18

127 2 0
                                    

Nagising ako nang makapa ko rito sa bed na wala na si Damon. Nang buksan ko ang mga mata ko, wala na nga siya rito sa kama. Where is he? Nahawakan ko pa siya rito kanina, ah? At nakayakap pa ako sa kanya kanina.

Umupo na ako at hinawakan ko ang kumot sa katawan ko sa pagbangon ko. Dahil hubad ako, wala pa akong suot na kahit ano. Ilang minutes pa akong nakaupo rito sa bed para tuluyang gisingin ang sarili ko, bago na tumayo at kumuha ng maisusuot sa cabinet kung nasaan ang mga damit ko.

Ang nadampot ko ay dress at tamad na tamad pa ako maghalungkat ng iba kaya ito na lang ang sinuot ko. Nagpunta ako sa bathroom para maghilamos at mag-gargle, at umihi na rin, bago na lumabas para tingnan kung nasaan si Damon.

Paglabas ko, nakaamoy ako ng masarap na amoy. It's corned beef! Bigla akong nagutom bigla, oo nga pala, hindi na ako nakakain kagabi! Kaming dalawa ni Damon, hindi na nakakain kagabi dahil ang kinain namin ay isa't isa. Argh!

Nadatnan ko si Damon na nandito sa kitchen, he's cooking. Nakatalikod siya sa akin kaya magdahan-dahan ako para lapitan siya at yakapin kaagad sa likod niya. Naramdaman kong nagulat siya at nang tumingala ako sa kanya, lumingon naman siya para tingnan ako.

"Good morning, Damon Lewis!" Bati ko sa kanya at ngumisi siya.

"Good morning, babe." Binati rin naman niya ako.

Nang tingnan ko ang niluluto niya, tama nga ako, corned beef ito. Natatakam na ako, matagal pa ba? Gutom na talaga ako.

"I'm hungry na.. Kami ni baby. We're hungry for food." Sabi ko sa kanya at natawa siya. Kinailangan kong sabihin 'yong "food" dahil baka iba na naman ang gawin niya para mabusog kami!

"Malapit na ito, upo ka na."

Hinawakan niya ang beywang ko at sinenyasan nang umupo, sinunod ko naman. Nakahanda na rin ang mga plato at kubyertos dito sa mesa. Hmm, ang ganda yata ng gising ni Damon ngayon! At.. At ang sweet naman nitong pagluluto niya ngayon. Simula kasi noong mag-stay ako rito, puro binili sa labas ang kinakain namin.

May time siya ngayon para gawin ito.

Natapos siya sa pagluluto, nagsimula na kaming kumain. Hindi muna kami nagsalita na dalawa dahil bukod sa akin, alam kong gutom na rin siya sa pagkain. Natawa ako sa isipan ko.

Sinulyapan ko siya at nakatingin na pala siya sa akin. He's smiling while looking at me, kaya nagtaka ako.

"Why?" Tanong ko at umiling siya.

"Wala. Ang ganda mo lang pala talaga."

Namula ako sa sinabi niya at sumubo na lang ulit. Gosh! He has been giving me compliments since last night! At kumusta naman ako? Kilig na kilig ulit ako.

"Oh, really?" Sinabayan ko ang sinabi niya kahit namumula na ako rito. "I know, right?" Pilya ko pang sabi at natawa siya.

That "ang ganda mo lang pala talaga." So hindi talaga siya na-attract sa akin dati? Ngayon lang? Ngayon lang niya na-realize na maganda pala talaga ako?! Huh! Ngayon, alam niya na!

"May pasok ka ba?" Pag-iba na niya ng topic.

"Yup, mamayang 8:30 pa." Sagot ko, ano na ba ang oras? 'Di bale, pwede namang ma-late. "How 'bout you?" Tanong ko naman sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ako papasok ngayon." He answered.

"Oh." Medyo nanlaki ang mga mata ko sa sinagot niya. "So, rito ka lang sa unit?" Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain.

Napaisip tuloy ako, kung hindi na rin ako pumasok today? Hindi ko rin feel pumasok today, bukod sa Friday naman at minor subjects lang ngayong araw, kapag hindi rin ako papasok ay makakasama ko si Damon dito sa unit buong araw! That's an interesting idea!

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon