"Happy birthday, Agatha!"
Bati sa akin nina Dahlia nang makalapit ako sa kanila. Isa-isang yumakap sa akin na tatlo at humalik pa sa cheek ko. They are the sweetest tho, kahit madalas ay puro kalokohan ang naiisip. Lalo na si Naomi, na madalas ay bully sa akin!
"We have gifts for you! Tada!"
Ibinigay nila sa akin ang isang malaking paper bag, nanlaki pa ang mga mata ko nang mabigat ito. Woah, what's this? Akmang bubuksan ko na sana nang pigilan nila ako at sinabing sa house na lang buksan dahil late na kami, oo nga rin.
Sakto na nandito pa ang driver ko na kahahatid sa akin, kaya binilin ko ang gift ng friends ko na pakiuwi at pakilagay sa room ko. At pagbalik ko ulit sa tatlo, patawa-tawa sila, kaya nagtaka ako.
"What's mayroon?" Tanong ko sa kanila dahil parang may alam silang hindi ko alam!
"Wala, nae-excite lang kaming makita mo ang gifts namin. Lalo na 'yong galing kay Dahlia!" Sagot ni Elisse kaya para akong nagsisi kung bakit ay sinunod ko ang gusto nilang sa bahay ko na lang buksan ang binigay nila.
Gosh, naibigay ko na sa driver ko, at wala na siya rito! Umalis na! Tawagan ko kaya siya na bumalik dito? Nah, pahihirapan ko pa si Kuya. Pero bigla na 'kong na-curious! At nae-excite na din ako! Ano ba iyon?!
"Ano iyon? Nakakainis kayo!" Reklamo ko at tumawa sila.
"You'll see, Agatha!" Kindat ni Dahlia at napasimangot ako.
Mukhang hindi yata ako makakapag-focus this day dahil sa curiosity na ito! Argh! These three! Ano ba kasi iyon?! Parang gusto ko na tuloy mag-cut para umuwi na lang at tingnan kung ano ang mga ibinigay nila sa'kin!
Pero no pala, may isa pa 'kong purpose sa pagpasok ko ngayong birthday ko. It is to see Damon! Dahil friends na kami sa Facebook, I am hoping na mag-notify sa kanya na birthday ko and he's gonna greet me today kapag magkakasalubong kami. Or even sa Facebook or Messenger! Kahit ano, basta babatiin niya 'ko.
Napangiti ako, I just can't believe na friends na kami ni Damon Lewis Salvador! Oh, gosh. Iisipin ko sanang ang tanga ko sa part na hindi ko man lang naisip na ulitin ang pag-send ng friend request ko sa kanya, pero perfect time din na ngayon kami naging friends. Dahil hindi lang naman sa FB ang naging interaction namin, noong day na nanood ako ng training nila sa natatorium. Nang malapitan! At nagkausap pa kami, at ni-tease niya pa ako!
Napakaagang birthday gift naman iyon for me!
Nang makapasok kami sa classroom, my classmates greeted me a happy birthday. Nagpasalamat ako sa kanila, at ilang saglit ay dumating na ang professor namin and we started our discussion.
Pero sa kalagitnaan ng pagtuturo, may nag-excuse from the door. Napatigil ang prof namin at napatingin kaming lahat sa taong ito. Isang lalaki, I think he's a student. Yes, he is! At ka-course namin dahil naka-uniform din siya ng pang-Tourism for the boys. Pero hindi ko masyado makita ang lalaki kaya hindi ako sigurado kung kilala ko ba siya or hindi.
"Ah, okay, okay. Join the class, Mr. Dela Peña." Narinig kong sabi ni Ma'am at nang pumasok na ang lalaki, kumunot ang noo ko hanggang sa makilala ko siya.
Yeah, right! Kilala ko siya, siya 'yong swimmer din like Damon! Siya 'yong ka-block ko dati sa ilang subjects ko dati, kung natatandaan ko pa. Last year iyon, pero hindi ko na alam kung what subjects.
"Oh, blockmate ulit natin si Oliver, girls. Cute niya rin eh." Narinig kong sabi ni Elisse at sinaway siya ni Dahlia.
Yeah, Oliver nga ang name niya. Ngayon ko na lang ulit nalaman!
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...