Pumayag na si Daddy. Pumayag na siyang doon na kami ni Damon tumira sa bahay nito. At first, akala ko na baka pinagbibigyan lang ulit ako ni Daddy sa gusto kong mangyari, pero sinabi ni Damon na nagkausap na sila ni Daddy tungkol doon. At pati ang mga kapatid ko ay nakausap na rin niya.
Hindi ko alam kung kailan at ngayon ko lang nalaman na may pag-uusap pala na naganap tungkol sa bagay na iyon. At hindi ako makapaniwalang nakausap ni Damon ang tatlong kapatid ko tungkol dito. Lalo na si Kuya Sandro.
Gustuhin ko mang ipadetalye kay Damon kung paano ang naging pag-uusap niya kasama ang mga Kuya ko ay umayaw din ko. Ang importante, ito, pinayagan na kaming bumukod. But we promised to Daddy na babalik pa rin kami rito, papasyal at minsan ay dito rin matutulog.
Kahapon sinabi ni Damon sa akin ang tungkol dito, at ngayon, ngayong araw mismo ang alis namin dito sa bahay. Hindi naman biglaan para sa akin dahil sa totoo lang, excited na ako. I am excited because Damon and I are gonna live independently! Like, kami lang ang laman ng bahay niya bukod sa kasama niyang maids doon.
Para na kaming mag-asawa.
"Are you excited, babe?" Tanong ni Damon habang isa-isang itinabi ang mga bag kung nasaan ang mga gamit namin.
Nandito kaming dalawa sa kwarto, mamayang hapon ang alis namin. Nakasandal ako rito sa headboard ng kama, nakaupo rito, habang pinapanood ang mga ginagawa niyang pag-aayos.
"Yes.." I answered him with a giggle. "Anyway, curious ako kung anu-ano ang mga napag-usapan ninyo ng mga Kuya ko tungkol dito. Ano naman ang sinabi nila sa'yo?" Tanong ko naman sa kanya at nagkibit-balikat siya.
"Mga paalala lang."
Mga paalala lang? O mga banta, sabihin niya! Hindi ako kinausap ng mga Kuya ko regarding this, kahit si Kuya Sandro na nakakasama ko rito sa bahay. Paanong kakausapin ako? Nagkakatampuhan pa rin kaming dalawa hanggang ngayon.
"Like?"
Umiling siya at natawa. "Basta."
Bakit naman basta? Ayaw niyang sabihin sa akin? Ngumuso ako sa kanya, ewan ko kung iisipin ko bang hindi maganda ang naging pag-uusap nila.
"Eh, si Daddy na lang. Ano ang pinag-usapan ninyo?" Tanong ko pa habang kinakamot ang braso ko.
"Basta rin."
Imbes na mainis ako sa mga sinasagot niya ay natawa na lang ako. Okay, hindi ko na siya pipilin. Mukhang usapang lalaki iyon, so yeah. Whatever, Lewis.
Tumayo na ako habang hawak-hawak ang tiyan ko. I admit it, ramdam ko nang nag-gain ako ng weight kahit maliit pa ang tiyan ko. Kaya medyo nabibigatan na rin ako, sure na mas bibigat kapag third trimester na.
Nang sumapit ang hapon, nagpaalam na kami kay Daddy dahil sa pag-alis namin dito sa bahay. Supposedly ay 4 o'clock ang alis namin, pero sinabi ko na hintayin pa namin ang pagdating ni Kuya Sandro from work.
Hindi ko rin natiis si Kuya, kaya ako na ang unang makikipagbati. At ganoon din siya, hindi niya ako natiis.
"Tawagan mo lang ako, ha?" Malungkot ang tono ni Kuya Sandro nang sabihin niya iyon. Mas gusto ko pa 'yong nang-aasar siya kaysa ganito.
"Kuya, akala mo naman kung babalik na ako sa California! Same city pa rin tayo. Magkaibang village lang!" Natatawang sabi ko sa kanya. "You can visit us doon sa bahay ni Damon."
Lumingon si Kuya Sandro kay Damon at tinanguan ito, na para bang alam na nilang dalawa ang ibig sabihin nun. Boys.
Hinalikan at niyakap ko sila isa-isa at inulit kong sinabi na bisitahin kami roon sa bahay ni Damon kahit kailan, at ganoon din ang gagawin namin ni Damon. Pumayag naman sila.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...