I am now wearing a white chiffon dress, a perfect fit for tonight's family dinner. Hanggang kalahati ng hita ang haba, color white siya at may design na daisy flowers, at bubble sleeves ang style nito. Nag-curl ako ng buhok at nagsuot ng necklace na ang design ay airplane. Nang matapos na ako, tiningnan ko sa salamin ang sarili ko, tinitingnan kung may nakalimutan pa ba akong gawin.
Flat sandals naman ang suot ko sa ibaba. Hassle pa kung mag-heels pa 'ko. Halos parati na nga 'kong naka-heels sa school. Naglagay din ako ng light makeup para pretty naman ako tingnan. Pero panigurado, pagkalabas ko rito sa room ko at makita ako ni Kuya Sandro, aasarin na naman ako ng kung anong pang-asar na mapapansin niya. Kinuha ko na ang Louis Vuitton sling bag ko at bago pa ako tuluyang lumabas, I took a mirror selfie of myself with this look.
Hindi pa man ako nakakababa, nakakunot na ang noo ni Kuya Sandro sa suot ko. Nandito na rin sa baba si Daddy, ako na lang pala ang hinihintay nila.
"I'm sorry po, matagal po ba ako?" Tanong ko kay Daddy pero umiling siya, at inalok na ang braso niya para kapitan ko.
Lumapit na ako kay Daddy at kumapit sa arm niya, pero bahagya namang hinawakan ni Kuya ang hair ko! Argh! Balak pa yatang sirain!
"Kuya!" Mahinang saway ko sa kanya.
"Nagkulot ka pa ah. Dinner lang tayo, pero parang party ang pupuntahan natin dahil sa ayos mo."
I rolled my eyes, 'coz I am right! Aasarin lang niya ako nang aasarin kung ano ang mapapansin niya. But duh? Sanay na 'ko! Sa pagiging pilya ko naman, maaasar ko rin siya, 'no.
"Eh, bakit kapag date ninyo ni Ate Seline? Nakaayos ka rin naman! Ang tapang pa ng pabango mo, Kuya. Mabuti, hindi nahihilo si Ate Seline sa'yo." Sumbat ko sa kanya at hindi na ako nakailag nang pisilin niya ang ilong ko. "Kuya!" Saway ko ulit at sinumbong kay Daddy. "Daddy oh."
Natawa si Daddy at sinabing sumakay na kaming tatlo sa sasakyan at baka ma-late pa kami sa family dinner namin with Kuya Gavin's family. Pero bago kami lumabas, binilin ko kay Manang 'yong cat ko na pakibantayan. Pero behave naman si Cleo. She's a white persian cat, by the way.
Habang byahe, nakasandal lang ako sa balikat ni Daddy. Nang ma-bore ako ay in-open ko ang cam at inalok si Daddy na mag-selfie. Gusto naman niya.
Ang gwapo kaya ng Daddy ko, hindi mukhang senior citizen. Natawa ako sa isipan ko dahil doon. Narinig ko naman ang pagtatampo ni Kuya Sandro na nasa kabilang side ko, kaya kinuhanan ko na lang din siya ng picture na stolen shot. 'Yung bad shot! Tapos send ko kay Ate Seline.
"Oh, pupunta rin po pala si Kuya Gus, Daddy. On his way na rin doon sa hotel, ayos." Narinig kong sabi ni Kuya kaya mula sa phone ay bumalik ang tingin ko sa kanya.
Pupunta rin si Kuya Augustus, so complete kami tonight? Wow, ang saya naman pala. Sayang lang, si Ate Gabriela, siya lang ang wala rito. Minsan lang naman umuwi si Ate rito sa Pilipinas, madalas sa Pasko or sa birthday ni Daddy. Pero noong debut ko, umuwi siya rito for me. Doon na kasi siya nakatira sa California with her family.
Sa birthday ko kaya this year, uuwi si Ate? Bigla naman akong na-excite, pero unti-unti ring nawala ang excitement na iyon nang may isa akong maalala.
"Agatha, are you okay?"
Agad akong napalingon kay Daddy nang tanungin niya iyon sa akin, mukhang napansin niya yata.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo." Sabi pa niya sa akin. Umiling ako at sumandal na lang ulit sa balikat niya.
Habang byahe, nagkukwentuhan si Daddy at Kuya Sandro. Hindi naman nila ako tinatanong kaya nagpaka-busy na lang ako sa pagpo-phone. Ka-chat ko ang tatlo, si Dahlia, Elisse at Naomi. We have a group chat, sinend ko sa kanila ang outfit ko.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...