33

138 4 0
                                    

Kanina pa bad mood si Damon, halatang bad mood dahil sa naririnig naming pagsisigaw niya sa mga empleyado niya rito dahil sa hindi niya nagugustuhan ang maraming papers na kailangan niyang basahin at pirmahan. Pero ano ang magagawa niya? Siya ang CEO rito! Nagrereklamo talaga siya? Sa amin?!

Lunes na Lunes, ang pangit ng mood niya. Ang ibig sabihin, buong linggo siyang ganyan! Bahala siya sa buhay niya, ginusto naman niya iyan.

"Nakakatakot naman si Mr. CEO!" Narinig kong sabi ng isang empleyado rito.

"Kaya nga. Ano ba 'to? Buong araw na naman akong kakabahan. Pasensya ka na, Agatha, ha? Ganito talaga si Mr. CEO kapag maraming gawain, e." Sabi naman ni Miss Mia at napatango na lamang ako.

So, normal na pala itong ugali na ito ni Damon? Dahil sa totoo lang, ako itong naninibago. Hindi ko naman naiisip na ganito siya, ito bang nai-stress na siya sa work pero idinadaan ang galit sa mga empleyado niyang wala namang kasalanan kung bakit marami siyang kailangang trabahuin!

At sige, ikumpara ko siya kay Kuya Gavin, sobrang layo nilang dalawa sa isa't isa! I wonder kung paanong nakakayanang makisosyo ni Kuya sa lalaking ito?

"Ikaw ba, Agatha, hindi ka ba natatakot sa kanya? Lalo na't ilang saglit, ipapatawag ka na naman doon sa opisina niya."

Natatakot? Ako? Sa kanya? Parang hindi ko maramdaman iyong takot sa kanya. Hiya at ilang, posible. Pero takot? Paanong matatakot ako kung isang sumbong ko lang sa kung sinong Kuya ko ay susugod dito sa kanya? Siya ang dapat matakot!

"Ahm, medyo lang po." Sagot ko na lang sa kanila at hindi na nga nagkamali si Miss Mia nang ipatawag na ako ni Damon sa loob ng opisina niya.

Medyo kinakabahan lang ako pero hindi ako natatakot. At bakit naman ako matatakot sa kanya kung sigawan niya rin ako ngayon, may mali ba akong nagawa sa kanya?

"Good morning, Sir.." Bati ko sa kanya at hindi niya ako pinansin dahil tutok lang ang atensyon niya sa binabasa niya.

Dumiretso na ako sa sofa kung nasaan ang sandamakmak na papel na aayusin ko, ito 'yong mga hindi ko natapos last Friday. Hindi ko na kailangan pang tanungin kay Damon kung ano ang gagawin ko rito, at isa pa, paniguradong hindi niya ako iimikin kung magtanong man ako dahil bad mood siya ngayon.

Habang ino-organize ko ang mga papel, aksidenteng napatingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin din sa akin ngayon. Umiwas ako ng tingin, hanggang sa silipin ko ulit siya, at nakatingin pa rin talaga siya sa akin hanggang ngayon!

Tinaasan ko siya ng kilay pero umiwas lang din siya ng tingin mula sa akin, nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko. Nang bigla niya akong tawagin, kaya tumayo ako para lapitan siya sa table niya.

"Bakit? Ano po ang--"

"Was that your child?"

Hindi ako nakasagot sa tinanong niya sa akin, inakala ko pang may kausap siya sa telepono pero wala naman. Tinanong niya iyon sa akin habang nagbabasa pa rin, at nang malaman niyang hindi ako sumagot, tiningnan niya nang muli ako.

"May anak ka na pala."

Nagtataka ako sa sinabi niya, hindi ko makuha. I am so confused! Ano ang tinatanong niya at anong anak ang sinasabi niya?

"Ha?" Nagtataka ko pang tanong sa kanya hanggang sa malaman ko na kung ano ang tinutukoy niya.

Ah! Ang tinutukoy niya ay 'yong Saturday na nagkita kami roon sa mall, at narinig niyang tinawag akong "Mommy" ni Vivienne! Wait, inaakala niyang anak ko si Vivienne? Really?!

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon