40

177 3 2
                                    

"Sigurado ka bang sasama ka roon sa conference nila Kuya Gavin, Agatha?"

Napatigil ako sa pagkain ng ice cream nang tanungin ako ni Kuya Sandro tungkol dito. Tumango ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit ay hindi maipinta ang reaksyon niya.

"Pang-ilang tanong mo na iyan, Kuya Sandro. Why ba?"

"Baka ma-bored ka lang doon, saka baka mabwisit ka lang din. Alam mo na, may isa roong asungot na a-attend din." Sagot niya at medyo natawa ako.

Kahapon pa ako tinatanong ni Kuya Sandro about sa decision kong sumama kay Kuya Gavin sa conference na mangyayari bukas ng gabi. Ayun, nagkakampihan na naman sila ni Kuya Augustus, ini-encourage akong huwag nang pumunta at alam ko naman ang dahilan kung bakit, dahil pupunta rin si Damon doon.

Buong akala ko, wala na silang issue kay Damon ngayong kinaya ko nga ang tatlong buwan na maging intern sa kumpanya ni Damon! Hindi pa pala, para pa rin silang hindi mapalagay kay Damon. Ganito ba talaga sila ka-protective sa akin?

"Kuya, kasama ko si Kuya Gavin doon at hindi naman niya ako pababayaang ma-OP doon. At ang isa pa, that will be a nice experience for me kung makapunta ako roon. Excited na nga ako, e." Nakangiting sabi ko kay Kuya Sandro.

Of course, kasama ko si Kuya Gavin sa pag-attend doon sa conference. Ang pagkwento sa akin ni Kuya Gavin kahapon, normal na ang ganoong kaganapan kung isa kang businessman. Bigla rin akong na-curious kung ano ang feeling na maka-attend kaya sasama talaga ako.

Past 9 in the morning, nandito lang ako sa bahay. Wala na akong work dahil tinapos na ni Damon ang internship ko, which is nabigla rin sina Daddy na last day ko na pala kahapon. Nagdahilan lang akong namali ako ng bilang ng duty hours ko. Hindi pwedeng sabihin ko ang totoong dinaya ni Damon ang DTR ko at baka kung ano pa ang isipin nila.

Pero sina Miss Mia, nabigla rin nang pagkalabas ko mula sa opisina ni Damon, nagpaalam na ako sa kanilang lahat na tapos na ang internship ko. As in, nagulat silang lahat! Naging emotional pa nga si Miss Mia, akala ko kung dahil sa pag-alis ko pero hindi. Kundi sa mga araw na kakabahan siyang bad mood ang Mr. CEO nila!

Saktong natapos ang internship ko roon, pabalik na rin daw 'yong totoong secretary ni Damon na nag-maternity leave. Mabuti naman at nang hindi na uminit ang ulo ni Damon.

Ilang saglit ay nagpaalam na si Kuya Sandro na papasok na sa trabaho, silang dalawa ni Ate Seline, kaya naiwan ako rito kasama si Daddy at si Addison. Hanggang sa maisipan kong i-video call si Ate Gabriela.

"Oh, my God! Addison!" Aliw na aliw na sabi ni Ate Gabriela mula sa screen.

"Hi, 'cuz Addison!" Sabi naman ni Isha.

Sumingit ai Daddy sa screen para magpakita kaya kaagad din siyang binati ni Ate Gab at ng dalawang apo niya rito. Pati si Kuya Haze, bumati rin sa amin at nagkumustahan sila ni Daddy. Si Daddy ang naghahawak ngayon ng phone habang na sa amin ni Addison na naglalaro rito sa floor ng sala ang harap ng camera, pero nagsasalita si Daddy. Magkausap silang tatlo ni Kuya Haze at Ate Gabriela.

Napapangiti na lang ako kasi mas naging tight ng connection ni Daddy kay Kuya Haze after what happened between Kuya Haze and Ate Gabriela. Hindi lang si Ate Gabriela ang nagbigay ng second chance kay Kuya Haze, kundi pati si Daddy. Lahat kami. At pinapatunayan naman ngayon ni Kuya Haze na deserve niya ang second chance na ito.

"Really? Tapos na ang internship ni Agatha, Daddy? Congratulations, my little sister!" Narinig kong sabi ni Ate Gab kaya lumingon ako at kumaway.

"Thanks, Ate! I'll see you soon na! Kayong apat diyan." Nakangiting sabi ko.

"Mayroon pa siyang dalawa linggo rito bago bumalik diyan. Matagal ko na naman siyang hindi makikita.." Sambit naman ni Daddy kaya tiningnan ko siya, mukha na naman siyang nalulungkot.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon