10

155 2 0
                                    

Twelve midnight na pero gising na gising pa rin ako. Hindi ako makatulog. Ilang oras ko nang iniisip 'yong kaninang nangyari at sa ilang oras ko na itong iniisip, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tapos sa kaiisip?!

Sinabi ko kay Damon na buntis ako. Sinabi ko na sa kanya.. At sa tuwing naaalala ko ang reaksyon niya, kinakabahan ako. What if.. What if hindi niya matanggap? What if.. What if mas hindi niya ako pansinin nang dahil doon?

Given naman nang magugulat talaga siya sa ni-reveal ko sa kanya. In-assume ko rin na baka i-deny niya pa na hindi siya ang Daddy ng dinadala ko! Pero hindi, nagulat lang siya at naiwan siyang tulala pagkatapos kong sabihing buntis ako and he's the father. Iniwan ko siyang tulala roon.

Gosh, nakauwi kaya siya nang maayos? Dahil ako, hindi ako nakauwi nang nasa sarili. Napansin ni Daddy na para akong natataranta na ewan, pero nagdahilan lang ako ng kung ano-ano.

Mula sa pagkakahiga, napaupo ako, kinagat ko ang lower lip ko dahil nagsisimula na naman akong mataranta. Gusto ko sanang sabihin sa sarili ko na hindi ko na alam ang gagawin ko, pero ginawa ko na.. Nagawa ko na. At kailangan kong panindigan ito dahil kasalanan ko rin naman. Kasalanan ko..

Bumalik ako sa pagkakahiga ko at muling napaisip. Napahawak ako sa tummy ko at hinaplos ito. Pumikit na lang ako para magpadalaw ng antok, hanggang sa tuluyan na nga akong makatulog.

Kahit kulang ako sa tulog, maaga akong nagising. At habang ino-open ko ang phone ko, kinakabahan ako dahil sa umaasa akong baka may message ako from Damon kagabi pa, pero wala naman. Siguro ay shocked pa rin siya. Nakatulog ba siya nang maayos? Or tulad ko, hindi?

White long sleeve polo, brown pencil skirt and dirty white vest ang napili kong isuot ngayon. Friday naman kaya hindi uniform day, magiging pasaway lang ulit ako for our PE subject. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, napatitig pa ako sa salamin.

Tiningnan ko ang ayos ko, hanggang sa mapatanong. Magkikita ba kami ni Damon ngayon? Ngayon na nasabi ko na sa kanyang buntis ako, ano kaya ang susunod na mangyayari? Siguro naman ay hindi niya na ako iiwasan! Ayaw niya naman siguro kami pabayaan ng baby naming dalawa?!

Kinilig naman ako sa "baby namin." At dahil may rason na talaga para hindi niya ako iwasan, dapat ay matuwa na ako! Yes, I should be happy starting today!

Nakarating ako sa university, hindi na ako nakakaramdam ngayon ng kaba. At kung magkasalubong man kami ni Damon ngayon, siya na lang ang kakabahan. Nang makapasok ako sa classroom, agad akong sinita ni Naomi, napansin niya ring masaya ako ngayong araw.

"Oh, ang saya mo yata ngayon, Agatha? At maaga ka, puntahan mo muna 'yong hindi mamatay-matay na pagtingin mo kay Damon."

Natawa ako sa huli niyang sinabi. As if naniwala naman siya sa akala nina Elisse na hindi ko na crush si Damon?! Na na-turn off na ako kay Damon? No way! Dahil ngayon, mas nagustuhan ko na siya! Gustong-gusto ko si Damon!

"Palibhasa kasi, natikman na."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mabuting iilan pa lang ang nanditong kasama namin sa classroom. At wala pa ang dalawa! Pabulong lang niyang sinabi iyon. Sinaway ko siya at inirapan lang niya ako.

Hindi alphabetically arranged ngayon kaya katabi ko ang friends ko. Bigla ko namang naisip si Oliver, wala pala siya ngayon dito sa university na ito, nasa kabila siya. Hanggang ngayon, naa-amaze pa rin ako dahil dalawang course ang pinagsasabay niya. At naa-amaze ako sa mga kwento niya about sa pagpapalipad niya ng plane! Sabi ko sa kanya, gusto kong sumama sa kanya at panoorin siya one time. Pumayag naman siya at sinabing sabihan ko lang siya kung kailan.

First class, done. Now, second class na namin before our lunch break. At habang nagdi-discuss ang prof namin, na-distract ako sa bulong-bulungan ng classmates ko.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon