50

162 3 2
                                    

"How's my baby? Ayos lang ba siya? Hindi naman siya nasaktan, 'di ba? How's my baby?" Paulit-ulit kong tanong sa mga kasama ko at pilit naman nila akong pinapakalma.

"Anak, you need to relax. Masama sa'yo ang nag-aalala. Kumalma ka muna." Sabi ni Daddy pero naluluha na naman ako.

"Agatha, the baby is fine. Papunta na rito si Dra. Domingo para kausapin tayo." Sabi naman ni Kuya Gus at mas lalo akong kinabahan.

I know the baby is fine pero kinakabahan pa rin ako sa tuwing naiisip ko 'yong pagdurugo ko kanina. Bakit iyon nangyari? Ano ang ibig sabihin nun? Did I hurt the baby kaya ako dinugo? O may nakain akong hindi dapat pwede? O nagawa? I don't know.

"Humiga ka muna, babe.. Please calm down, Agatha." Parang nagmamakaawa rin namang sabi ni Damon sa akin na naririto sa tabi ko, sa hospital bed na kinauupuan ko.

Sinunod ko naman siya, humiga ako habang mahigpit pa rin ang hawak ng kamay naming dalawa sa isa't isa. Aalis sana siya sa tabi ko para lumipat sa upuan na narito lang din sa tabi ng kama pero hindi ko hinayaan. Sinabi kong dito lang siya sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa hospital, pagkatapos kong makita ang dugo na nagmula sa akin, sumigaw ako. Alam kong hindi malakas ang sigaw ko para marinig ni Damon at Daddy sa ibaba. Pero ang hindi ko alam, sa minutong nasa bathroom ako, mabuting nakasunod na rin si Damon sa akin sa kwarto namin. Kaya narinig niya ako at kaagad na pinuntahan.

Halos umikot ang paningin ko pagkakita ko ng dugo sa undies ko at ang dugong sumabay sa pag-ihi ko. Nakita rin iyon ni Damon at halos takasan din siya ng kaluluwa niya. Kaagad niyang inayos ang suot ko at walang sabi-sabi ay binuhat niya ako pababa, nakita ko rin ang buong pag-aalala ni Daddy, kaya kaagad na nila ako itinakbo sa hospital.

Naramdaman ko ang pagpunas ni Damon sa luhang tumulo sa aking pisngi, pagkatapos ay hinalikan ang kamay kong hawak niya. Tanaw ko rin ang pag-aalala pa rin si Daddy sa akin, at pati na rin si Kuya Augustus na naka-lab coat pa. Right, dito nga pala sa hospital na ito sila nagtatrabaho ni Kuya Sandro. At nang malaman nilang isinugod ako rito ay kaagad nila akong pinuntahan.

Kanina, may test na ginawa. Pero hindi ko alam kung ano iyon. At ngayon, sinabing kailangan akong pagpahingain muna rito sa hospital bed. Hindi ko alam kung ia-admit ba ako rito. Wala namang dextrose na tinurok sa akin.

Tahimik lang kaming apat dito sa silid, nakatingin lang sa akin ang tatlong kasama ko. Nang tingnan ko naman ang tiyan ko ay hinaplos ko ito.

Baby, please be strong. I'm sorry if Mommy did something wrong kaya ka nasaktan.

Ilang saglit ay bumukas na ang pinto, napaupo na ako nang makita kong si Dra. Domingo na ito at nakasunod si Kuya Sandro sa kanya. Inalalayan ako ni Damon na maging maayos at kumportable ang pagkakaupo ko.

"Doc, how's our baby? Is she okay?" Tanong ko kay Dra. Domingo nang makalapit na siya sa akin.

"Yes, Agatha, the baby is fine. There's nothing to worry about. And the thing is, malakas ang kapit ng baby kay Mommy! The baby's going to be a healthy baby!" Nakangiting sabi niya sa akin at kahit papaano ay kumalma na ako.

Lumingon ako kay Damon at nakangiti na rin siya dahil sa kanyang narinig, hanggang sa lingunin niya na rin ako at hinaplos niya ang pisngi ko.

Pero nang maalala ko na naman ang dugo ay napaisip ako at napatanong, bumalik ang tingin ko kay Dra. Domingo.

"But the bleeding, bakit po iyon nangyari, Dra. Domingo? Bakit ako dinugo?" May pag-aalala sa tono ko, hindi ko pa rin maalis. Siguro ay matatanggal na lamang ang pag-aalalang ito kapag nalaman ko na ang sagot.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon