Monday, magkasama kami ni Damon. Nandito kami ngayon sa car niya, ito, kumakain kami ngayon ng lunch namin! Kanina, ni-message niya ako na puntahan ko siya rito sa parking lot at sumakay dahil sabay kaming magla-lunch. Akala ko noong una, kakain kami sa labas o sa condo unit niya, not until nang makita kong may pagkain na rito sa car niyang binili niya. Pizza at buffalo wings!
Habang inuubos ko ang kinakain ko pang pizza, nailang ako nang mapansin kong nakatitig na siya sa akin. Umiwas ako ng tingin pero bumalik din sa kanya kaagad.
"Why?" Tanong ko sa kanya habang ngumunguya.
"Wala, ang ganda mo lang talaga."
Namula ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin, narinig ko siyang tumawa. This boy and that line! Napapadalas na ang line niya na iyan ah! Sa tuwing tinatanong ko kung ba't siya nakatitig, puro puri sa akin ang sagot. But I like it, nagagandahan siya sa akin.
That's it, Damon. Magandahan ka lang sa akin, sa akin lang dapat.
Bumalik ang mga mata ko sa kanya at nakatitig pa rin siya sa akin, nag-smile na lang ako sa kanya. Sexy smile.
"Hindi ka ba talaga makakapunta sa akin kapag Thursday? Kahit one night lang, babe?" Pagtanong na niya at umiling ako.
"Hindi talaga pwede eh.. I hope you understand that, Damon." Sagot ko at tumango naman siya.
Seriously, gusto kong mag-stay sa kanya kahit one night lang, pero hindi pwede! Nagpipigil akong gawin iyon dahil ayaw ko lang talagang may makahalata sa ginagawa ko. Napangiti ako nang lihim, I think malulungkot si Damon dahil hindi niya ako makakasama nang ilang days and nights. Nasanay na rin ata siyang kasama ako, katabi ako at kayakap kapag natutulog.
"No worries, I'm just making it sure."
Nakita kong inabot niya ang tissue, akala ko kung saan niya gagamitin ito pero nagulat ako nang lumapit siya sa akin at pinunasan ang gilid ng lips ko.
"May sauce ka rito.." He whispered while wiping my lips.
"Thank you." Sabi ko sa kanya pagkatapos niyang punasan ito.
Umiwas ulit ako ng tingin pero bumalik din sa kanya, nakangiti na siya habang nakatitig pa rin sa akin. Inalok ko sa kanya ang pizza na kinakain ko at ngumanga siya. Natatawa akong sinubuan siya at nang kumalat din ang sauce sa gilid ng lips niya, ako naman ang kumuha ng tissue upang punasan ito.
Now, kumusta na kaya sina Naomi na alam kong ako ang topic nila ngayon? Kanina kasi, bago ako umalis after kong ipaalam sa kanila na si Damon ang kasabay ko for lunch, inaasar na naman nila ako. But I am happy dahil okay na kaming apat after what happened last week.
Natutuwa ako habang patuloy na sinusubuan si Damon ng pagkain. Pagkaubos niya ng isang wings na hawak ko, binitawan ko na ang buto. Pero nagtaka naman ako nang kunin niya ang kamay ko at nanlaki ang mga mata nang dilaan ang daliri ko dahil sa sauce na naiwan. Imbes na mahiya ako, natawa na lang ako at nagustuhan ko pa ang ginagawa niya. Bahagya namang uminit ang mga pisngi ko.
Dumako naman ang tingin niya sa tiyan ko. "Sooner or later, mukhang sisikip na 'yang uniform mo. Lalaki na ang tiyan mo."
Naging tipid ang ngiti ko sa sinabi niya. "Yes.." Tanging nasabi ko.
"'Yung check up nga pala, kailan?"
Sunod na naging topic namin ay tungkol sa batang dinadala ko, nang bigla ko namang maisip na minsan siyang nakita nina Kuya Gavin at Isaac sa baby store sa mall. Kung ano ang ginagawa niya sa baby store, hindi na katanong-tanong. Alam kong tulad nina Kuya Gavin, nagtitingin din siya ng gamit ng baby. That was just a soft moment of him.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...