"Gabriela, kailan ba magkakaroon ng kapatid si Alaysha? Naghahanap na yata iyon ng kalaro!"
"Kuya Gavin, ano ka ba?"
"Anong 'ano ka ba', Gab? Ang hina mo naman! Sundan na ninyo ni Haze si Isha!"
"Ano 'to? Paramihan ng anak, Kuya?"
"Hahahaha! Tawang-tawa ako sa paramihan ng anak! Ayan, Kuya Gavin, ang sipag mo kasing gumawa."
"Kanino pa ba nagmana, Sandro?"
"Hala! Daddy oh!"
Hindi ko mapigilang tumawa sa mga pinagsasasabi ng mga kapatid ko. Kanina pa nila inaasar si Ate Gabriela, na kesyo sundan na nila Kuya Haze si Isha, na bigyan na ng kapatid ang pamangkin ko. Sa sagot naman ni Ate Gab, parang wala pa sa plano nila ni Kuya Haze na sundan si Isha. Siguro dahil pareho silang busy sa trabaho at hindi pa nila maharap kung sakaling magka-baby na ulit sila? I just think.
Napatingin ako sa relo ko, 7 PM na, paano pa ako makakapunta roon kay Damon? Hindi ako makapuslit dito dahil buong araw ng Linggo ay magkakasama kaming lahat. Simula kaninang umaga nang mag-church kami, at kumain ng lunch at hanggang ngayon na dinner ay magkakasama pa rin kami. Sinusulit na namin ang araw na ito dahil bukas na ang flight ni Ate Gab pabalik sa California.
Kanina, nag-message sa akin si Damon, tinatanong kung makakapunta ba ako rito pero ang sagot ko lang, mukhang hindi na dahil hindi ako makapuslit sa family ko. He said okay naman and have fun with my family, with smiley face. Maayos na ang pakiramdam ni Damon, sabi niya nang kumustahin ko siya kaninang umaga pa.
Mukhang okay na talaga dahil maayos na ang pagsasalita niya nang makausap ko siya over the phone, kumpara kagabi na nanghihina.
Kinukumusta ko si Damon time to time, kung ano ang ginagawa niya, kumain na ba siya at nakainom na ba siya ng gamot. Sumasagot siya sa akin, nag-send pa nga siya ng video na umiinom ng gamot. Hindi ko alam kung 'yong pag-inom niya ng gamot ang ipinapakita niya, dahil ang napansin ko ay ang abs niya dahil topless siya!
Napatigil ako sa pag-inom ng iced tea nang maramdaman kong mag-vibrate ang phone ko, pinakiramdaman ko muna ang mga kasama ko bago tingnan kung sino itong nag-message.
From: Hubby
Tapos na akong mag-eat at uminom ng gamot. Sure ka na hindi ka pupunta rito, babe? 😃
To: Hubby
Malabo na, Lewis. Dahil gabi na at hindi na ako papayagan umalis. I'm sorry 😔
Pag-reply ko sa kanya, at ilang saglit, nag-reply ulit siya.
From: Hubby
It's okay, babe. Tinatanong ko lang, para paghandaan ko 'yong ibibigay kong prize mo 😋
Natawa ako sa sinabi niya. Talagang magaling na ang lalaking ito.
"Stop using that emoji, Lewis. Are you hungry or what? Hahaha!" Sabi ko pa sa kanya at sumagot kaagad siya.
"Hungry for you? Yes. 😋"
Napaling-iling na lamang ako sa sinagot niya at itinago ko na ang phone ko at baka makalimutan ko pang kasama ko ang pamilya ko ngayon. Napatigil ako saglit, hanggang sa mawala ang ngiti ko nang maalala ko ang naging pag-uusap namin ni Naomi kagabi. Kagabi pagkatapos kong sabihin sa kanyang gusto na ako ni Damon.
Dapat ay masaya ako habang kinukwento iyon sa kanya kagabi pero ramdam namin pareho na hindi saya 'yong nararamdaman ko! Hindi dahil may kasinungalingan akong itinatago..
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...