa talaga akong ayaw niya. Napaisip naman ulit ako sa gabing iyon, naaalala ko lang na sobrang innocent ako, I didn't know what move to do while doing it. Siguro, nairita siya sa akin dahil boring ako? Nakakaiyak naman kung ayun ang reason!
"Paano na 'yan? Back to normal ulit kami! 'Yung normal na hindi niya ako pinapansin! Snobber na ulit siya."
Natawa si Naomi. "Mabuti at alam mo. Ikaw kasi, bakit ka bumigay kaagad? Dapat nagpakipot ka, baka allergic iyon sa easy-to-get kaya inaayawan ka na ngayon."
Ang daming pwedeng maging rason at dinagdagan na naman ni Naomi. Easy-to-get? Mukhang oo nga, hindi ako magiging pakipot pagdating kay Damon! At.. At ilang beses ko bang sasabihin na nawala ako sa sarili ko the moment nang halikan ako ni Damon. Basta ang alam ko, kasama ko siya at handa akong ibigay ang sarili ko.
Naalala ko na naman 'yong mga ginawa ko para lang pansinin ni Damon, at ang recent na nagawa ko ay 'yong pagpapansin sa kanya through Facebook. Nagshi-share ako ng memes na siya ang patama, nila-like ko ang shared posts niya, at nagpo-post ako ng selfie with the caption na tungkol sa kanya pero palihim.
For straight 3 days ko iyan ginawa. Kaso hindi naman niya nila-like ang posts ko, hindi katulad ng dati. Pero sa stories ko, nagvo-view siya pero no reaction na. Meaning, iniiwasan niya talaga ako.
At sabi nina Naomi sa akin, kumalma raw ako dahil baka i-unfriend na ako ni Damon bigla. Natakot naman ako dahil posible. At ang sabi naman ni Dahlia at Elisse, kay Oliver na lang daw ako mag-focus. Argh, ayung dalawang iyon! Tuluyan na akong nili-link kay Oliver!
After the day noong may program sa school, hindi na tumitigil si Dahlia at Elisse sa kaka-issue sa akin kay Oliver. Bukod na kay Damon, nasasama na rin sa usapan naming apat si Oliver. Go na go naman silang dalawa, at laging sinasabi sa akin na Team Oliver sila at mas bagay kaming dalawa.
Ilang beses ko bang sasabihin na friends lang kaming dalawa ni Oliver? Nakakahiya tuloy kay Oliver dahil para siyang naiilang sa tuwing magkasama at magkausap kaming dalawa.
It's already 9 PM at heto ako, kausap ko si Naomi over the phone. Sa kanya ko inilalabas lahat ng rant na mayroon ako, 'yong rant kong hindi matapos-tapos dahil sa pag-i-ignore sa akin ni Damon.
"Oh, ano ka ngayon, Agatha? Ayan, binigyan ka lang ng experience ni Damon. Huwag mo na lang ulit ipagpilitan ang sarili mo, girl, baka kapag inaya ka na naman niyan at hindi ka na naman maka-hindi, ewan ko na sa inyo! Baka mabuntis ka pa niyan ah!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Naomi, bigla naman akong namula kahit hindi naman niya ako nakikita.
"Hindi sa pinag-iisipan ko siya nang masama, pero baka sa weakness mong iyan, pagsamantalahan ka pa ni Damon, Agatha. Kaya itigil mo na 'yan."
Umiling-iling lang ako, ilang beses na itong sinasabi sa akin ni Naomi pero oo, matigas ang ulo ko para hindi makinig sa kanya. At hindi pa rin ako makikinig, dahil alam kong hindi naman ganyan si Damon!
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...