35

164 3 1
                                    

"Pupunta ako saglit sa site.. With Ms. Delos Santos."

Napalunok ako nang sabihin iyon ni Damon kay Miss Mia, malugod namang sumagot si Miss Mia at sinabing sila na muna ang bahala rito sa opisina. This is the first time na isasama ako ni Damon, pero alam kong hindi sa site ang diretso namin nito! Napalunok ako dahil sa kaba, but a little bit excitement.

It's already 9 o'clock in the morning, ang bagal ng oras. Kanina nang dumating ako rito before 8, nakakapagtakang mas nauna pa si Damon! He's so early! At simula nang dumating ako ay hindi na siya mapakali, alam ko iyon! I saw how rattled he was!

Nilingon ako ni Damon at nakita ko ang pag-igting ng panga niya. "Let's go?" Sabi niya at dahan-dahan akong tumango.

'Yung sinabi sa akin kahapon, ito, mangyayari yata ngayong araw. Ngayong oras na mismo, at kinakabahan ako. Bakit sumaktong wala masyadong trabaho si Damon ngayong araw at timing talaga? Shit, at ako, pumayag talaga? But I like it, really..

Hindi na ako nagulat nang hindi naman patungo sa site ang direksyon na pinupuntahan namin. Habang nandito kami sa sasakyan na dalawa, tahimik lang kami, pero ramdam ko sa bilis ng pagmamaneho niya ang pag-aapura niyang makarating kami.. sa bahay niya?

Oh, my gosh..

Nakarating na nga kami sa village niya at halos mapiga ko na ang phone kong tanging dala ko. At nang tumigil na kami sa tapat ng bahay niya, nilingon namin ang isa't isa pero kaagad din akong nag-iwas ng tingin.

Una siyang bumaba at naunahan niya ako sa pagbukas ng pinto. He opened the door for me, at inalalayan niya pa ako sa pagbaba! Sabay kaming naglalakad papasok sa bahay niya nang kunin niya ang kamay ko para hawakan.

"Hijo, nandito ka na at may kasama ka. Ang aga mo, o may nakalimutan kang kunin?" Bumungad sa amin ang maid niya.

Alam kong kilala ako ng maid niya dahil ito 'yong nagpapasok sa akin dito sa bahay niya noong araw na nagpunta ako rito.

"Yes, Manang.. May iuutos po sana ako sa inyo. Pwede ba kayong mamalengke? At pag-uwi ninyo ay magluto kayo ng masarap na ulam."

Nagtaka ako sa sinabi ni Damon, at.. at bakit siya nagpapaluto? Kakain ba kami rito? Ayun ang gagawin namin?

"Oh, sige ba. Oo naman, hijo. Ano bang putahe ang gusto ninyo?"

Nilingon ako ni Damon, na para bang tinatanong ako kung ano ang gusto kong ulam. Ang ibig niyang sabihin, aabutin kami ng lunch dito sa bahay niya? Dahil sa gagawin namin? Napalunok ako.

"Kahit ano na lang po, basta masarap.." Pinisil niya ang kamay ko sa huling salitang sinabi niya, muli akong napalunok.

Nagbigay siya ng pera sa maid niya at tinanong pa nito si Damon kung ano ba ang gagawin naming dalawa rito, at ang sagot niya ay..

"May project po kaming tatapusin, ilang oras din po iyon kaya roon kami sa kwarto ko para matapos namin.. At hindi maistorbo."

Hindi na ako makatingin nang diretso sa maid ni Damon, dahil ayaw kong tingnan ang reaksyon nito kung maniniwala ba sa sinabi ni Damon, o may naiisip na ibang kahulugan sa sinabi ni Damon! Sinabi niya pa talaga at para siyang nagpapahiwatig!

"Oh, sige. Maiwan ko na kayo at nang maumpisahan na ninyo ang gagawin ninyong project at mukhang kailangan nang umpisahan kaagad.." Ramdam kong mas namula ako. "Siguro naman ay tapos na iyan kapag saktong naluto ko na ang putahe. Oh, sya, basta bumaba na lang kayo, at mamamalengke na ako."

Naiwan kami rito ni Damon at muli niya na akong hinarap, ramdam ko kahit sa sahig ako nakatingin ngayon. Muli niyang kinuha ang kamay ko at nilapit ako sa kanya, dito na ako umangat ng tingin.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon