27

105 4 0
                                    

"Hindi mo pa ba nasasabi sa mga kaibigan mo na nandito ka na sa Pinas?" Tanong sa akin ni Kuya Sandro kaya napatingin ako sa kanya.

Umiling ako. "Not yet, Kuya. Pero alam nilang uuwi ako this month, hindi nga lang nila alam ang exact day." I giggled. "Hindi nila alam na nandito na ako ngayon."

"Speaking of your friends, anak, nag-message nga pala si Naomi sa akin kagabi. She was asking kung kailan ang uwi mo dahil gusto ka nilang i-surprise." Wika naman ni Daddy at sunod ko siyang tiningnan.

"Ano po ang sinabi mo, Daddy?"

Umiling siya at nagpatuloy sa paghihiwa ng kinakain niya. "Hindi ko na siya nagawang reply-an dahil inaantok na ako at tinatamad akong magpindot."

Natawa ako sa sinagot ni Daddy. Oh, poor Daddy. He's really an old man na talaga! Tinatamad na siyang maghawak ng phone at pumindot. Naalala ko ngang sabi ni Kei sa akin noong kauuwi ko, na hindi na pwedeng sumipa ng ball dahil sasakit ang back at legs nito. One time when they were playing soccer, my nephew said. That was just cute, though.

"Bakit? Wala ka bang balak ipaalam sa kanila, little sis?" Tanong naman ni Kuya Augustus sa akin at umiling ako.

"No naman po, Kuya. Ang plano ko nga ay ngayon sabihin sa kanila! Medyo nag-a-adjust pa ako ngayon sa time, e." Sagot ko at medyo natawa.

Sa layo ba naman ng agwat ng time ng San Francisco at Pinas, inaamin kong hindi ko pa ring magawang sundan ang matagal ko nang kinagawian. Umaga rito, gabi roon. Hapon dito, madaling araw doon. At ang sarili ko ay oras pa rin doon sa Cali ang galaw. Kaya nga madalas ay tulog ako kapag hapon at sa gabi ay gising na gising, hanggang madaling araw.

"Sanayin mo ulit, kapatid." Natatawang sabi ni Kuya Sandro.

Tanghali, we are having our lunch. Ako, si Daddy, Kuya Sandro, Ate Seline at Kuya Gus. Wala si Kuya Gavin dahil siya ang pinaka-busy sa amin dito. Pero nahahagilap ko pa rin naman siya dahil madalas siyang magpunta rito sa umaga bago dumiretso office niya. Though, kahit may sarili na siyang bahay, nagpupunta pa rin siya rito para bumisita at madalas ay dito kumain with his family. Na siyang madalas mangyari simula nang pagkauwi ko rito sa Pinas.

Si Kuya Gus, though, may sariling bahay na rin siya with his family, bumibisita pa rin siya rito. Siya at kasama ang asawa't anak niya. Si Kuya Sandro ang naiwan dito sa bahay namin, dito siya nakatira, sila ni Ate Seline at ang baby nila. Mabuting dito dahil bukod sa may kasama si Daddy, naaaliw si Daddy dahil may isa siyang apong araw-araw niyang nakikita. Lalo na't matagal akong nawala rito..

"Talagang kailangan ko nang sanayin. Hindi po pwedeng aantukin ako kapag start na ng internship ko kay Kuya Gavin!" Sabi ko pa sa kanila.

"Sabihin mo lang kung sungitan ka ni Kuya Gavs, ha? Ako ang susugod sa opisina niya."

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Kuya Sandro, pati si Ate Seline. At dahil nagawi na sa usapang internship, ito na ang sumunod naming topic ngayon dito sa dining table.

Next week ang plano kong mag-apply for internship doon sa company ni Kuya Gavin. Wait, apply? Need ko pa bang gawin iyon, kung sure namang makakapasok ako roon sa company mismo niya, namin? Tsk, what an advantage. Kahapon, napag-usapan na rin namin ito at sinabi niyang sabihan ko lang siya kung kailan ko na gustong mag-start.

Sa ngayon, bukod sa pag-a-adjust sa time, hinahanda ko na rin ang sarili ko para sa internship na kailangan kong gawin sa loob ng three months. I am required to complete 550 hours of training and in line with that, hindi lang basta proof na nasa office ako't nagtatrabaho ang kailangan kong ipakita. Dahil may kalakip na documents din ang internship kong ito, what I am talking about is the weekly journal and some reflection papers about how's it going.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon