"Bakit, lately, ang tahimik mo?"
Napatigil ako sa pagta-type sa laptop nang magsalita bigla si Damon. Lumingon ako sa kanya, nakatingin na rin siya sa akin kaya nakapurap-kurap lang ako. Para niyang sinusuri ang hitsura ko, hanggang sa magsalita na ako.
"I'm not sick." Pangunguna ko sa kanya dahil baka ayon ang iniisip niya, natawa siya.
"Hindi naman iyan ang naiisip ko, Ms. Delos Santos." Sumandal siya sa swivel chair niya. "Para kang natutuyo." Pagtuloy niya kaya kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
What? Natutuyo? Anong natutuyo? Hindi ko maintindihan..
"Huh?"
Muli siyang natawa hanggang sa buksan niya ang mga braso siya. Nagtataka pa akong nakatingin lamang sa kanya hanggang sa tapikin niya ang kandungan niya. At dahil gusto ko naman ay tumayo ako sa kinauupuan ko rito sa desk na nasa tabi niya para lumapit sa kanya, at naupo sa lap niya.
"Sabi ko, ang tahimik mo lately. Nagtatampo ka ba sa akin?" Yumakap siya sa akin habang nakaupo ako rito sa kanya at dahil sa pagkayap niya, tuluyan ko nang isandal ang sarili ko sa kanya.
"Ba't naman ako magtatampo sa iyo, Mr. Salvador?" Tanong ko pabalik at tumingala sa kanya.
"Dahil natutuyo ka na nga, kulang ka na sa dilig." Sagot niya at nagtaka na naman ako.
"What?"
Mas lumakas ang tawa niya kaya medyo naasar ako. Aalis na sana ako sa lap niya nang higpitan niya ang yakap niya sa akin.
"Anong natutuyo? Anong dilig? Do I look like a plant here?" Nagtatakang mga tanong ko sa kanya at nagpipigil na siya sa pagtawa. "Ano nga? Why are you laughing? What are you trying to say, huh?"
Bigla naman akong na-conscious sa hitsura ko, na dahilan para mas mairita ako sa kanya. Hindi ba maayos ang hitsura ko ngayon? At ano ang sinasabi niyang natutuyo ako? What the hell?!
"Ano nga?! Nakakainis ka!"
Muli niya akong pinasandal sa dibdib niya at hinayaan ko lang na gawin niya iyon sa akin.
"Ang sabi ko, matagal na tayong hindi nagtatalik. Kaya baka natutuyo ka na."
What the hell, Damon?! Imbes na kairitahan ko ang sinabi niya, tumawa na lang din ako. Pero teka, ano ang sinasabi niyang matagal na? Last week lang ay nag-sex kaming dalawa, hindi niya maalala?! O sa dami ng babae niya, hindi niya na matandaan kung kailan 'yong katawan ko ang kaharap niya.
"You see, busy lang ako ngayong linggo kaya kahit katawan mo 'yan, hindi ko pwedeng talikuran ang ginagawa ko ngayon." Sabi pa niya habang hinahaplos ang braso ko.
Why is that he sounds like akala niya ay nag-aalala ako? Na para bang nagtatampo sa kanya dahil doon?!
Pero hindi ko naman ma-deny na oo, busy nga siya ngayong week. Hindi na kami, ahm, nagkaka-alone time just like noong madalas naming makagawian. Have sex, then sex, and just doing it over and over again.
"Kaya nga sinasabi ko sa iyo na parang natutuyo ka na. Kailangan na ng dilig. Hilingin mo lang sa akin, Ms. Delos Santos, aalis kaagad tayo ngayon dito. O kung gusto mo ay dito, o sa comfort room ulit." Wika niya pa at dito ko na naintindihan ang sinasabi niyang natutuyo at dilig! This naughty man!
"I'm not horny. Baka ikaw diyan ang kailangan ng dilig dahil ikaw ang mahilig dito!" Sagot ko na sa kanya at natawa siyang muli.
Ngayon na lang ulit niya ako nalandi nang ganito. Sa sobrang busy niya, pati itong pakikipag-flirt sa akin ay nagagawa niyang isantabi. At dito ko na-realize na mukhang dedicated at passionate talaga siya sa trabaho niya ngayon. He's not doing it for himself alone, kundi para talaga sa kumpanya, dahil kung hindi man ay dapat hindi niya na ito binibigyan pa ng oras at halaga.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...