46

167 2 1
                                    

"Oh, I like this one.." Bulong ko sa sarili nang makita ko ang trench coat na kumuha ng attention ko rito sa site kung saan ako nagsha-shop ngayon, online.

Pagkatapos kong suriin ang coat, I added it to my cart. Nang mapansin ko na marami na palang items sa cart ko kaya I checked these items out. Medyo nalula ako nang umabot sa 65,000 mahigit ang total ng bibilhin ko pero itinuloy ko. Napalingon ako sa side table nang mag-ring ang phone ko kung saan ito nakapatong. Itinabi ko ang laptop ko para kunin ito at sagutin.

"Hi, boyfriend!" Bati ko sa tumawag. Sino pa ba? It's my Lewis.

"Hello, baby. What are you doing now?"

"Ito, kakatapos ko lang mag-check out ng outfits ko sa trip natin." I chuckled, and so he was. "You? Nalampasan mo na ba ang super busy phase mo today, Mr. Salvador?"

"No, not yet, babe. Gusto ko lang munang magpahinga kaya tinawagan kita." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I want to hear your voice, Agatha."

"Oh, Lewis.." Hindi ko mapigilan ang paglawak ng ngiti ko dahil sa huling sinabi niya.

Sinabi niya, gusto niyang marinig ang boses ko kaya sinimulan ko na siyang kwentuhan ng kung ano-ano. Kung ano-ano lang talagang mapulot ko, na para bang hindi kami magkasama kanina lamang dahil dito siya sa bahay natulog! And later ulit, dito siya uuwi at magpapalipas ng gabi.

Simula nang unang gabi ni Damon dito sa bahay, nasundan iyon nang nasundan hanggang sa mapadalas na ang pag-stay niya rito. Okay lang naman kay Daddy, except kay Kuya Gus at Kuya Sandro na alam kong may say pa rin dahil hindi pa rin ganoon kabuo ang pagtanggap nila kay Damon as my boyfriend and as the father of my baby. I know dahil ramdam ko, at naiintindihan ko.

Okay lang naman iyon dahil alam kong kailangan pa nila ng panahon para gumaan ang loob at pakikisama nila kay Damon. At simula nang maging kami ni Damon, nakikita ko naman kung gaano pinagtatrabahuan ni Damon na tuluyang makuha ang loob at tiwala ng pamilya ko.

Pati nga ang mga pamangkin ko ay kinukuha niya ang mga loob nito. He's been spoiling them ng mga pasalubong na pagkain! At sa tuwing nakikita ko ang moment na nakikipag-interact siya sa mga pamangkin ko, hindi ko mapigilang isipin na very father figure na siya.

'Yung sinasabi niyang hindi niya kayang maging ama? Sino ang may sabing hindi? Eh, sa nakikita ko pa lang sa kanya at sa mga pamangkin ko ay oo na kaagad!

"Ano ang gusto mong kainin mamaya? Any cravings, babe? At nang mabili ko bago ako umuwi riyan." He told me and I yawned.

"Just ice cream, babe." Sagot ko at inabot ang unan para ipatong sa tiyan ko. "Tanungin kita, ano ang flavor na gusto mong kainin ko?"

Narinig ko ang pagtawa niya. "Ako talaga ang tinatanong mo, babe?"

"Yup." Bumungisngis ako. "Wala kasi akong maisip na gusto kong kainin, o baka itong pagtatanong ko lang din mismo sa iyo ang gusto kong gawin. I'm buntis. Naa-understand mo ba, Lewis?"

"Yes, naa-understand ko, my pregnant woman."

Natawa ako sa sinagot niya sa akin. Oh, mabuting naiintindihan niya ako bilang buntis ako! Siguro ay nakinig talaga siya sa lahat ng payo ng OB ko noong check up and that was days ago.

Naging maayos naman ang check up, the baby inside me is just two months at ang sabi ni Doc ay hindi ako ganoon kaselan ngayong first pregnancy ko ito and that's good. 'Yung naging check up ay naging more on advise ng obstrecian ko sa pagkain.

Nalaman ko na hindi pala porke't buntis ay pwede nang kainin lahat ang gusto na base sa cravings, dahil hindi pala lahat ay pwedeng kainin ng buntis. Ang sabi ni Doc ay iwasan ko muna ang pagkain ng seafood, especially kung raw or undercooked ito. Pati processed food ay bawasan muna sa pagkain, at marami pang ibang sinabi ang obstrecian ko. At pinayagan ako sa pag-travel namin papunta sa Italy.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon