17

130 2 0
                                    

Nakangiti ako ngayon habang naglalakad papunta sa classroom. Ewan ko pero ramdam ko lang na masaya ako ngayong araw! Wala akong negative vibes na nararamdaman at naiisip!

Pagdating ko sa classroom, agad na akong dumiretso sa proper seat ko. Pero hindi pa ako nakakalapit, kumunot ang noo ko nang makita kong may lalaking nakaupo rito sa tabi ko which is pwesto ni Oliver. Sino naman ito? Naka-uniform siya na parang sa akin pero hindi ko masabing classmate ko dahil hindi ko kilala. At hindi ko makilala dahil nakatalikod siya sa gawi ko. Nang lapitan ko, tinanong ko na siya.

"Excuse me?"

Lumingon siya sa akin at kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Napakurap-kurap ako, totoo ba ito? Totoo bang si Oliver ang nakikita ko? Na nagpagupit?!

"Oliver?!" Gulat na banggit ko sa pangalan niya at napaupo na ako sa upuan ko. "Gosh, hindi kita nakilala! Akala ko, ibang tao. Paaalisin sana kita rito eh."

Natawa siya sa sinabi ko at inumpisahan kong tingnan ang bawat detail ng hairstyle niya. Hindi siya type of haircut na clean cut, mahaba pa rin siya pero ang linis tingnan. Ngayon, para na talaga siyang KDrama star tingnan! Hindi ko nga siya nakilala!

"Nagpagupit ka na.." Sabi ko habang tinitingnan pa rin ang buhok niya.

"Yeah. Naisipan ko lang na paikliin nang ganito." Sagot niya sa akin at bumalik ang mga mata ko sa kanyang mga singkit na matang kitang-kita ko na ngayon dahil hindi na siya ganoon natatakpan ng buhok niya.

Mas naging gwapo siyang tingnan ngayon.

Napatitig ulit ako nang ilang segundo, hanggang sa ma-realize ko na hindi ako makapagsalita, dahil sa sobrang amaze ko sa pagpapagupit niya. Siguro ay dahil matagal ko nang iniisip si Oliver sa ibang haircut? At ngayon, nangyari na! At kailangan kong titigan mabuti ang look niya ngayon!

"Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan, Agatha." Bigla niyang sabi at natawa kaming dalawa roon.

"New haircut ka kasi. Bagay mo rin ito, Oliver!" Puri ko sa kanya at napailing na lamang siya.

Akala niya siguro, binobola ko siya pero totoo kaya! Sa curious ko, tinanong ko sa kanya kung bakit ay nagpagupit siya ngayon? Pero napansin na naman niya ang pagtatanong ko sa kanya ng random questions. Anong random?! Random pa iyon sa lagay na ito?

"Wala, naisip ko kasi 'yong babaeng curious kung ano ang hitsura ko sa ibang hairstyle, kaya ito." Sagot niya sa akin at unti-unti na namang nanlaki ang mga mata ko.

Paanong hindi lalaki sa gulat sa sinabi niya, mukhang ako yata ang babaeng curious na sinasabi niya! Ako ba? Dahil kung ako, hindi ko alam ang ire-react ko!

"Hala, ako ba iyan?" Tanong ko na sa kanya at natawa siya. "Hala! Napilit ka ba ng curiosity ko, Oliver? Ba't mo iyon napansin? I'm just curious lang talaga! Baka napilitan ka lang na magpagupit para pagbigyan ako. Kasalanan ko?" Ngumuso ako.

Natawa ulit siya sa mga sinabi ko. "Hindi, binibiro lang kita. Gusto ko rin naman talagang magpagupit." Sabi niya at nakahinga ako nang maluwag.

Mabuti at kakaunti pa kaming nandito sa classroom, at malayang nakikipagdaldalan sa kanya habang wala pang professor na dumarating. Palagi naman na naming gawain ito ni Oliver, hindi mapapanis ang laway niya dahil sa akin na madaldal at maraming tanong! Kaya nga kami naging close ay dahil sa pagtatanong-tanong ko sa kanya, mostly ay random questions na.

"May tattoo ka pala rito.." Sabi ko nang mapansin ko ang maliit na mark sa bandang wrist niya. Red tattoo ito, maliit lang na circle.

Kinuha ko ang kamay niya para mas tingnan ito at nang ibalik ko ang mga mata ko sa kanya, nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon