"'Di ba nga, sabi nga namin sa'yo, Agatha. Nag-away si Damon at Oliver dati noong umalis ka na. Nagsuntukan!" Pag-ulit ni Naomi at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat dahil mukhang nai-imagine niya pa rin ang scenario na iyon.
"Ay, oo! Grabe! Kalat sa buong university iyon, 'no?" Reaction ni Elisse.
"Oo nga. At huwag mo nang pagdudahan kung ikaw ba talaga ang rason dahil ikaw talaga, babe. But, babalikan pa ba talaga natin ang tungkol doon, Agatha?" Sabi naman ni Dahlia at umiling ako.
"No, we're not." Sabi ko sa tatlong ka-video call ko ngayon.
Hindi, wala naman akong balak balikan ang tungkol sa naging issue kay Damon at Oliver. Pero hindi maiwasan na ma-bring up dahil sinabi ko sa tatlong kaibigan ko ang tungkol sa naging pag-uusap ulit namin ni Oliver at sinabi ko rin 'yong tungkol sa naging reaction ni Damon nang sabihin kong kukunin kong Ninong si Oliver ng baby namin. Ano na nga ba ang reaction ni Damon? Hindi niya gusto, at ramdam kong naiinis siya sa sinabi kong iyon!
Pareho ng iniisip ko, naisip din ng tatlong kaibigan ko na naiisip pa rin ni Damon 'yong dati. Na nagkagusto si Oliver sa akin dati. But, what about it? Matagal na iyon at wala na iyon, may asawa na si Oliver ngayon at magkakaanak na rin.
"Hindi ka pa rin ba pinapansin ni Damon? O baka ikaw ang hindi pumapansin sa kanya?" Tanong ni Naomi at humalukipkip ako.
"Both."
Kahapon, Sunday, family day. Kasama namin si Damon sa church, kasamang kumain, sa pagpunta namin sa cemetery para bisitahin si Mommy, pero hindi kami nag-uusap. Yes, inaalalayan pa rin niya ako, tinatanong kung ano ang kailangan ko. But that was all for the baby, hindi para sa akin! At ang cold niya! Huwag siyang mag-alala riyan, mas cold ako kaysa kanya.
"Mabuti at walang nakakapansin sa tampururot ninyong dalawa riyan. Nagseselos lang siguro ayang boyfriend mo, Agatha."
"Nonsense, Naomi. Ano'ng point ng pagseselos niya kay Oliver ngayon? Kasal na 'yong tao at magiging Daddy na rin tulad niya! Posible pa ang selos nun?"
Okay, malinaw naman na sa hindi pagpayag ni Damon na kunin na Ninong si Oliver ay hindi na kami magkalapit sa isa't isa. I get that they have a gap because of what happened between the two of them and hindi talaga sila magkasundo noon pa, but Oliver is my friend.
Nagkibit-balikat si Naomi. "Baka may dalaw." Biro niya.
"Wait, alam ko na. Baka tigang." Singit naman ni Elisse at natawa silang tatlo roon.
Natawa na lang din ako. "Ano ba ang sinasabi ninyo?" At hinimas ang tiyan kong unti-unti na talagang lumalaki.
These naughty girls! May oras pa talaga sila para magbiro!
Nandito ako ngayon sa kwarto, nakahiga sa bed. Ganito naman lagi ang ginagawa ko, kung hindi naglalaro roon sa ibaba kasama ang mga pamangkin ko, nakakulong dito sa kwarto kasama si Damon. Si Damon, naliligo. At kahit hindi kami bati ngayon ay magkasama pa rin kami!
Kailangan! Wala kaming magagawa at wala siyang magagawa dahil buntis ako. Pero hindi ko maiwasang isipin na isang araw, magpaalam siyang sa bahay niya muna siya matutulog.
"Ang sabi namin, baka nanghihingi ng lambing si Damon sa'yo, Agatha." Sabi ni Dahlia at alam ko ang gusto nilang iparating, kaya napasimangot ako.
Simula nang umuwi kami rito galing sa Rome, hindi pa kami nagmi-make love ulit ni Damon. It's just unusual dahil walang dalawa hanggang tatlong araw na pagitan ang love makings namin noon. Pero ngayon, halos isang linggo na 'yong pagdating namin mula sa Rome, wala pang nangyayari sa amin.
BINABASA MO ANG
Maybe It's Not Ours
RomanceAgatha is madly in love with Damon. She acts like an agent, following him around wherever he goes and even sneaking out just to see him. Obsessed? She won't be able to refute it. But what if the world is turned upside down one day? What if Damon is...